06.

98 8 0
                                    

Balik trabaho na ulit. Busy na ulit ako sa online shop ko. Marami ang umo-order for their ocassions kaya babad na naman ako sa cellphone ko. Mabuti na lang talaga at naibalik na ang kuryente. Mas mabilis na ang pagluluto.

Maliit man ang negosyo ko at least, may naibabahagi ako para sa panggastos dito sa bahay. The amount I earned contributed to our everyday needs. Hindi man malaki pero at least, sapat pangdagdag.

Raijin would sometimes accept side lines. Minsan ay ipapatawag siya para tumulong sa paggawa, either construction sites. Sa buhay probinsya namin, nasanay na rin si Raijin sa mga gano'ng gawain.

But, we both planned to build our own business at 'yon ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Raijin is in front of his laptop. Katulad ko ay abala rin siya sa kaniyang ginagawa. I know, he's been stressing out but he chose not to show us. Pero, kahit gaano niya itago, I can see it.

He's tired and stress but he keeps going.

"Are you fine there?" Tanong ko sa kaniya bago itinitigil ang ginagawa ko't lumapit sa kaniya. I peeked into his laptop and saw him listing something in the notepad.

Some effectice ways to build a business and how it can reach people.

I know Raijin graduated in the field of business. College pa lang kami ay isa na siya sa nag-eexcel na sa estudyante sa department namin. Siya ang palaging top student at noon pa man, humahanga na ako sa husay at talino niya. Sa kabila ng maraming babae na nagpapapansin sa kaniya, ako ang lagi niyang kinakausap noon.

Hindi ko alam kung bakit but I always find him staring at me.

I sighed and stepped inside the university. Inaantok pa ako pero hindi naman pwedeng tatamad tamad ako. Sayang ang pampaaral sa akin ni Mama at ang pagluwas ko dito kung hindi ko pagbubutihin.

Marami pang estudyante ang nasa labas ng kani-kanilang classroom nang madatnan ko. Laking pasasalamat ko dahil hindi pa time ng klase.

Mabilis akong lumiko patungo sa hagdanan paakyat ng aming classroom. Sa gilid lang ako dahil maraming tumatakbo pababa at paakyat.

Napailing na lang ako at inalis ang iniisip. Baka naman nagmamadali dahil may proyektong gagawin. Don't judge that easily, Ericianna.

"Raijin looks handsome today, nakita niyo? He's with his brother kanina! Parehong gwapo!"

"No wonder! Pareho naman silang gwapo, eh!"

"Kung hindi para kay Raijin, kahit sa kapatid na lang!"

My forehead creased as I hear them murmuring and gossiping about the Anderson Brothers.

Hindi naman maikakaila ang kagwapuhang taglay ng dalawang binatang 'yon. Victorious is a friendly and smiley one, gano'n din ang nakakatandang kapatid na si Raijin kaya hindi na nakakapagtaka kung madaling nahuhulog ang mga babae sa kanila.

"Erich!" I heard one of my blockmate called me. Agaran akong napalingon at naabutan siyang nasa may pintuan at kumakaway sa akin.

Mabilis akong lumapit at nginitian siya.

"Mabuti at nandito ka na! 'Yung activity, hindi pa namin gano'ng natatapos. Kailangan namin ng opinion mula sa 'yo!" Sabi niya kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit sa akin? Hindi naman ako ang leader ah," takang tanong ko pero hinila niya lang ako sa loob at agad kong namataan ang mga kagrupong nakaupo pabilog sa isang gilid.

My eyes immediately caught Raijin's figure. Tahimik itong nakaupo sa isang upuan at nakahalumbaba ngunit ang mata ay nakatingin sa akin kaya bahagya akong na-conscious.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon