[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP

6K 283 9
                                    

A S H E

"Wow! Sugoi! Nag-level up ka na Yume!" nakangiti kong sabi habang tinitingnan yung profile niya sa baba ng profile ko.

"Haha! Arigatou!" nakangiti niyang sabi.

"Uy ako din pala!" masaya kong sabi. Level 3 na si Yume at ako naman nag-level 2 na. Dahil 'to doon sa mob na pinatay ni Yume kanina. Kita mo wala akong ginawa pero nag-level up. Partida natutulog pa ako niyan ah.

"Glad you're happy Asky-sama!" sabi niya at masayang tinanguan ko siya. Pa'no pa kaya pag lumakas kami parehas ni Yume no? Invincible na siguro kami nun.

Biglang pumasok sa isip ko si Kiro. Kamusta na kaya 'yun?

"Sino si Kiro?" tanong niya habang nakapamewang. Ay palaka. Mind reader nga pala 'to.

"Who is Kiro Asky-sama?" pag-uulit at naka-pout niyang tanong.

"Wala lang. Na-meet ko lang dito sa FWO before." sabi ko.

"Ano mo siya?" tanong niya nanaman. Ha? Parang nasa hot seat ako ngayon ah.

"Hmm ikaw talaga Yume. Siguro kaibigan?" sabi ko sa kanya.

"Bakit hindi ka sure?" intriga niya pa ulit.

"Eh isang beses lang naman kasi kami nag-meet. Hindi na naulit." sabi ko. "Bakit mo nga pala tinatanong?" dugtong ko.

"Wala lang." sagot niya.

"Aysus, nagseselos ka no?" pang-aasar ko sa kanya. 'Yung mga tanungan at tono kasi ng pananalita niya eh haha!

"No. Why would I? Curious lang ako sa iniisip mo." sabi niya sabay walkout. Haha!

"Yume iniiwan mo ako baka mapahamak ako." sabi ko at kumaripas naman siya ng takbo pabalik sa akin.

"Halika na nga Asky-sama." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Haha! Ang cute ng alaga ko. Akalain mo yun? Nagkaroon ako ng isang katulad niya.

Nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Yume-kun, san tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa mas safe na lugar. May nararamdaman kasi ako dun kanina eh." sabi niya.

"Ano naman? Halimaw?" tanong ko.

"Hindi. Kanina pa kasi may nakatingin sa'yo." pagkasabi niya nun, bigla naman akong kinilabutan.

R-rapist?!

"Sa tingin ko naman di siya ganun. Subukan niya lang." sabi niya. Alam niyo nagugulat na talaga ako dahil bigla-bigla nalang siyang sumasagot.

"Hahaha!" tawa ko nalang.

Napatakip nalang ako sa tiyan ko nang bigla itong mag-alburoto.

"Haha! Narinig ko yun. Halika kumain muna tayo." nakangiti niyang sabi.

"Pero wala tayong pera." naka-nguso kong sabi niya.

"Don't worry. I have an idea." sabi niya sabay kindat sa akin.

"Ano naman yun?" taka kong tanong.

"Let's hunt some meat." sabi niya.

Oooh, great idea! Ang tagal ko naring hindi nakaka-kain ng meat! Ang talino naman ng familiar ko, parang ako!

"I know right!"

Ay palaka. Sumasagot! Hahaha!


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon