05.

97 8 0
                                    

It's another wonderful morning with my wonderful family. Paggising ko pa lang, bumungad na agad sa akin ang asawa at anak kong nagkukulitan. Sino ba naman ang hindi mapapangiti roon?

It's been 4 years since we moved in here. Sa apat na taon ay hindi kami nahirapan dahil na rin sa tulong ng kuya ko at ni mama. Before my Mama died last year, she told me how much she's proud of me. She's proud of me for choosing a good man like Raijin and for having a strong and precious family. She also thanked Raijin for taking care of me. Aniya'y masaya na raw siya dahil alam niyang nasa mabuting kalagayan ako at ang apo niya.

Gano'n rin kay Kuya Eli. She also told my Kuya na alagaan ang girlfriend nito. She witnessed how my Kuya pursued his girlfriend kaya 'wag daw sanang hayaang masayang ang pagpursigi niya. Magpakasal na rin daw sila dahil kaya naman na nila.

Mama died peacefully. Maging ako ay hindi gano'ng nakaramdam ng bigat dahil alam ko, masaya si Mama. Payapa si Mama. She'll be with Papa now so, I know that she's very happy.

"Good morning," paos na sabi ko kaya napalingon sa akin ang mag-ama ko.

"Mama! Morning po!" Kim immediately went to me and kissed my cheeks. My husband also went to me and planted a soft kiss on my forehead.

"Good morning, darling," he whispered with a smile.

Nag-unat ako ng braso at gano'n na lang ang gulat ko nang sumubsob si Raijin sa leeg ko at yumakap. Ang brasong nakataas ay agad napunta sa buhok niya para haplusin 'yon.

"Bakit?" Marahang tanong ko habang hinahaplos ang buhok niya.

He hummed. "Lambing lang, alam kong magiging busy ka na ulit ngayon kaya sinusulit ko itong free time mo," he whispered. It made me smile.

Raijin never failed to make me smile as always.

"Mama, Papa, may sinabi po pala teacher ko po." Lumingon kami kay Kim habang si Jin ay nakayakap pa rin. He just moved his head to look at or daughter.

"What is it, anak?" Tanong ko.

Kim smiled. "We will be having a family day daw po!" She excitedly said. Muntikan pang mahulog sa kama kung hindi lang naabot ni Raijin.

"Careful," nakangiting sabi ng ama niya.

"Kailan 'yan, baby?" Tanong ko at bahagyang hinila si Kim para mapalapit sa amin.

"Saturday daw po! Next week!" I nodded and urged her to continue eating.

Kim is full of stories. Panay ang pagkwento niya tungkol sa napapanood niyang cartoons at maging tungkol sa school niya. Through out the breakfast, nakikinig lang kami ni Raijin.

"Tapos po, umiyak po siya kasi natapon ni Luke 'yung chuckie n'ya po," kwento ni Kim bago uminom ng gatas na nasa baso niya.

"Really? Then, did Luke apologized to her?" Pakikisakay ni Raijin sa anak.

Kim frowned then shook her head. "Hindi po, tinawanan niya po si Ivy! Kaya po naging angry po ako sa kaniya kasi po dapat nag-sorry siya pero tinawanan lang po niya! Hmp!" I almost burst out laughing when my daughter's frown deepened.

"Anong ginawa mo? Did you stand up for Ivy?" Tanong ko kaya nabaling naman siya sa akin.

She suddenly flashed a proud smile. "Yes po!" She enthusiastically said.

Raijin's brow lifts up in amusement. "Anong ginawa mo?" Tanong niya bago uminom ng tubig.

"I punched Luke in the face!"

Raijin's coughing surrounds the kitchen. Mabilis akong tumayo para daluhan siya dahil sa sunod-sunod na pag-ubo niya. Namumula na rin ang mukha habang hinahampas niya ang dibdib at patuloy sa pag-ubo.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon