C A R L (C L Y D E)
(Time: 8:00 P.M.)
Katatapos lang ikuwento ni Zeth sakin ang lahat ng sinabi sa kanya ni Kiro. Masaya ako para sa kanya dahil naintindihan niya na rin ang lahat.
Nandito parin kami sa training field, nagpapahinga. Ang dami na naming na-perfect na spells. Ang saya-saya nga eh.
"Pa'no ba yan? Talagang wala ng makakapigil doon. Mangyayari na nga talaga ang lahat bukas." sabi ni Zeth habang nakatitig sa water bottle na hawak niya.
"We're in a game at hindi naman natin ito kontrolado kaya wala na talagang makakapigil doon." sagot ko naman.
"Hays. Well, all we need to do is enjoy our last day." sabi niya. "Come to think of it, ano naman kaya ang mga makakalaban natin bukas?" tanong niya.
"I have no idea. Parang nakalaban na nga natin lahat eh." sagot ko sa kanya. Maya-maya, may naramdaman akong kakaiba. Parang may mangyayaring mali bukas at hindi namin ito magugustuhan. Sabihin na nating lahat naman ay hindi namin nagustuhan pero iba 'tong nararamdaman ko ngayon.
"Kuya, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Zeth. Tumingin ako sa kanya.
"Ah--oo, okay lang ako." sabi ko at nginitian ko nalang siya. Alam ko namang mag-aalala siya kaya hindi ko nalang sinabi sa kanya. Maya-maya, bumalik na din sina Kiro at Silver. Kung titingnan mo ang mga mukha nila, parang ang lalim ng iniisip nila. Tumabi sa akin si Silver at tumabi naman kay Zeth si Kiro.
"Uy, guys, ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Zeth sa kanila. Hindi sila sumagot ngunit tumingin lang sila sa amin.
"Clyde, totoo ang mga sinabi ni Kiro." biglang sabi ni Silver sakin. Biglang nag-iba ang mood ko sa sinabi niya. Diba tapos na ang usapang 'yan?
"Ayan nanaman ba tayo? Hindi parin ba tapos 'yan?" tanong ko sa kanila.
"Makinig ka muna kasi Clyde." sabi ni Silver.
"Uy teka lang. Wag naman tayong mag-away. Last day na nga natin eh." sabi ni Zeth. Hays. Hindi naman kami mag-aaway eh. Ewan ko ba kung bakit ba ayaw nilang tantanan 'yan.
"Hindi naman kami mag-aaway Zeth." sabi sa kanya ni Silver at tumingin siya sa akin. "Please Clyde." sabi niya.
"Fine. Sige na, I'll listen." sabi ko sa kanila.
"Salamat." napatingin ako kay Kiro nang magsalita siya.
*****
Pilit kong inintindi ang mga sinabi nila sa'kin. Pati tuloy ako napa-isip. Ngayon ko lang naintindihan kung ano ba 'yung talagang point ni Kiro. Masyado akong naging selfish. Hindi ko man lang inisip kung ano ba 'yung mararamdaman niya.
"I'm sorry, Kiro. Ako nga ang pinakamatanda dito pero hindi ko man lang binuksan ang isip ko para pakinggan ka. Pasensya na sa mga sinabi ko sa'yo nung nakaraan." sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa mga sinabi ko pero ngumiti naman agad siya.
"Tapos na 'yun Clyde. Ang mahalaga, pinakinggan mo ako. Salamat din pala sa pag-aalala." sabi niya at nag-ngitian nalang kami. Napatingin ako kay Zeth dahil parang ang lalim ng iniisip niya.
"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya.
"Iniisip ko lang na, posible nga 'yung mga sinabi nila. Pero pa'no nangyari na may kaugnayan ang WOF sa WOS?" taka niyang tanong.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...