K I R O
"The coast is clear." sensyas ni Clyde at patuloy na kaming naglakad.
Para kaming sasabak sa giyera ngayon. Iwas na iwas kami sa mga tao kasi kapag nagkataon, wala kaming ibang choice kundi ang labanan sila. Nalabanan ko narin ang pangamba ko kanina. Hindi na ako natakot.
"Good to see you overcoming your fear." sabi sa'kin ni Silver habang nakahawak siya sa balikat ko. Nginitian ko siya at napatingin ako sa langit. Gabi na pala.
Napunta kami ngayon sa may city. Halos di mo na makilala ang lugar na 'to. Akala mo nagkaroon ng zombie apocalypse. Nakakapagbiro pa ako no?
"Akala mo dinaanan ng bagyo." sabi ni Zeth habang pinagmamasdan niya ang paligid.
"Hindi na tayo pwedeng magpaligoy-ligoy pa. Paano ba natin masisira 'yun?" tanong ni Clyde.
"Kahit ako hindi ko rin alam. Mabuti pa siguro kung magpahina muna tayo. Baka sakaling makapag-isip na tayo ng dapat gawin bukas." sabi ni Silver at dinala niya kami sa isang bahay na abandonado. "Dito safe dito." dugtong niya at binuksan ko ang pinto.
"Pinto palang creepy na." sabi ni Zeth. "Akala mo nagkaroon ng zombie apocalypse eh." dugtong niya.
Oh diba tama ako? Haha.
"Hays nakakapagod." sambit ni Silver at umupo kami sa isang tabi.
"Salamat nga pala kanina." sabi ni Zeth sa'min. "Lagi niyo nalang akong nililigtas." dugtong niya.
"Syempre naman. Kaibigan mo kami kaya gagawin namin ang lahat para mailigtas ka at maprotektahan." sagot sa kanya ni Silver. Nagkatinginan kami ni Clyde. Nagkibit-balikat lang siya at pinikit na niya ang kanyang mga mata. Nginitian nalang kami ni Zeth at humikab siya.
"Goodnight guys." sabi niya at tuluyan na siyang nakatulog. Maya-maya, nakatulog na rin si Silver.
Lumabas muna ako para magpahangin. Napatingin uli ako sa langit. Bilog na bilog ang buwan. Maya-maya, napaisip ako. Totoo kaya 'yan o ilusyon lang? Nilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang kapaligiran. Totoo kaya ang mga ito o ilusyon lang din?
Umupo ako sa isang tabi. Masarap lang isipin na huling mundo na 'to ng FWO. Huling mundo na ng paghihirap namin. Pero ibang klase naman ang mga consequences dahil sa mundong 'to, kailangan mong pumatay ng kapwa mo manlalaro. Sa mundong 'to, kailangan isa lang ang manaig. Isa lang dapat ang matira.
Nakakatawa. Hindi ko maiwasang isipin na pa'no kung kaming apat nalang ang natitira?Kailangan ba naming patayin ang isa't-isa?
Napahawak ako sa ulo ko at ikinuyom ko ang kamao ko. Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Ano bang dapat kong gawin?
Tumayo na ako at pumasok na sa loob. Umupo ako at isinandal ang ulo ko sa pader. Maya-maya, sinalubong narin ako ng antok.
*****
(Warning: May mga gore moments/words po dito na baka medyo disturbing para sa iba. Lalo na sa mga young readers po nito na malalawak ang imagination xD wag niyo po gagawin in real life dahil masama iyon. Peace out.)
Nakatayo ako habang pinagmamasdang unti-unting namamatay ang mga kaibigan ko.
"K-Kiro--w-wag m-mo na k-kaming a-alalahanin--" naghihingalong sabi ni Zeth habang tinatanggal niya ang espadang nakatusok sa dibdib niya.
Hinanap ko ang iba ko pang mga kaibigan. Hindi ako makapaniwala ng makita kong pinagsasaksak ng isang lalaki si Silver hanggang sa maubusan na siya ng buhay. Natigilan ako nang tuluyan na siyang naglaho. Kasunod niyang nawala si Zeth.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...