A S H E
Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng kuya kong napaka-pogi. Niyakap niya muna ako bago ako kinausap.
"Kamusta ang college ng napaka-cute kong lil' sis at astig na pro-gamer pa?" tanong niya.
"Aahh! Kuya naman eh. Hindi na ako little okay? College na kaya ako." sabi ko sa kanya.
"Ah basta. Little ka pa rin para sa akin." sabi niya sabay pisil ng pisngi ko. Grabe ginagawa niya talaga akong bata.
"Bahala ka nga. Siya nga pala, wala kang pasok kuya?" tanong ko.
"Wala. Nag-leave talaga ako ngayon dahil gusto kong makasama ang kapatid ko at para naman may makasama ka ngayong gabi dito." sabi niya. Nginitian ko nalang siya, nagpasalamat sa kanya at dumiretso na sa kwarto ko.
Siya nga pala 'yung kuya ko. Siya si Ashther Luke Garcia. Sa kanya siguro nanggaling yung Ashe. Ten years ang tanda ni kuya sa akin. About sa parents? Nah. Di ko alam kung nasaan na sila. Basta ang alam ko, iniwan nila kami at patay na sila para sa akin.
Isa siyang chef at may sariling restaurant. Siya rin ang nagpapaaral sa akin. Di siya masyadong nakakauwi dito dahil kadalasan busy siya sa buhay niya. Hinahayaan ko naman siya dahil trabaho niya 'yan at malaki na rin naman ako. Kahit kailan, thankful ako sa kanya dahil di niya ako pinapabayaan. Pagkabihis ko, bumaba na agad ako dahil naamoy ko na yung pagkain. Miss ko na yung luto niya.
Madali lang kami magkakitaan dito sa bahay dahil hindi naman ito masyadong malaki. Sinabi ko talaga sa kanya na kapag ipinatayo niya 'to, ayaw ko ng masyadong magara. Gusto ko 'yung simple lang.
Pagkababa ko, nakahanda na yung mga pagkain sa lamesa. Swerte ko talaga at paborito ko pa 'yung mga nakahain.
"Masyado ka na yatang gutom at di ka na makapaghintay." sabi niya.
"Syempre kuya. Na-miss ko kaya 'to." sabi ko sa kanya.
"'Yan lang na-miss mo?" tanong niya na parang nagtatampo.
"Syempre naman kuya ikaw rin. Woshuu, nagtatampo pa eh." pagkasabi ko nun, nagtawanan lang kami at nagsimula ng kumain. Sandali lang kaming natapos at taob yung kaldero. Napadighay pa nga ako ng malakas eh.
"Grabe, halata ngang di mo na-miss yung luto ko." sabi niya.
"Oo nga eh. Di halata no?" biro ko at tumawa nalang siya.
"Oh siya, ako nang bahala dito. Umakyat ka na dun at magpahinga na. Siguradong pagod ka nanaman bukas." sabi niya.
Ang bait talaga ni Kuya! Napakaswerte ko sa kanya.
"Sure ka kuya? Wala naman akong homework pwede kitang tulungan." pagkasabi ko nun, nginitian niya lang ako at pina-akyat na. Pero hindi pa man ako nakakalayo, may naalala ako. Wala namang masama kung tatanungin ko siya diba?
"Kuya." tawag ko sa kanya at agad naman niya akong nilingon.
"Ah Kuya... uhm, alam mo ba 'yung... alam mo ba 'yung FWO?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Hindi. Ano ba 'yun?" tanong niya. Umiling nalang ako at hindi na nagtanong pa.
"Ah w-wala Kuya, nevermind. Akyat na ako." sabi ko sa kanya at tumuloy na ako sa paglalakad. Pagkapasok ko sa kwarto ko, binuksan ko kaagad yung tv at sinalpak yung cd na anime. Napatulala muna ako saglit at napa-isip.
Bakit ganun? Bakit parang di ako convinced na hindi niya alam? Hmm, baka naman pagod lang 'to. Wag ko na nga problemahin.
Now watching: Sword Art Online
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...