K I R O
"Kiro!" rinig kong tawag sa akin ni Yuri kaya agad akong napadilat.
Humangin ng malakas at halos maubo ako dahil sa alikabok. Naramdaman ko din na huminto na ang pagkahulog ko kaya nagtaka naman ako. Napatingin ako sa lapag at halos 1 inch nalang ang layo ko mula dito.
Paanong?
Inilapag ko ang mga paa ko. Napatingin ako sa kanan ko nang makita ko sila Clyde na tumatakbo papunta sa akin. Gulat silang nakatitig sa'kin. Agad na lumapit sa'kin si Zeth.
"Kiro?! Paano? Paano mo nagawa 'to?" di makapaniwala niyang tanong.
"Bakit? Anong meron?" taka kong tanong.
"Look." sabi niya at may tinuro siya sa likod ko. Agad akong napatingin dito at nagulat ako nang makitang nandoon parin ang pakpak ko. Maya-maya, agad din itong naglaho.
"Alam mo, bilib talaga ako sa'yo. Lagi mo nalang kami sinu-surprise. Ano bang meron sa'yo ha?" nakangising tanong sakin ni Silver. Tiningnan ko siya na para bang sinasabing 'kahit ako hindi ko rin alam'.
Alam naming lahat na hindi na kami makakalipad dahil nawala na 'yung feature na 'yun sa system. Pero paano nangyaring lumabas ang mga pakpak ko?
"Iba ka talaga bro." sabi naman ni Clyde.
"Bakit kaya hindi natin tanungin ang mga familiar?" sabi ni Zeth.
"Wala kaming alam." sabay-sabay nilang sabi.
"Pero isa lang ang masisiguro ko." sabi ko at tumingin sa kanila. "Magagamit natin 'to sa natuklasan ko." sabi ko.
"Sana nandito pa si Yume." malungkot na sabi ni Zeth.
Huli naming nakita si Yume nung araw na ipinakita niya sa'min ang mga nangyayari sa WOS at hindi na siya muling nagbalik pa kasi hindi na siya nararamdaman ni Yuri. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos niyang ipakita sa'min ang lahat, bigla nalang siyang lumabo. Kitang-kita ko sa mga mata ni Yume ang pagtataka kung bakit nangyayari iyon. Ayaw niya pang mawala pero pagkatapos nun, bigla nalang siyang naglaho.
Kahit ako nagulat at hindi makapaniwala. Siya nalang ang natitirang pag-asa namin para makaalis na mundong 'to. Pero bakit? Bakit bigla nalang siyang nawala?
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Yume nung araw na 'yun. Alam kong may sinasabi siya dahil bumubuka ang bibig niya pero hindi namin siya marinig. Hindi pa man siya natatapos magsalita, bigla nalang siyang naglaho.
Halos mawalan na ako ng pag-asa nung araw na 'yun pero nalabanan ko iyon. Sinabi ko na hindi porque nawala na si Yume, hihinto na kami. Gagawa at gagawa parin kami ng paraan. Naging malaking tulong sa'min si Yume. Nalaman namin na buhay pa ang mga taong pinaka-iingatan namin dahil sa kanya. Dahil sa kanya, naliwanagan kaming lahat. Na may dahilan pa para lumaban.
Ngayon, sa bagong natuklasan ko, mas lalo akong naguluhan. Maraming pumapasok sa isip ko. Ano yung nahawakan ko kanina? Solid siya at malamig. Para bang may nakaharang dito at may hangganan.
Anong ibig sabihin nun? At yung pag-ugong?
Para kang nakakulong sa isang makapal na salamin at pag hinampas mo 'to, magkakaroon ng malakas na pagtunog.
Sandali... nakakulong?
Hindi kaya ganun ang nangyayari sa'min ngayon? Nakakulong kami sa isang bagay na kailangan naming wasakin? 'Yun ba ang tinutukoy niyang ilusyon? 'Yun ba ang tinutukoy niya na kailangan naming mawasak iyon para makawala kami?
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...