[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL

2.7K 111 10
                                    

A S H E

"Bakit mo ba 'to ginagawa?!" tanong ko sa kanya.

Nakaluhod na ako ngayon. Maya-maya, may biglang lumabas na upuan sa tabi niya at umupo siya doon. Nakadikwatro pa siya at nakapangalumbaba.

"Let me tell you a story, my dear sister." sabi niya at biglang may lumabas din na upuan sa tabi ko.

"Sit." utos niya sa akin. Hindi ko siya sinusunod at nakatingin lang ako ng maigi sa mga mata niya.

"I said sit!" sigaw niya. Nagulat ako kaya bigla akong napasunod.

Natatakot na ako sa kanya. Parang hindi na siya 'yung kuya na kilala ko.

"How are you?" tanong niya sa akin.

N-ngayon tinatanong niya ako ng ganyan?!

"Kamusta ang FWO? Ginawa ko talaga 'to para sa'yo." sabi niya sa akin.

"Diretsuhin mo na ako Kuya, please." sabi ko sa kanya. "Bakit ginagawa mo 'to? Bakit nandamay ka pa ng ibang tao kung ako lang pala ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang. Hindi ko pa kasi nakukuha lahat ng mga pangarap ko." sabi niya.

"A-anong pangarap? Please kuya, ipaintindi mo naman sa'kin. Pwede naman nating pag-usapan 'to d-diba?" sabi ko sa kanya. Hindi mawala-wala ang panginginig ng boses ko habang kinakausap siya. Nanlalamig na rin ang buong katawan ko.

"Hindi mo ba nakikita? Sa mundong 'to, ako lang ang malakas. Sa mundong 'to, ako lang ang magaling. Sa mundong 'to, ako lang ang matalino. Ako lang ang mamumuno. Sa mundong 'to, ako lang ang hari. Hangga't may nabubuhay pa, hindi ako titigil." sabi niya at naging seryoso ang mukha niya. Tumayo na siya at pumunta siya sa harap ko. "Tinatanong mo ako kung bakit ginawa ko 'to?" tanong niya at tinanguan ko siya. Inilapit niya ang mukha niya sa kanang tenga ko at bumulong. Tumaas lahat ng balahibo ko. Ramdam ko ang malamig na hininga niya sa tenga ko.

"Para maghiganti." sabi niya. Ramdan na ramdam ko ang galit na namumuo sa kanya pagkasabi niya nun. Napatingin ako sa kamay niya. Parang amumang oras ay manununtok na na ito. Lumayo siya sa akin at inikutan ako.

"Para maghiganti sa lahat ng taong tumapak sa pagkatao ko. Para maghiganti sa lahat ng taong nang-mamaliit sa'kin. Para maghiganti sa mga taong pilit akong itinataboy sa mundong 'to." dugtong niya. Tumigil siya sa harap ko at tiningnan ako sa mata. Nagulat ako nang may biglang tumulong luha sa mata niya. Umalis siya sa harap ko at pumunta sa likod ko. Sinundan ko lang siya ng tingin at nakita kong nakatitig siya sa kawalan.

"Simula bata palang ako, pangarap ko ng maging kilala sa mundo. Pangarap kong maging isang magaling na scientist. Pangarap kong tingalain ako ng mga tao. Pangarap kong sumikat kaya nagsumikap ako para sa sarili ko." sabi niya. "Pero lahat ng 'yun ay nasira simula nang makilala at dumating sa buhay ko ang pamilya mo." sabi niya at tumingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"Lalung-lalo na ang tatay mo." madiing bigkas niya.

Nagtaka nanaman ako. Ano bang tatay? Diba magkapatid kami? Bakit parang sa sinasabi niya at sa tono ng boses niya, hindi niya rin ama ang tinutukoy niya? Ano bang ibig niyang sabihin? Hindi ko na maintindihan. Hindi ko na talaga maintindihan.

"Kilalang-kilala siya sa lugar natin dahil sa ma-impluwensiya siya. Isa siya sa mga pinakamagaling na scientist nung mga panahong iyon." sabi niya.

"Naging professor ko siya. Lahat na ginawa ko pero puro rejection lang ang laging natatanggap ko mula sa kanya. Alam mo naman kung gaano kasakit ang ma-reject diba?" sabi niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon