K I R O
Hindi ako makapagsalita. Parang tinakasan ako ng boses ko. Nandito sila ngayon, sa harapan ko mismo.
Ang mga taong nagmalasakit sa'kin. Pero sa huli, iniwan ko.
Sila ang... mga kaibigan ko.
*Flashback*
"Ahahaha! Lampa!"
Iyan ang patuloy nilang isinisigaw sa akin. Grade five na ako at hanggang ngayon, hindi parin natatapos ang pambu-bully nila. Minsan nga ayaw ko ng pumasok. Pero ina-alala ko lang lagi kasi si kuya. Gusto niya akong makapagtapos ng pag-aaral.
Wala eh, ganun talaga. Wala na akong magagawa dahil ganyan ang gusto nila. Hindi buo ang araw nila hangga't hindi nila ako nabu-bully. Masaya sila dyan, edi sige.
Wala na akong pakiramdam. Manhid na ako sa ginagawa nila. Sanay na ako.
Araw-araw nila itong ginagawa sa akin, hindi ko na lang sila pinapansin. Ang turo kasi sa akin ng kapatid ko, masama ang makipag-away.
Wala narin kaming mga magulang. Parehas namatay nang dahil sa sakit. Napakabait ng mga magulang namin. Lahat ginawa nila para sa amin pero dahil wala kaming sapat na pera pampagamot, maaga silang namatay. Ikina-ganuho iyon ng mundo ko. Sila kasi ang buhay ko.
Mahal na mahal ako ng kuya ko. Lahat ginagawa niya para sa'kin. Kaming dalawa nalang ang meron kami kaya nangako kami sa isa't-isa na walang iwanan.
"Oh, kanina pa kita hinihintay. Bakit ganyan nanaman itsura mo?" tanong sa'kin ni kuya. Uwian na namin.
Basang-basa kasi ako. Syempre hindi naman ako magpapakabasa ng sarili ko diba? Dahil 'to sa mga bully kong classmate. Buti nalang umuulan, para may mai-dahilan ako.
"Sorry kuya. Naulanan kasi ako." sagot ko sa kanya.
"Naulanan? Bakit? May payong ka naman ah. Tsaka bakit may kulay green?" tanong niya.
"Ah wala 'to kuya. Nagtae kasi 'yung ballpen ko na kulay green. Napahid ko sa polo ko." sabi ko.
"Ah ganun ba? Oh siya, umuwi na tayo nang malabhan ko na kaagad 'yan. Mahirap na baka dumikit na 'yan at hindi na matanggal." sabi niya at lumakad na kami. Napakabait talaga niya.
"Kuya, bakit nandito ka nga pala?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Na-suspend kasi ang klase namin kaya naisipan ko na dumaan dito. Para masundo kita at para sabay na tayo umuwi." sabi niya.
"Ah." sagot ko naman.
Pagkadating namin sa bahay, hinubad ko na kaagad yung polo ko.
"Umakyat ka na sa taas at mag-aral. Malapit na ang exams niyo diba? Konting tiis nalang at magkakasama narin tayo ng school. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral mo ng mabuti at ga-graduate ka ng valedictorian. Sobrang proud ang kuya sa'yo." sabi niya.
"Thank you kuya, sa lahat." sabi ko at ngumiti siya sa akin. Lahat naman ng pagpupursigi ko ay dahil sa kanila. Sa mga magulang ko, sa kuya ko, at sa kanya.
Umakyat na ako sa taas. Nagsimula na akong magreview.
Ilang oras din ako nagbasa at hindi ko napansin na hating gabi na pala. Ginabi na ako sa pagrereview. Maya-maya, naisipan kong pumasok sa kwarto ni kuya.
"Oh bakit gising ka pa?" tanong niya.
"Wala po kuya. Maglalaro ka palang?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...