CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?

24K 597 86
                                    

"Once upon a time, in a faraway mythical forest, there lived a girl..." pagbabasa ng kaklase ko. Hindi na ako kumikibo at nakatingin nalang sa kanya ng walang gana.

Seryoso ba siya? Iyan nanaman ang binabasa niya? Halos paulit-ulit niya na ngang binabasa sa'kin 'yan. Naiinis na nga ako eh. Buti sana kung horror story pa binabasa niya edi all ears ako dyan.

"Uunahan na kita ha? Mukhang balak mo nanamang basahin 'yan ng buo eh. Ilang beses mo na bang nabasa 'yan? Baka naman gusto mo namang tigilan 'yan? Wala ka na bang ibang mabasa?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

"First of all, this is my favorite book at hinding-hindi ko ito pagsasawaan. Tsaka ang astig kasi ng story nito eh! Tapos feel na feel ko pa na parang ako 'yung bida dito at hindi lang 'yun, ang galing niya pa sa mga fight scenes! Sana maging totoo ang mga fantasy stories no?" sabi niya.

Tsk, asa naman siya. Ang layo ng salitang fantasy sa reality at kahit kailan di 'yun mangyayari no. Napaka-imposible kaya nun.

"Nahihibang ka na ba? Kahit kailan hindi 'yun magiging totoo. Sobra-sobra na 'yang kahibangan mo sa mga fantasy, magic etsetera na 'yan. Paano kaya kung mag-focus ka nalang sa reality? Mag-concentrate ka nalang sa pag-aaral lalo na ngayong college na tayo." sabi ko sa kanya. 

Tama naman ako diba?

"You're so mean. Kanya-kanya tayong pangarap no. Malay mo naman. Diba sabi nga nila, walang imposible?" sabi niya. 

Papatulan ko pa ba siya o hindi na? Manahimik na nga lang dahil wala na talagang mangyayaring posible sa babaeng 'to.

Siya nga pala, magpapakilala muna ako. Panget namang tingnan kung buong istorya hindi niyo ako kilala diba? Ako nga pala si Ashe Kyle Garcia. Female. Saan nanggaling at kung bakit parang panlalaki ang pangalan ko? Hindi ko alam. Basta 'yan na ang pangalan ko at wala naman akong nakikitang problema dito. Cool pa nga eh. Simula nung baby pa ako, si kuya lang ang kasama ko. 'Yan okay na siguro 'yan. Ang mahalaga kilala niyo na ako.

Ay wait meron pa palang isa. Kahit kailan, ako yung taong hindi naniniwala sa mga fantasy like fairy tales, magic-magic, etsetera kasi hindi naman kapani-paniwala ang mga iyon. Tsaka maniwala ako dun sa babaeng 'yun? Kung mangarap sana siya nang may katotohanan eh. 'Yung tipong posibleng magkatotoo ba? Hay ewan.

Ilang saglit pa ay dumating na din ang prof namin at graphics ang subject namin ngayon. Sana naman di gaanong mahirap. Oo magaling akong magdrawing pero di naman ganun ka-pro. Kaya nga architecture ang kinuha namin kasi mahilig kaming magdrawing nitong kaibigan kong hibang.

Basic muna ang pinagawa sa amin, buti naman at hindi masyadong mahirap. Pasalamat nga ako dito sa kaibigan ko dahil sa kanya ako natutong mag-drawing. Ang lakas ng impluwensiya eh.

Mabilis lang kaming natapos. Pinasa na namin 'yung plates namin at lumabas na kami. Niyaya ko kaagad 'tong babaeng 'to sa canteen dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.


*****


Kararating lang namin dito. Ang layo ng canteen sa classroom namin, nakakapagod din maglakad. 

Sobrang crowded naman dito, tapos ang ingay pa. Parang iisa lang yung headline nila ah. Ano daw 'yun? Fantasy World Online ba? Pati ba naman dito nagdala pa ng kalahi 'tong babaeng 'to? Bakit ba parati ko nalang naririnig 'yang word na fantasy?

"Oy, alam mo ba yung mga pinagsasabi nila?" tanong ko sa kanya.

"Wag mong sabihing hindi mo alam?" tanong niya sa akin. 

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon