W I S H (Z E T H)
Kung kanina hindi kami magka-rinigan dahil sa ingay, ngayon naman halos walang nagsasalita. Lahat kami gulat. Lahat kami nagulat sa inasta at ginawa ng leader namin. Wala na siyang pinagkaiba sa game master ngayon. Mamamatay tao siya.
Ramdam ko na maraming gustong magsalita, pero mas pinili nalang nilang manahimik. Ayaw nilang matulad doon sa lalaking pinatay niya. Mas mahalaga ang buhay nila para sa kanila.
Kahit ako, hindi rin makapagsalita. Hindi ko kasi inasahan 'to. Maya-maya, nagsalita na si Kuya Carl.
"Sir, wala naman po sa usapan 'yang ginawa niyo." sabi niya. Ramdam ko ang galit na namumuo kay Kuya Carl.
"Kahit anong oras, kung gusto kong gumawa ng bagong batas, gagawa ako." sabi niya.
"Eh pero sir, ang pagpatay po ng isang inosenteng tao?" tanong niya.
"Kung mananahimik lang kasi at susunod hindi naman mangyayari 'to. Hindi ba't nasa unang batas ang sumunod sa pinuno at nasa pangatlong batas din ang hindi pagrereklamo?" sabi niya at humarap siya sa mga tao.
"Kung sino man ang magreklamo pa, kung ako sa inyo, tatahimik nalang ako at susunod. Wala namang mawawala kung susunod ka. Ginawa naman nating lahat ang mga batas na 'to, hindi ba? At sumang-ayon naman ang lahat, hindi ba? Kung sino man ang lumabag, alam niyo na ang mangyayari sa inyo." sabi niya. "Umalis na tayo dito bago pa magkanda-walaan ang lahat." dugtong niya at sumunod na sila kaagad.
Pinagmamasdan ko lang sila. May mga umiiyak nalang dahil walang magawa. Napaka-lupit niya. Hindi ko alam kung may puso pa ba ang taong 'yun. Naawa nalang ako dun sa lalaking pinatay niya at sa pamilyang naiwan niya na walang kaalam-alam, patay na pala ito.
Ako nga mismo na isa sa mga opisyal, walang nagawa. Wala man lang akong nagawa para mailigtas ang lalaking 'yun. Maya-maya, lumapit sa'kin si Rion. Isa din sa mga opisyal.
"Kung balak mo mang traydorin ang pinuno, binabalaan kita. Hindi ka uubra sa kanya. Isa pa, malakas siya. Kung ako sa'yo, susunod nalang ako kung gusto ko pang mabuhay." banta niya at umalis na siya. Naiwan kami ni Kuya Carl.
"Hindi tayo pwedeng tumunganga nalang at walang gawin. Masasanay sila niyan. Hindi nila tayo alipin para pasunurin lang ng ganito. Gagawa tayo ng paraan Zeth. Kailangan nating mailigtas ang mga tao bago pa mahuli ang lahat." sabi ni kuya Carl.
"Pero paano?" tanong ko.
"Isa lang ang naiisip ko na makakatulong sa atin." sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Si Kiro." sabi niya.
K I R O
Umiikot ang paningin ko. A-ano bang nangyayari sa'kin? Pilit kong dinidilat ang mga mata ko pero malabo naman ang paningin ko.
"Tulong..."
Argh! Nahihilo ako.
Ang huling naalala ko ay may tumama sa braso ko at nawalan na ako ng malay.
A S H E
*sword flashes sfx*
Parami na sila ng parami at mas lalo pa silang bumilis ngayon. Hindi ko alam kung bakit parang nahihilo ako.
Hindi ko na din kayang lumaban. Marami na akong galos sa katawan. Pakiramdam ko bibigay na ako anumang oras. Bawat pagtama ng espada sa katawan ko, may nararamdaman akong kakaiba. P-parang... may lason?
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...