[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY

2K 94 4
                                    

(Warning: Once again, may mga gore moments/words nanaman po dito na baka medyo disturbing para sa iba. Lalo na sa mga young readers po nito na malalawak ang imagination, wag niyo po gagawin in real life dahil masama po iyon. Hehe 'yun lang, enjoy reading!)



K I R O

Pare-parehas lang ang nangyari sa mga babaeng kinalaban namin kanina. Lahat sila ay namatay sa mga kamay ng iba. Napatingin ako kay Silver nang makita kong pabalik na siya sa'min pero nagulat nalang ako ng bigla siyang sugurin ng mga tao.

"K-Kiro! Tulong!" sigaw niya pero bigla akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko alam kung bakit!

"Kiro si Silver!" rinig kong sigaw ni Clyde pero walang pumapasok sa isip ko. Parang pakiramdam ko... kontrolado ako. May kumo-control sa akin! Pilit kong inihahakbang ang isa kong paa pero walang nangyayari.

"Argh!" sigaw ko habang nilalabanan ko ito. "Clyde! Hindi ako makagalaw!" sigaw ko sa kanya. Alam kong gusto niya akong puntahan pero marami siyang kalaban ngayon. Maya-maya, nagulat nalang ako ng may biglang tumusok sa kanang braso ko. Tuwang-tuwa pa siya habang ibinabaon niya ang espada niya sa'kin.

"Aaaaaaahhh!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Napatingin ako sa taas niya. Nagulat ako dahil wala akong makitang pangalan niya doon. Ni HP niya wala rin.

"Wala ka ng kawala." sabi niya habang nakangisi sa'kin.

"S-sino ka ba?!" tanong ko sa kanya.

"Sino ako?" pagkasabi niya nun, bigla siyang humalakhak ng napakalakas. Pagkatapos sa kanang braso ko, kaliwang braso ko naman ang sinaksak niya. Pilit kong tinitiis ang sakit. Ramdam ko din ang walang tigil na pagtulo ng dugo mula sa mga braso ko.

Ano bang ginagawa niya?!

"Kiro!" rinig kong tawag sa'kin ni Clyde.

"Sino nga ba ako?" napatingin ako sa kanya nang magsalita uli siya. "Hindi mo na kailangang malaman dahil mamamatay ka din naman." pagkasabi niya nun, agad niyang itinusok ang espada niya sa tiyan ko at napa-ubo ako ng dugo. Tawa parin siya ng tawa habang sinasaksak niya ako. Pilit kong ina-angat ang mga kamay ko at hinawakan ang espada niyang nakatusok sa tiyan ko.

"H-hindi ko hahayaang magtagumpay ka..." sabi ko at pwersahang hinihila palabas ang espadang nakatusok sa tiyan ko.

"Talaga nga namang malakas ka." sabi niya at lalo niya pang itinusok ang espada niya dito. Napayuko nalang ako dahil sa sakit. Kailangan kong maka-isip agad ng paraan kundi mamamatay talaga ako dito sa ginagawa niya.

"Any last words?" nakangising tanong niya. Inangat ko ang ulo ko at tumingin ng mabuti sa kanya.

"Hindi ako nag-iisa. Hangga't may mga kaibigan ako, patuloy akong lalaban. Hangga't may dahilan pa para mabuhay ako, patuloy akong lalaban at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako." pagkasabi ko nun, may naramdaman akong kakaibang energy na dumadaloy sa katawan ko. Nang maramdaman kong nakakagalaw na ako, agad kong inangat ang isang paa ko at sinipa siya ng malakas. Sa sobrang lakas, tumilapon siya.

Agad kong tinanggal ang espadang nakatusok sa tiyan ko at inihagis ito. Napa-upo nalang ako bigla habang hawak-hawak ang tiyan ko. Nilibot ko kaagad ang paningin ko at nagulat ako nang hindi ko na siya makita. Bigla nalang siyang nawala.

Pumunit ako ng tela sa damit ko at itinali ito sa tiyan ko. Napapikit ako sa sobrang sakit. Nararamdaman ko din si Yuri na unti-unti niya akong ginagamot. Maya-maya, agad akong napatayo ng maalala ko si Silver.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon