K I R O
"It's me again folks. It's time."
Unti-unting nanamang namuo ang galit sa buong katawan ko. Halo-halong galit ang nararamdaman ko. Galit sa taong nasa likod nito, at galit sa sarili ko.
Tama nga ang mga familiar sa naramdaman nila. Ngayon na matatapos ang WOS. Pero paano ko tatapusin ang mundong 'to nang wala siya sa tabi ko? Lalo na't alam kong matindi nanaman ang magaganap na labanan. Hindi ko alam kung makakalaban ba ako ng maayos dahil hindi ko sigurado kung nasa maayos ba siyang kalagayan ngayon.
Mahalaga siya sa akin at siya ang kalakasan ko.
Napatingin ako sa kweba nang may nagsilabasang mga tao. Bakit nandyan sila? At magkakasama sila? Napakarami nila at nagkakagulo sila. Wala silang idea na nakakulong sila sa loob ng isang transparent barrier ngayon.
May nararamdaman akong kakaiba sa kwebang ito. Malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari maya-maya lang.
W I S H (Z E T H)
Napabangon ako nang marinig ko nanaman ang boses na iyon. Bigla akong pinagpawisan. Wala man lang talaga siyang pasintabi.
Ito nanaman. Magaganap nanaman ang araw na pinaka-aayaw ko sa lahat. Matatapos na ang WOS. Pero matatapos lang ito kung matatalo namin ang kalaban.
Nagsimula nang magpanic ang mga tao. Magkakatabi lang kami nila Kuya Carl at Silver. Pinapakalma namin ni Kuya Carl ang mga tao. Napatingin ako kay Silver nang bigla siyang magsalita.
"It can't be." nakatulalang sabi niya. "Hindi pwedeng matapos 'to hanggat hindi ko pa nakakasama ang kapatid ko!" sigaw niya.
"T-teka Silver..." pagpapakalma ko sa kanya. "Pero hindi kita masisisi sa nararamdaman mo ngayon. Pati ang mga taong mahalaga sa amin ay kasama din sa mga nawala. Wala akong idea kung saan ba sila napunta." dugtong ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman niyo pero kailangan nating maging positibo. Hindi natin alam, malay natin, kapag natalo natin ang final boss ng WOS, baka pakawalan na rin sila." sabi ni Kuya Carl.
Sana nga. Sana nga, Kuya Carl. Iyan nalang ang panghahawakan ko. Laking pasasalamat ko talaga dahil kung nawala din siya, baka tuluyan na akong nilamon ng takot.
Napatigil nalang ang lahat nang biglang yumanig ng malakas ang lupa.
"A-anong nangyayari?!"
"Aaaaah!" sigaw nila. Nagsilabasan na ang mga tao dahil baka mawasak ang kweba at matabunan silang lahat dito.
"Let's go!" sabi ni Silver sabay hatak niya sa akin. Sumunod si Kuya Carl sa amin at nakipagsiksikan kami sa kanila.
"Hindi na tayo ligtas dito." sabi ni Silver. "Hindi na natin 'to mapipigilan. Now's our chance to escape. Makakalaya na tayo kasama silang lahat." dugtong niya. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanya at tumango.
Pinagmamasdan ko lang ang mga tao. Inaalala 'yung buhay namin. 'Yung normal na buhay namin dati at 'yung mga pamilya namin. Sana hindi nalang nangyari 'to. Maayos sana kaming lahat ngayon. Wala sanang nasasaktan. Wala sanang nagbuwis ng buhay.
Pagkalabas namin, napatigil nalang kami nang makitang nagkukumpulan ang mga tao sa hindi ko maintindihang paraan. Parang may tinutulak sila pero wala naman akong nakikita.
"Kailan pa nagkaroon ng barrier dito?" biglang sabi ni Kuya Carl.
"Barrier?" taka kong tanong sa kanya. "Saan? W-wala naman akong nakikita." sabi ko.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...