[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE

2K 90 3
                                    

K I R O

(Time: 3:00 A.M.)

Nagising ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapakali. Napatingin ako sa kanila at tulog na tulog 'yung tatlo. Sinandal ko muna ang ulo ko sa pader. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog ulit pero nawala na talaga ang antok ko.

Halos mapatakip ako sa tenga ng biglang kumulog ng malakas at halos mabulag din ako sa liwanag ng kidlat. Maya-maya, bigla nalang bumuhos ang ulan. Ito ang unang beses na umulan sa FWO. Buti nalang nandito kami sa isang bahay na wasak-wasak na pero may silungan naman.

Walang tigil ang pagbagsak ng ulan. Napatingin ako sa taas nang biglang mag-flash ang mga pangalan naming mga players. Isa-isa na silang nawawala sa listahan. Ibig sabihin lang nun, marami nang namatay. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasuntok nalang sa pader.

Hinanap ko agad ang mga pangalan nung dalawang bata kanina. Si Raven at si Rein. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa listahan pa ang pangalan nila. Mabuti naman kung ganun. Maya-maya lang, sisikat na din ang araw.

Napatingin ako sa langit. Ang kakapal ng ulap. Magagawa pa kayang sumikat ng araw sa ganitong kalagayan?

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas tres na ng umaga. Hindi na ako bumalik sa paghiga dahil hindi narin naman ako makakatulog. Mukhang wala na nga yata talagang balak sumikat ang araw dahil napakadilim ng langit.

Ano na kayang nangyayari sa iba? Kahit ba sumasapit na ang gabi, naglalaban parin sila? Kahit ba umuulan ng ganito kalakas, nagpapatayan parin ba sila? Wala bang tigil ang pagtagas ng dugo?

Kami, pilit kaming umiiwas. Pilit kaming nagtatago para lang hindi kami makatagpo ng ibang tao at hindi kami makapunta sa gitna ng labanang walang ibang ginawa kundi ang magpatayan.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kung kailan kailangan ko ng utak ko, hindi ito gumagana? Bakit wala akong maisip? Talaga bang sinadya niyang pahirapan kami? Teka nga lang, eh bakit ko pa ba tinatanong? Sa katulad niyang walang puso? Malamang! Sinasadya niya lahat ng 'to. Kasasabi niya nga lang diba.

"Siguro kailangan mo ng kausap. Lagi nalang utak ang kausap mo. Baka nakakalimutan mo, nandito pa ako. Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako." biglang sabi ni Yuri. Nagbuntong-hininga ako.

"Yuri, ano bang dapat kong gawin?" mahinang tanong ko dahil baka magising sila.

"Pasensya ka na Kiro, wala akong kwenta ngayon dahil hindi talaga kita matutulungan dyan. Sadyang kahit ako kasi, hindi ko na talaga alam dahil wala na akong connection sa kapaligiran kaya hindi ko masabi kung ano na ba ang mangyayari sa susunod na araw. Alam mo naman na nasa loob ka ng isang laro. Kaya 'niya' kaming i-shut down nalang kung kailan niya gusto. Kaya 'niya' kaming tanggalin nalang sa inyo na parang bula. Kontrolado niya kami at wala kaming magagawa dun. At isa pa, isa lang kami sa feature ng laro." sabi niya.

"Sus, at kailan ka pa naging walang kwenta Yuri? Ilang beses mo na akong natulungan. Kahit kailan, hindi ka magiging walang kwenta tandaan mo 'yan. 'Yung pagiging nandito mo lang parati sa tabi ko, malaking tulong na 'yun sa'kin. Tsaka para sa'kin, hindi ka lang basta-basta feature ng laro. Naging parte ka na ng buhay ko." sabi ko sa kanya.

"Oh siya, baka kung saan pa mapunta ang usapan. Ang hilig mong magdrama Kiro no?" pabirong sabi niya.

"Hayaan mo na ako. Sinusulit ko lang ang araw na nakakasama pa kita." sabi ko sa kanya.

"Sinasayang mo lang effort mo. Tsaka kapag natapos na ang lahat pooof! Mawawala na rin naman kami." sabi niya.

Kahit ilang beses niya pang sabihin 'yan, uulitin at uulitin ko parin sa kanya 'yun. Kahit na mawala na ang lahat, siya parin ang nag-iisang bestfriend ko at mananatili siya sa puso ko.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon