[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR

1.9K 91 0
                                    

K I R O

Nakatingin lang ako ng diretso habang pinagmamasdan ang mga taong isa-isang nag-aappear sa paligid ko.

Inilibot ko ang paningin ko. Nandito kami ngayon sa isang napakalaking open field. Pinagmasdan ko ang langit at napakadilim nito. Napakabigat ng mga ulap at walang tigil ang pagbagsak ng ulan. Bigla akong natigilan sa naalala ko.

That dream. May posibilidad ba na mangyari 'yun? Ito ba ang pinapahiwatig ng panaginip na 'yun? Pero hindi. Ayokong isipin na mangyayari 'yun. Hindi na ako ulit papatay pa. Isang beses ko ng nagawa 'yun at ayoko ng maulit pa. Maya-maya, nakarinig ako ng mga yapak na tila tumatakbo papunta sa'kin.

"Kiro!" rinig kong sigaw niya pero napako lang ako sa kinatatayuan ko. Blangko. Ni hindi din ako makalingon.

"Kiro!" ramdam kong inaalog niya ako. "Kiro ano ba?!" sigaw niya. Unti-unti akong humarap sa taong sumigaw.

"Kiro ano bang nangyayari sa'yo? Tinatawag kita hindi ka sumasagot!" nag-aalalang sabi niya. Hindi ko siya sinasagot at nakatitig lang ako sa kanya. Maya-maya, napatawa ako ng malakas na tila parang halakhak.

"Posible kayang magkatotoo ang isang panaginip?" sabi ko pero diretso lang akong nakatingin.

Napatingin ako sa taas at may nakita akong timer.


[30... 29... 28...]



S I L V E R

Ano bang nangyayari sa taong 'to? Kanina tinatawag ko siya pero hindi man lang siya sumasagot. Wala akong mabasa sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon. Parang blangko nga lang eh.

Nag-aalala na ako. Alam ko ang mga nangyari sa panaginip niya. Alam kong iyon ang iniisip niya kaya siya nagkakaganyan ngayon. Maya-maya, nagulat nalang ako ng bigla siyang humalakhak.

Teka... wag mong sabihing nababaliw na siya?

"Posible kayang magkatotoo ang isang panaginip?" bigla niyang tanong pero diretso lang siyang nakatingin. Maya-maya, napatingin siya sa taas kaya napatingin din ako.

May timer. Anong--bakit may timer?


[30... 29... 28...]


"30... 29... 28..." bigkas niya na parang sinusundan niya pa 'yung timer.

Aish! Nababaliw na nga ata 'to!

"Kiro gumising ka nga!" sigaw ko sa kanya at nakangisi siyang lumingon sa akin.

"Maya-maya, makukumpleto na rin ang lahat at magsisimula na." sabi niya. "Pagpatak ng zero." dugtong niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok na siya.


[25... 24... 23...]


Sa lakas ng suntok ko, napa-bagsak siya. Agad siyang napahawak sa kaliwang pisngi niya. Dumudugo na rin ang labi niya. Hindi niya ako tinitingnan at nakayuko lang siya.

Pasensya na bro pero kailangan eh! Hindi pwedeng ganito nalang Kiro!

"Tumayo ka diyan." sabi ko sa kanya. Mabuti naman at sinunod niya agad ako. "Subukan mo ulit na iharap sakin ang ganung mukha at susuntukin uli kita." sabi ko sa kanya. Inangat na niya ang ulo niya at nakita ko ang walang tigil na pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon