A S H E
Naiwan ako ngayon dito sa batong pinagtataguan namin kanina ni Kiro. Siya naman kasi ay lumipat na ng pwesto. Sa ngayon, nagtatago muna kami. Hindi kasi pwedeng basta-basta nalang sumugod. Mahirap na.
Doble-doble ang pag-iingat namin. Mabuti naman at hindi pa nararamdaman nung dragon ang presence namin.
Humahanap lang din kami ng tyempo.
Nagpadala ng message sa akin si Kiro at lumabas iyon sa virtual screen na nasa harap ko.
[Message from Kiro: Wait for my signal. Remember, focus. Lilimitahan ko lang ang pag-atake ko. Bale naka-support lang ako sa'yo ngayon kasi ibibigay ko ang chance na'to sa'yo dahil baka dito mo na ma-fulfill ang mission mo. Be careful.]
Tumingin ako sa kanya at tumango. Tumalikod na sa akin ang dragon. Nakaharap kasi siya dito sa pwesto ko kanina. Yosh, it's time to move.
Dahan-dahan akong naglakad paalis sa pinagtataguan ko pero dahil clumsy nga ako, natapilok ako sa may naka-awang na bato.
Naitungkod ko ang sword ko kaya nakagawa ako ng ingay. Napatingin agad sa direksyon ko ang dragon at sumigaw siya ng malakas.
Great Asky! Lagot ka kay Kiro!
K I R O
Anak ng tinapa. Hindi kasi nag-iingat!
Nakita ko na nag-hi pa siya sa dragon at may pakaway-kaway pa. Seriously Asky? Ano bang gagawin ko sa'yo?
Lumangoy kaagad 'yung dragon papunta sa direksyon niya.
"Run!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo pabalik sa kanya. Nataranta pa nga siya at di niya malaman kung saan siya tatakbo.
Napatingin sa akin 'yung dragon pagkasigaw ko. Agad kong sinangga ang pakpak niya nang bigla itong umatake sa akin.
Argh! Ang lakas niya!
Natutulak na niya ako dahil sa sobrang lakas niya. Nang maramdaman kong malapit na ako sa pader, itinungkod ko muna ang isang paa ko at sinunod kaagad 'yung isa. Ibinuhos ko lahat ng enerhiya ko para makabwelo ng malakas para makagawa ng back flip at nag-succed ako. Umikot ako sa ere at sinugatan ko kaagad siya likod. Sumigaw siya ng napakalakas kaya nakatakbo ako.
Pinuntahan ko kaagad si Asky kung saan siya nagtatago ngayon.
"Nasugatan ko siya." sabi ko sa kanya. "How are you? Nasugatan ka ba?" tanong ko. Pinag-aalala pa ako nitong babaeng 'to!
"H-hindi, ayos lang ako. Pasensya na sa nangyari kanina hindi ko naman intensyon--"
"I know. Wag mo ng isipin 'yun." sabi ko sa kanya.
"So paano na? Nasira ko na 'yung dapat na plano natin." sabi niya.
"Forget about that. Susugurin na natin siya ng sabay." sabi ko.
"Seryoso?" tanong niya.
"Yup." sagot ko. "But first, I will create a diversion. I will lure it outside kasi mahihirapan tayo kapag bigla siyang nagtago siya sa tubig. Paaalisin natin siya sa safe zone niya. Then susugod ka sa signal ko." paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...