[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY

2.1K 103 2
                                    

S I L V E R

Nagulat ako nang biglang humagulgol sa iyak si Zeth. Napa-upo siya at wala siyang tigil sa pag-iyak. Naaawa na ako sa mga kaibigan ko.

Una si Clyde, tinangka niyang mag-suicide. Pangalawa si Kiro, nakapatay. Ngayon naman, si Zeth, hindi na mapigilan ang nararamdaman.

"Ayoko na!" sigaw niya.

Hinayaan lang namin siyang ilabas ang nararamdaman niya dahil baka 'yun ang magpagaan ng loob niya. Isa pa, babae siya. Hindi ganun kadali para sa kanya ang lahat.

"Bakit? Bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito?!" malakas na sigaw niya. "Hindi ko na kaya pang makakita ng mga ganung bagay. Hindi ko na kaya..." malungkot na sabi niya.

"Isa ka pa!" sigaw niya sabay duro niya kay Clyde. "Tinangka mo pang magpakamatay! Alam mo ba ang mararamdaman ko kung tinuloy mo 'yun? Kuya naman eh!" sabi niya kay Clyde. Agad siyang niyakap nito.

Kanina ko pa gustong itanong 'to. Ano bang meron sila? Magkakilala ba sila?

"Alam mo Zeth, nung nakita ko sa mga mata mo ang takot, natakot din ako para sa sarili ko. Bigla akong natauhan sa mga muntikan ko ng gawin. Hindi ko naman talaga gagawin 'yun at lalong hindi ko naman magagawa 'yun. Pero masisisi mo ba ako? Nadala lang naman ako eh. Tsaka tingnan mo ah, sinabi niya na isa lang ang dapat na matira. Kesa naman dumating sa punto na magpatayan tayo, naisip ko nalang na patayin ang sarili ko." paliwanag niya. Nakatingin lang sa kanya si Zeth.

"Pinagsisihan ko na 'yun at kahit kailan, hindi na mauulit 'yun. Matapang tayo diba? Hindi tayo magpapadaig sa kanya. Hindi pwedeng masunod ang gusto niya kaya kailangan na nating kumilos sa lalong madaling panahon." sabi pa niya. Pinunasan niya ang mga luha ni Zeth at niyakap niya ito.

Nandito na kami ngayon sa gubat, nagtatago uli. Eh sa 'yun lang ang pwede naming gawin, ang magtago ng magtago. Napatingin sa'kin si Clyde at ngumiti. Napansin niya siguro ang pagtataka sa mukha ko kaya tinawag niya ako. Umupo ako malapit sa kanila at napatingin ako kay Zeth. Nakayuko lang siya habang pinupunasan niya ang luha niya. Si Kiro naman, nasa taas ng puno.

"May gusto ka bang itanong?" sabi niya.

"Sa totoo lang Clyde, marami. Alam kong kailan lang tayo nagkakilala at hindi ko pa kayo masyadong kilala ni Zeth. Pero pwede bang magtanong kung magkakilala kayo?" sabi ko sa kanya.

"Zeth and I are cousins in real life. May dalawa pa siyang pinsan at 'yun ay ang mga kapatid ko. Si Mika at si Miguel. Silang dalawa ay nawawala sa hindi malamang dahilan. Katulad mo, katulad niyo ni Kiro, nawalan din ako. Kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo nung mga panahong nangungulila ka sa kapatid mo. Ayoko lang ipakita pero deep inside, sobrang sakit din." sabi niya. "Mahirap maghanap kung hindi mo alam kung paano at saan ka magsisimula. Mahirap mag-isip dahil wala kang ni isang clue kung paano at saan sila mahahanap. Pero nung nalaman kong buhay pa sila, kakaibang saya ang naramdaman ko. Na may pag-asa pa palang makita ko ang mga kapatid ko." dugtong niya. Ngayon naintindihan ko na. Parang si Mist, siya nalang ang natitira sakin. Siya nalang ang buhay ko. Tumingin ako kay Clyde.

"Parehas pala tayo." sabi ko sa kanya. "Mahirap talaga. Masakit kapag ang isang tao na mahalaga sa'yo ay mawawala." dugtong ko.

"Pero wala tayong dapat ikabahala dahil malakas ang mga kapatid natin. Malalabanan nila 'yun. Konting tiis nalang. Hindi na ako makapaghintay na makita muli ang mundo natin kung saan walang laro, walang naghihirap at walang mamamatay." sabi ko.

"Tama ka." sagot niya. Tumingin kaming dalawa kay Zeth.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya at tinanguan niya ako.

"Alam mo Zeth, matapang ka. Kaya mong harapin ang lahat ng 'to. Isa pa, nandito naman kaming tatlo. Hindi ka namin papabayaan. Inuulit ko, alam kong matapang ka. Nilalamon ka lang ng takot pero dapat paglabanan mo. Malapit na tayo sa dulo oh. Konting tiis nalang." paliwanag ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Kaya mo 'yan. Kaya natin 'to. Malalagpasan din natin 'to." sabi ko at kumalas na ako sa pagkayakap.

"Salamat. Salamat sa lahat." sabi niya.

"Wala 'yun." sagot ko naman.


*****


Ilang oras na rin kaming naghihintay dito. Nag-iisip kung ano ba ang pwedeng gawin. Marami nang mga namatay. Siguro tuwang-tuwa 'yung GM habang pinagmamasdan kami no? Pinagmamasdan kaming naghihirap, naghihingalo at unti-unting namamatay. Hindi na ako makatiis. Kailangan na naming makaisip ng paraan.

Nangangalay na ang batok ko kaya tumingala ako. Sobrang peaceful ng langit. Sana ganun nalang din ang buhay namin ngayon. Maya-maya, biglang humangin ng malakas at napatingin ako sa taas ng puno. Nandoon si Kiro sa pinakamataas na puno na halos hanggang langit ang taas.

Nakatingin siya sa langit na pa bang may balak siyang gawin. Napansin ko din na may hawak siyang bato. Nagulat ako ng bigla siyang bumwelo at mabilis na inihagis ito pataas. Pagkatapos ng ginawa niya, nagkaroon ng parang ugong. Napatakip ako sa tenga dahil sa sobrang lakas.

"Argh! Ano ba 'yun?!" tanong ko. Maya-maya, nawala na din agad ito. Mga ten seconds siguro 'yung tinagal ng tunog. Agad ko siyang pinuntahan sa taas pagkatapos nung ugong.

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin parin siya sa taas.

"It's solid." sabi niya.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? At ano yung ugong na 'yun?" tanong ko sa kanya.

"Pagkabato ko, parang may tinamaan ako. Parang may nakaharang na pader. Hindi ako sure kung ganun nga. Basta alam kong matigas na bagay ang natamaan ko dahil pagkatama ng bato doon, agad itong bumulusok paibaba." sabi niya. Napatingin agad ako sa taas. Normal na langit lang naman ang nakikita ko.

Ano bang meron sa dito at napakamisteryoso nito? Nagulat ako nang biglang tumalon si Kiro at napanganga nalang ako.



K I R O

Habang pinagmamasdan ko ang langit, may naisip akong gusto ko pang alamin. Pinindot ko 'yung blue button at nawala na 'yung bagong feature na flying. So hindi na din pala kami makakalipad dito. Isa lang din pala 'yun sa illusion.

Binalik ko ang tingin sa langit. May kakaiba talaga akong nararamdaman dito. Sana tama ako dahil kanina ko pa 'to napapansin.

Agad akong tumalon ng mataas. Wala na akong pakialam kung malaglag ako basta kailangan kong patunayan 'tong nararamdaman ko.

Binukas ko ang palad ko at inaabot ang langit. Maya-maya, nagulat nalang ako nang lumapat ang kamay ko dito.

Ano 'to? Anong ibig sabihin nito?

Agad na umugong ng malakas pagkalapat na pagkalapat ng kamay ko dito at bigla nito akong itinilapon paibaba na parang bang tinulak ako ng isang malakas na puwersa.

"Aaaaah!" sigaw ko. Sa lakas ng impact niya, halos hindi ko na mabalanse ang katawan ko.

Ang bilis ko bumulusok paibaba. Laking tulong ng mga puno dahil tumatama ako sa mga sanga nito. Nabawasan ang bilis ng pagkahulog ko. Pero masakit. Sobrang sakit. Kada pagtama ko parang mababali na 'yung mga buto ko. Punung-puno na din ng dugo ang damit ko.

"Kiro!!" rinig kong sigaw ni Silver.

Ito ba ang kabayaran sa ginawa ko? Ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

Kung ito na nga ang oras ko, tatanggapin ko ng maluwag sa puso.

Sorry Ashe... hanggang dito nalang ata ako.

"Kiro!"


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon