[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY

3.2K 128 11
                                    

*sword flashes sfx*

Hinahabol ko ang hininga ko.

"You think you can defeat me?" pagkasabi niya nun, hindi ko napansing yumuko siya ng napakabilis at itinama ang espada niya sa kaliwang binti ko.

Agad akong napa-upo. Walang tigil ang pag-agos ng dugo.

"Aaaaaahh!" sigaw ko.



W I S H (Z E T H)

*punches*

*kicks*

*punches*

*kicks*

"Silver, magpatama ka naman!" sigaw ko sa kanya. Pa'no ba naman kasi, puro dodge lang ang ginagawa niya. 'Yung totoo, tinuturuan ba talaga ako nito?

"Gusto mong i-block ko ang mga atake mo? Masasaktan ka lang." sabi niya. Ang yabang naman nito.

"Wow ah. Ang galing mo naman." pagkasabi ko nun, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang binti ko pagka-sipa ko sa kanya. Sabi na nga ba, dapat hindi nalang ako sumagot. Patay ka ngayon Zeth.

Sinuntok ko kaagad siya gamit ang kaliwang kamay ko but I failed. Napigilan niya din kaagad ito. Patay na talaga. I'm cornered now.

Nakatingin lang ako ng masama sa kanya. Hindi ko pinapakitang natatakot ako.

"Ito lang ba ang kaya mo?" tanong niya. Nainis ako kaya sinuntok ko uli siya gamit naman ang kanang kamay ko at ang bilis ng mga nangyari. Kahit ako nagulat. Ni-lock niya ang mga paa ko gamit ang mga paa niya habang hawak niya ang dalawang kamay ko.

"Ano?" sabi niya habang nakangisi. Napipikon na ako sayo Silver!

Kakagatin ko sana siya kaya lang bigla niya akong binitawan. Na-out of balance ako at natumba.

"Aray..." daing ko habang hinihimas ko ang balakang ko. Tiningnan ko siya ng masama. Nagulat nalang ako nang makitang seryoso siya.

"S-sorry na." sabi ko sa kanya.

"Tsk." sabi niya. "Hindi ka makaka-survive kung puro ganyan ka lang. You need to work very hard. Itutuloy natin ang training mamaya." sabi niya at naglakad na sa'kin palayo.

Natauhan at nahimasmasan ako sa mga sinabi niya. Tama si Silver. Walang mangyayari kung puro ganito nalang ako. Napakahina ko talaga.

"Silver!" tawag ko sa kanya at tumingin siya sa'kin.

"Gagalingan ko na mamaya!" sabi ko. Tumango siya at ngumiti. Pinagpatuloy na niya ang paglalakad niya at lumapit kay kuya Carl.

Thank you Silver. I owe you one.



S I L V E R

Kailangan kong sanayin mabuti si Zeth. Nawawala siya sa focus kapag nagiging aggressive siya. Gusto ko siya maging malakas kaya nagiging mahigpit ako sa kanya. Hangga't maaari, iniiwasan kong masaktan siya kaya dahan-dahan lang ang ginagawa kong pag-train sa kanya.

Nakikita ko si Mist sa kanya. Ganito din siya nung nag-uumpisa palang siya. Pero habang tumatagal, nakikita ko naman ang pagbabago. Gumagaling din siya. Gusto kong ganun din ang mangyari kay Zeth. Ayokong maging mahina siya. Minsan, kailangan din 'yun para kaya nating ipagtanggol ang mga mahal natin. Kailangan niyang maging malakas para kay Clyde at para sa mga taong malapit sa kanya.

Iyan ang natutunan ko dito sa FWO. There's no room for weakness and fear.

"Clyde." tawag ko sa kanya. "Wala parin ba siya?" tanong ko.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon