[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH

3K 171 11
                                    

K I R O

"K-Kiro!"

Tama ba ang naririnig ko? May tumawag sa pangalan ko?

Argh! Di ako makagalaw. Pakiramdam ko... pakiramdam ko mamamatay na ako. Hindi pwede. Ayoko pang mamatay. Hindi ko pa siya nahahanap.

"H-hindi..."



A S H E

"Kiro! Uy Kiro!" nag-aalalang tawag ko sa kanya. Agad akong nagpanic nang makita siyang walang malay. Tumingin ako sa HP bar niya, konti nalang at mauubos na ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Maya-maya, nagulat nalang ako nang biglang nagsilitawan ang dalawang ninja sa harap ko.

Wrong timing naman eh! Sino ang uunahin ko? Pero hindi dapat mamatay si Kiro.

"Kailangan ko pa siyang gamutin!" sigaw ko habang umiiyak. "Hindi ko kakayanin kapag nawala siya!" dugtong ko.

Maya-maya, nagulat nalang ako ng sumulpot ang isang ninja sa harap ko.

"Ah!" sigaw ko dahil sinipa niya ako. Sa lakas ng pwersa niya, napatalsik ako.

Tumayo ako kaagad at hinarap siya. Iwinasiwas ko sa kanya ang sword ko ngunit nailagan niya ito kaagad.

Ginamitan niya nanaman ako ng powerful kick at sinangga ko kaagad iyon ng shield ko. Napa-atras ako sa lakas ng impact. Malaking tulong 'yung pagharang ko ng shield dahil nabawasan nito ang lakas ng pwersa ng sipa niya.

Bigla namang sumulpot 'yung isa pang ninja sa likod ko at inatake ako mula sa likuran ko.

"Argh!" daing ko nang sugatan niya ako sa likod. Napa-upo ako at itinungkod ang shield ko para hindi ako tuluyang matumba.

Pumikit ako at dumilat. Nanlalabo nanaman kasi ang paningin ko. Naalala ko, may lason nga pala ang mga sandata nila. Napatingin ako sa kalaban nang muli niya nanaman akong sipain.

"Ah!" sigaw ko at tumama ako sa puno. Nasira ito sa lakas ng pagkatama ko.

Hindi na ako makatayo.

"B-bakit ganito?..." bulong ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Pinipilit kong tumayo pero di ko kaya. Maya-maya, naaninag ko nalang na binubuhat nila si Kiro at itinakbo siya papalayo.

"W-wag... Kiro..." mahinang sabi ko. Wala narin akong lakas para sumigaw.

Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang natitirang poison remedy sa bulsa ko. Uminom ako ng konti. Pinilit ko kahit masama ang lasa. Tumayo ako at isinandal ang kamay ko sa puno.

Galit. Galit ang namumuo sakin. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko habang unti-unti nilang tinatakbo palayo si Kiro.

"Kunin niyo na lahat wag lang ang mga taong mahalaga sakin." sambit ko.

Hinawakan kong mabuti ang sword at shield ko. Sa sobrang galit ko, nararamdaman kong lumalabas sa katawan ko ang kakaibang aura.

Nagsimula naring magliwanag ang sword ko. Nag-aapoy ito at nakakabulag ang liwanag. Sa sobrang lakas ng pag-aapoy, halos nasusunog na ang mga halaman at mga puno na nakapaligid sa akin.

Huwag niyo akong hahamunin dahil hindi niyo alam ang mga kaya kong gawin. Hindi ako magdadalawang-isip na iligtas ang mga taong mahalaga sa'kin. Gagawin ko ang lahat para sa mga taong mahal ko.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon