04.

90 6 0
                                    

"Papa, be careful!" Kim keeps on shouting at her father while we are both watching him. Nakahawak ako sa balikat ni Kim habang pareho kaming nakatingala, pinapanood ang Papa niyang nasa itaas ng bubong.

Mang Larry is also there with Raijin and Mang Hector, Aling Delia's husband is smiling while looking at Kim who's busy watching her father. Bumaling sa akin si Mang Hector at ngumiti.

"Huwag kayong mag-alala, hindi mahuhulog 'yan si Raijin," nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako pabalik at tumango. Bumaling na siya sa ginagawa kaya nilingon ko ang anak kong tahimik pa ring pinapanood ang Papa niya.

"Baby? Tara? Help me cook dinner?" Tanong ko pero nakangusong humarap sa akin si Kim at itinuro ang Papa niya. Bakas sa mukha ang pag-aalala kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

"Papa..." sabi niya saka muling bumaling sa Papa niya na abala sa ginagawa. Binalingan ko rin ng tingin si Raijin at nakitang abala ito sa ginagawa nila.

"Tara na, baby. Help me cook dinner para pagkatapos ni Papa, kakain na tayo, hmm?" Sinubukan kong kumbinsihin ang anak ko para sumama sa akin papasok ng bahay. Nakatitig pa rin siya sa ama niyang ngayon ay nakabaling na sa amin. Nasalubong ko ang tingin niya at agad gumuhit ang ngiti sa labi niya bago balingan ang anak.

Raijin frowned. "Why is my princess frowning?" Tanong niya mula sa kinatatayuan dahilan para mabaling sa amin ang tingin nina Mang Larry at maging si Aling Delia ay bumaling na rin sa amin.

"Papa... be careful po," nakangusong sabi ni Kim habang nakatingin sa Papa niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nina Mang Larry habang nakatingin sa amin.

"Nako, alalang alala ang prinsesa sa kaniyang Papa!" Mang Larry exclaimed while smiling at Kim. Maya maya pa'y napailing ito. "Na-miss ko tuloy 'yung panahong bata pa ang mga anak ko. Ngayon kasi ay may sarili nang mga bata," he said making us laugh.

Raijin is still looking at us with a smile on his face.

"Princess, don't worry, okay? Papa will be careful. Now, go with your Mama and help her cook for our dinner, okay ba 'yon?" Marahang sabi ni Raijin. Binalingan niya pa ako ng tingin bago ngumiting muli. "Go, darling. Pagkatapos ko dito, kakain na tayo," sabi niya kaya tumango ako at lumingon kay Kim.

"Come here na, baby. Narinig mo si Papa, diba? Luto na tayo ng dinner para kakain na tayo after nila Papa sa ginagawa nila. Come? We'll cook your favorite!" Nakangiting sabi ko at mas lalong lumawak 'yon nang makita ko ang pagbaling sa akin ni Kim.

"Adobo?" She asked with her eyes sparkling in excitement. She really loves Adobo. Namana yata kay Raijin.

I nodded enthusiastically. "Yes! We'll cook Adobo for dinner!" Sabi ko. Pumayag na rin naman siya kaya pareho kaming dumiretso sa bahay. Huminto muna ako para kunin ang cellphone ko para sa ilaw.

"Wait here, baby. I'll go and grab the ingredients, okay?"

"But Mama, it's dark po! Scary!" Tumango ako at lumapit.

"It's fine, baby. Mabilis lang si Mama, okay?" Nakanguso siyang tumango kaya binuksan ko na ang flashlight ng cellphone ko. Humakbang na ako para sana pumasok nang biglang lumiwanag ang bahay namin.

My mouth formed an O at kasabay noon ang pagsigaw ni Kim.

"Yehey! May lights na tayo!"

Yeah, may kuryente na nga kami.

Nilingon ko muna sila Raijin at nakita kong pababa na siya ng bubong.

Matapos niyang kausapin si Aling Delia, pumayag ito. Sinabi rin ni Jin na babayaran namin ang kuryente sa kanila dahil sa kanila na nakakonekta ang linya namin. Ayon, umakyat sa bubong si Raijin para ikabit ang kuryente sa linya nina Aling Delia. Ngayon ay may kuryente na.

Nakita kong kausap pa ni Jin sina Mang Larry at tumakbo palapit doon si Kim kaya napailing ako bago dumiretso na sa loob ng bahay. Una akong dumiretso sa kwarto para itago na ang mga kandilang naroon. Binuksan ko ang ilaw bago lumabas at dumiretso sa kusina.

I started cooking for dinner. Mabuti na lang talaga at may kuryente na. Mahirap magluto kapag wala. Magbabaga pa ng apoy kaya matatagalan pa. Mabuti at pumayag sina Aling Delia kung hindi, baka isang linggo pa kaming magtitiis.

Tahimik akong nagsasaing at naghahanda ng ulam nang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Bahagya pa akong napatalon sa gulat pero nang lingunin ko, nakita ko ang asawa kong nakangiti sa akin.

"Hmm, gutom ka na ba? Saglit na lang ito," sabi ko at bumaling muli sa niluluto ko.

I heard him hummed. "Ako na d'yan. Give me that, I'll cook," sabi niya bago humiwalay sa akin at kinuha ang kutsilyong pinanghihiwa ko ng karne ng baboy.

Napailing ako bago sinubukang bawiin muli ang kutsilyo pero itinaas niya 'yon kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako na, kaya ko naman." Umiling siya at sinimulan nang hiwain ang karne. "Raijin, akin na. Maupo ka na doon at ako na ang magluluto," sabi ko pero mukha siyang walang naririnig.

"Raijin," tawag ko pero hindi pa rin ako pinapansin. Napabuntonghininga ako at akmang babawiin muli ang kutsilyo nang magsalita siya.

"Ako na ang magluluto, pagod ka sa buong araw na pag-asikaso sa negosyo mo kaya ako na. Alam kong kaya mo pero kaya ko rin kaya ako na. Mabuti pa, ikaw na ang maghanda ng plato at mga kutsara para kapag naluto ito, kakain na tayo. Go now, darling."

Napaawang na lang ang labi ko dahil sa seryosong saad niya. Nilingon pa niya ako habang nakakagat sa ibabang labi niya bago niya ako sinenyasang kumilos na. Huminga na lang ako nang malalim bago sundin ang sinabi niya. Kahit naman pilitin ko ang gusto ko, hindi niya pa rin ibibigay.

Sinimulan kong ayusin ang mga plato at kutsara sa mesa bago ko muling balingan si Raijin. Napailing ako at napahinga nang malalim nang makitang basang basa ng pawis ang likuran niya. Bakat 'yon sa suot niyang sando at maging ang braso ay pawis rin kaya lumabas ako ng kusina at dumiretso sa kwarto para kumuha ng twalya at damit pamalit niya.

Habang pabalik sa kusina, nakita ko si Kim na tahimik na nanonood sa telebisyong ilang araw na hindi nabuksan dahil sa kawalan ng kuryente. Hindi ko na lang siya inistorbo at dumiretso na ako sa kusina.

Papasok pa lang ako nang marinig ko si Raijin na mahinang kumakanta habang naghahalo ng niluluto niya.

I stopped at my tracks and just decided to watch him. While watching him, I realized many things.

How can I be so lucky to have him? Of all women that liked him, how can I be the lucky one?

Raijin showed me nothing but love and care. Mula pa noon ay pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal niya. Sa kabila ng mga babaeng tumitingin sa kaniya, sa akin palagi nakatuon ang mga mata niya. Marami kaming naging problema nung panahong nagsisimula pa lang kami pero palaging siya ang nagpapakumbaba at umaayos ng problema namin. Doon pa lang, napagtanto ko nang siya ang lalaking hindi na dapat pinapakawalan. Siya ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako.

Nasaksihan ko rin kung gaano niya kamahal ang nanay at kapatid niya. Lalo noong panahong naaksidente ang kapatid niya, hindi man alam ni Victorious o kahit ni Parker at Jeon pero umiiyak si Raijin kapag nandito sa bahay.

Maabutan ko siyang nakatungo minsan at humahagulgol. Kapag lalapitan ko, makikita kong umiiyak dahil nag-aalala raw sa kalagayan ng kapatid niya. Nasasaktan siya para kay Victorious. Nasasaktan siya dahil sa nangyari. Kung bakit daw ang kapatid niya pa na walang ibang ginawa kung hindi ang magmahal lang din.

Raijin may not be able to show his weakness but I can see it. Nakikita ko kung kailan siya mahina. Alam ko kung kailan siya mahina. Hindi man niya sabihin pero, nararamdaman ko kapag nabibigatan na siya.

I once again watch him and smile.

Yeah, I'm hella lucky to have him.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon