15.

114 5 0
                                    

I don't understand myself these days. Sometimes, I wanna be clingy to my husband but sometimes, I'm irritated just by the scent of him. Minsan pa ay hindi ko patatabihin sa akin kapag tulog. Tanging si Kim ang katabi ko pero minsan, gustong gusto kong nakayakap sa kaniya. This gestures and the familliar situations. Hindi ko alam at ayokong mag-assume pero hindi kaya buntis ako?

"Darling, are you done? Kim and I are waiting outside. We'll be late for the meeting," my husband stated from outside our room. Napanguso ako at tinuloy ang pagsusuklay ng buhok hanggang sa umayos na. Tumayo ako at pinagpagan ang damit bago ko kinuha ang cellphone at wallet ko. I casted one last glance on the mirror before I went out, only to be greeted by my smiling husband.

"Ganda mo naman, Miss," he playfully said making me chuckle.

"Puro ka kalokohan. Tara na," sabi ko at niyakap ang braso niya.

Naabutan namin si Kim na nasa sala at nanonood ng cartoons sa telebisyon pero nang makita kami ay mabilis nawala ang atensyon niya roon at agad kaming nilapitan.

"Mama! Papa! Are we going na po?" Tanong ni Kim. Natatawa siyang binuhat ng ama at ako naman ay pinatay na ang TV bago ko hinarap ang mag-ama ko.

"We will be going na, baby. After the meeting, do you want to go to the mall?" My heart melted in joy when Kim smiled sweetly with her eyes sparkling. She immediately nodded and face me with her sweet smile.

"Gusto ko po mag-mall, Mama!" I nodded and kiss her cheeks.

Paglabas namin ng bahay, nagpababa na si Kim dahil maglalakad na lang daw at baka mabigatan ang Papa niya. She held our hands and swing it while her smile never fades. Pansin ko ang mga taong napapatingin sa amin at may naririnig pa akong bulungan.

"Ang cute naman ng bata, ang sweet ngumiti." I smiled and glance at my daughter who seems oblivious to the people admiring her cuteness.

Mana sa tatay. Mga walang kaalam-alam na pimag-uusapan na sila ng mga tao.

Mabilis bumitaw sa amin si Kim nang mamataan niya ang kaklaseng si Ivy na nasa gate kasama ang magulang nito. Mabilis siyang humarap sa amin.

"Mama, Papa, pwede ko pong puntahan si Ivy? Maghe-hello lang po ako."

Jin chuckled. "Sure princess, just don't run."

Mabilis tumango ang anak namin at dumiretso sa kaibigan niya. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ng asawa ko habang pareho naming pinapanood ang anak na nakangiti habang kausap ang kaibigan. Ivy's smiling widely at her and I could feel that they would be bestfriends not just in this school yeat but in the future also.

A boy approached them and we witness how Kim frowned while Ivy smiled.

"Oh, who's that boy? Look at him, trying to get our princess' attention." Napatingin akong muli at nakitang nakaharang na si Kim kay Ivy na parang pinoprotektahan ang kaibigan.

"Hindi ka pwede dito! Bad ka! Inaaway mo lagi si Ivy! Doon ka nga, Luke!" Kim said making me shocked. Mabilis akong napabitaw kay Jin at tumakbo papunta sa mga bata.

"Hey kids, what's happening? Kim, why are you asking him to go away?" Tanong ko dahil baka kapag nag-away sila ay makita ng magulang ng batang lalaki.

"Mama, he's always bullying Ivy! Bad po siya kaya ayaw ko sa kaniya!" Kim said.

I sighed and gently grab Kim's arms. "Baby, bad din naman na sinisigawan mo siya. Diba, ang turo ni Mama at Papa, 'wag makikipag-away?"

"Pero, Mama..."

Hinarap ko ang batang lalaki na tahimik pinapanood si Kim.

"Hi, I'm Kim's mother. You are?" Tanong ko sa bata.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon