A S H E
"Wa---" sisigaw palang sana ako pero naunahan niyang takpan ang bibig ko. Agad ko naman 'yun tinanggal at lumayo sa kanya. A-anong klaseng nilalang 'to?
"A-ano ka?" tanong ko. Palapit siya ng palapit sa'kin habang ako naman palayo ng palayo.
"Ano ka ba talaga?" tanong ko uli.
Bigla naman siyang tumigil sa paglapit sa akin nang ma-realize niyang malapit na akong makalabas. Buti naman dahil kung hindi, nakita na ako ng mga halimaw dito at pinatay na nila.
"Saan ka galing?" tanong ko uli. Bigla namang lumungkot yung mukha niya. Bakit? Ano namang problema nito?
Alam niyo yung itsura niya? Di siya tao eh. Kaya 'ano ka' yung tanong ko sa kanya.
"Egg." sabi niya ng cute at mahinang boses sabay yuko.
H-ha? Egg? Anong meron sa itlog??
Agad naman akong lumapit sa kanya at tinitigan siya. Umupo ako para matingnan ko siya ng mabuti. Ang liit kasi niya. Mga hanggang tuhod ko siguro. Nag-aalangan din ako kung hahawakan ko ba siya o hindi.
Papalapit na sana yung daliri ko ng bigla niya akong yakapin.
"H-Hoy! Ang init mo, nakakapaso! Lumayo ka sa akin!" syempre sa utak ko lang yan. Remember na hindi ka pwedeng sumigaw kung ayaw mong mamatay. Mabuti naman at binitawan niya din ako kaagad. Ang init niya kasi talaga. Buti nalang at hindi ako nasunog.
"Egg." sabi niya uli pero this time nakangiti na siya. Omg! Ngayon ko lang narealize na sobrang cute niya pala!
Hmm, ano kaya 'yung egg na sinasabi niya?
Oo nga pala! Siya yung egg na nasa inventory ko at na-hatch na! Wow kaya pala lumalaki yun. Pero paano siya na-hatch?
"Wait... isa ka bang fox?" tanong ko at umango-tango naman siya. Waaahh!! Ang cute niya talaga! Sumasabay pa 'yung tenga niya sa pagtango niya! Para siyang 'yung small version ni Tomoe sa Kamisama Kiss. Ang pinagkaiba lang nila kulay copper red ang buhok at buntot nito.
"Teka, bakit ang init mo?" tanong ko. May pinakita naman siya sakin na maliit na apoy na nabuo sa kamay niya. Wow! May kapangyarihan siya. Isa siyang flame kitsune.
"Uy ang galing! Ano pa kaya mong gawin? 'Yan lang?" tanong ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang nalungkot.
"Sorry pero naka-base ang lakas at ability ko sa master ko. Kung gaano kalakas ang master ko, ganun din ako kalakas." sabi niya. Woah! Nagsasalita talaga siya! Pero anong ibig niyang sabihin?
"M-master?" taka kong tanong.
"Yes! I'm your familiar." sabi niya.
Wait.
*processing... processing*
Woy! Seryoso?! Master?! Familiar?! Ako ang master ng fox na 'to? Grabe totoo ba talaga 'to?
Teka kumalma ka muna self. Kumilos ka na parang master.
"Okay. Pwede bang ipaliwanag mo muna sa'kin ang lahat? Kung bakit ka biglang lumitaw sa harap ko at kung ano ang purpose mo sa mundong 'to?" tanong ko.
"Hai Ashe-sama!" sabi niya. Anak ng tokneneng nagja-japanese pa nga. Teka paano niya nalaman real name ko?
Biglang naging seryoso ang mukha niya at tumingin ng diretso sa'kin. Wow hanep ah.
"You are now in FWO's First Phase: The World of Monsters. In this world, kaming mga katulad ko ang magiging sandata niyo sa pakikipaglaban. 'Yun ang purpose namin kaya nag-appear kami dito sa WOM. Kami ang magiging familiar niyo. Meaning kung ano ang iutos niyo, gagawin namin. It's also our duty to protect our masters. Kung sino lang ang nagmamay-ari sa bawat familiar, siya lang din ang may kakayahang makakapag-utos at kumontrol dito." sabi niya. Ah, I see, I see. Eh paano ko naman kaya siya napalabas? Ang dami kong tanong.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...