24.

185 8 3
                                    

Pinasadahan ko ng isa pang tingin ang ayos ko. Nang makitang ayos na ang damit at hairstyle ko, lumabas na ako at nakita silang abala. My eyes immediately met Ate Daniella's gaze. Her eyes holds so much happiness and I can't help but to smile at her.

My Kuya's soon-to-be wife is so beautiful. I'm glad, my Kuya ended up with Ate Daniella. She's perfect for him and she brings the best out of my brother. Noon pa man, saksi na rin ako kung paano i-pursue ng Kuya ko si Ate and it's really admiring. Their love story is so great and lovely.

"Erich, nakaayos ka na pala. Halika, lagyan kita ng make-up para complete look na!" Sabi ng make up artist na kaibigan ni Ate Daniella. I glance at Ate and saw her nodding kaya sumunod na rin ako at naupo sa upuan.

"May boyfriend ka, Erich?" Tanong niya kaya bahagya akong natigilan. "Ay nako, paniguradong mayroon! Sa ganda mong 'yan? Bakit pa ba ako nagtatanong?" He chuckled but I remained silent.

"Aqui, daldal mo talaga," Ate Daniella said. Natawa naman si Aqui at tinuloy ang pagme-make up sa akin.

"Curious lang ako kung may boylet ba itong si Erich. Ay teka!" Aqui suddenly looks shocked while looking at me. Tinitigan niya ako at bigla siyang nagtanong.

"Kilala mo si Victorious Khein? 'Yung ex boyfriend ni Gail?"

"Uh, yes? Why?" Puno ng pagtatakang tanong ko.

He suddenly claps and laughed. "Kaya pala pamilyar ka! Nakita kitang kasama si Victorious Khein noon tapos 'yung jowa niya! Tama, ikaw 'yon! Boyfriend mo 'yung kapatid niya, diba? Oo, ikaw nga! Sabi na eh, kaya pala pamilyar ka!" Napanguso ako at tumitig sa repleksyon ko sa salamin.

"Naalala ko pa noon, sinampal ni Victorious 'yung gaga niyang ex-girlfriend," he stated, making me smile.

I knew about that story. Leisheen once told me about that and it made me proud and at the same time, happy. I mean, yeah, it's bad to hurt woman but Gail deserves it. Victorious didn't had the chance to punch the man his ex-girlfriend was with kaya tama lang 'yon. I understand him. His girlfriend got insulted, that's why he did that.

"Aqui, jusmiyo! Tama na! Ayusan mo na si Erich, malapit nang magsimula ang party!" Sambit naman ng isa pang kaibigan ni Ate mula kolehiyo.

Ate Daniella stood up and the door opened at the same time, revealing my brother who looks strikingly handsome with his suit and tuxedo.

"Hey, love." Naglakad palapit si Kuya at agad pinatakan ng halik si Ate sa noo at pisngi. Ate's college friends squealed and teases them.

Natapos na rin ang make up ni Aqui sa akin kaya tumayo na ako at lumapit sa Kuya ko na nakangiting nakatingin sa akin.

"Hey, sis. Ganda mo, ah. Ikaw ba 'yan?" He jokingly asked, making me roll my eyes.

"Swerte mo at engagement party mo ngayon kaya hindi ko muna papatulan 'yang pang-aasar mo," nakangising sabi ko bago ako yumakap sa kaniya. "Congratulations, Kuya ko. You and Ate Daniella deserves a happy ending after what you've been through. Masaya ako na kayo ang magkakatuluyan," bulong ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa akin.

"You deserve your happiness too, my sis. Claim it before it's too late."

The party started with the emcee, which is Ate Daniella's bestfriend, opening the program. Katabi ko si Ryle na tahimik na naglalaro sa cellphone ko. Kasama ko rin sa table ang magulang ni Ate Daniella na ngumiti sa akin nang magtama ang paningin namin.

I roamed my eyes around and saw them smiling while watching the couple in front. I smile seeing how they admire and support their relationship.

"Mimi, bathroom," Ryle whispered. Tumingin ako sa kaniya at nasalubong ang mata niya. I stood up and took his hands.

"Saan kayo, hija?" Tanong ng Mama ni Ate Daniella.

"Bathroom lang po, Tita. Nagpapasama po si Ryle," sagot ko.

Tumango si Tito. "Oh sige, pasok na lang kayo sa loob. Balik kayo agad." Tumango kami at dumiretso na sa loob ng bahay nila Ate Daniella kung saan ginaganap ang party.

Nakasalubong namin ang ilang namamasukan sa bahay nila na abala sa pag-aayos sa kusina. Ang isa ay nakita ako kaya napatigil.

"Ma'am Erich, saan po kayo? Hello, Ryle!" Bati niya na ikinangiti ko. My son waves his hand and smile cheefully.

"Hello, Ate!"

"Sa banyo lang kami, Soli."

Soli, who's the youngerst worker here nodded and proceed to continue her work. Dinala ko naman si Ryle sa banyo at sinamaan siya sa loob. I wash his hands when he finishes. Inayusan ko pa siyang muli bago kami lumabas ng banyo.

"Mimi, kakain na po tayo?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Later pa, baby. Gutom ka na ba?"

"Opo, Mimi!"

Tumayo ako at hinawakan siyang muli sa kamay. Muli naming nadaanan ang kusina at magpapasalamat sana ako kay Soli nang may makita akong lalaki na naroon.

"Ay sir, may tao pa po sa banyo pero palabas na rin po siguro sila Ma'am," dinig kong sabi ni Soli.

"I see. I'll just wait for them," the man, who's back facing us, stated. Soli nodded and her eyes went to us.

"Ayan na po pala sila Ma'am!" The man suddenly stood up properly and excuse himself before walking away.

"Eh?" Soli look confused. "Akala ko pa magbabanyo si Sir?" Takang tanong niya. Natawa ako sa gulong gulo niyang mukha. Takang taka sa nasaksihan.

"Hayaan mo, baka naman umatras na ang ihi." Lumapit ako at naupo muna sa stool. Wala siyang kasama sa kusina kaya nagdesisyon akong samahan muna siya dito.

Soli works as one of the maid here. Ang alam ko ay mula din siyang Laguna ngunit lumipat siya dito. While talking to her, I can notice the emptiness and sadness in her eyes.

"Paano ka nga pala napunta dito sa Sariaya, Quezon?" Tanong ko at napansin kong natigilan siya pero nagsalita rin.

"Well, umalis po ako sa Laguna three years ago. I was working there on a restaurant before I went here. The reason why I left Laguna is because of... him," she smiled sadly. "Iniwan ko 'yung masakit na nakaraan doon at nagsimula ako ng bagong buhay dito sa Quezon. But, I still feel empty."

Hindi na ako sumagot dahil ayokong makialam sa buhay niya. The sadness in her eyes is visible but I don't wanna interfer.

"Whatever your problem is, I'm sure you can make it. Malalagpasan mo rin 'yan. I can't give you advices dahil wala akong alam sa pinagdadanaan mo pero tandaan mo lang na lahat ng sakit, may kasiyahang kapalit."

Soli thanked me before we went back to the party. Nagulat ako nang mapansing naroon ang anak ko sa table. Napasapo ako ng noo nang mapagtanong kasama ko pala si Ryle kanina. Nainip siguro kaya lumabas na.

"Mimi!" He shouted when he saw me. Tumakbo siya palapit at napasigaw ako nang madapa siya.

"Anak!" Tarantang sigaw ko at lalapitan sana siya pero may lalaking lumapit sa kaniya. Lumapit pa rin ako sa kanila.

"'Wag ka nang tatakbo, okay? Masusugatan ka niyan. Your Mom will be worried," I heard the man said.

"Anak..." Lumapit ako sa anak ko at tiningnan ang tuhod niya. Pinagpagan ko 'yon. "May masakit ba, hmm?" Tanong ko.

"He's fine. I checked his knees and arms, walang sugat." The man beside me answered instead of my son.

I sighed and face the man. "Thank yo–" Nahigit ko ang hininga ko nang masalubong ang mata mg lalaking katabi.

His eyes remain calm but my heart is not. It beats wildly while staring at the man who keeps looking at me. The eyes of the man who I admire ever since the start is staring at me.

Parehas kaming tulala at walang bumitaw sa titigan. Kung hindi pa magsasalita si Ryle, hindi ako matatauhan.

"Mimi, diba siya po 'yung guy dun sa picture niyo? The one who's hugging you and Ate?" I gasped silently when I heard what my son said.

You are right, son. Siya nga 'yon. Your father... is here.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon