K I R O
Hindi ko inasahan na magkikita-kita pa kami. Hindi ko alam kung pa'no ko ba sisimulan. Ang ginawa kong pag-iwan sa kanila, bumalik lahat sa akin. Sa kabila ng ginawa ko, nagawa pa rin nila akong tulungan.
Wala akong kwentang kaibigan. Dapat lang talaga na mamuhay ako ng mag-isa. Binigyan na ako ng pagkakataon pero binalewala ko lang. Kaya pala ganito nalang ang mga nararanasan ko ngayon.
"Halika na Asky." sabi ko sa kanya at tumayo na. Hindi ko sila kayang harapin. Napaka-gago ng ginawa ko. Napaka-gago ko.
Lumingon ako sa kanya dahil naka-upo parin siya.
"Wala ka bang narinig? Tumayo ka na di--"
"Ganyan ka na ba talaga Kiro? Aalis ka nalang ulit ng basta-basta?" napatingin ako nang biglang magsalita si Silver. Lumapit siya sa akin at ngayon, magkaharap na kami.
Nakatingin lang ako sa kanya. Wala parin siyang pinagbago.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya.
"Wag na natin 'yung balikan." sabi ko.
"Ano kamo? Ikaw pa talaga ang may lakas na loob na sabihin 'yan? Huh! Akala ko ba kaibigan ka namin? Ibinilin ko sa'yo si Mist pero anong ginawa mo? Masyado kang selfish. Itinuring ka naming kaibigan pero sarili mo lang ang inisip mo. Selfish ka! Narinig mo ba?! Selfish ka! Alam mo bang muntikan na kaming mamatay nun? Dahil sa'yo, nalagay sa alanganin ang kapatid ko!" sigaw niya kasabay ng panduduro niya sa'kin.
K-kapatid? Magkapatid sila ni Mist? Kaya pala ganun nalang ang pag-aalala niya dito.
Biglang pumasok sa isip ko si Kuya. Lahat din gagawin niya para sa'kin. Napayuko nalang ako. Parang gusto kong suntukin nalang ang sarili ko.
"Sige, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Akala mo ba ginusto ko 'yun?! Hindi mo man lang din ba inisip ang naging sitwasyon ko? Hindi mo ba naisip na pwede din akong mamatay? Ginawa ko naman ang lahat Silver. Sobrang pinagsisihan ko naman ang lahat! Hindi mo alam na ilang beses kong inisip na sana di ko nalang 'yun ginawa. Pasensya na. Masyado kayong nagtiwala sa'kin." sabi ko at hinila ko na si Asky.
Tumakbo na kami papalayo.
A S H E
Nakatingin lang ako kay Kiro habang tumatakbo kami. Hindi ko man maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero alam kong malungkot siya.
Maya-maya, tumigil na rin kami at bumitaw na siya sa pagkahawak sa kamay ko.
"Kiro..." tawag ko sa kanya at nakayuko parin siya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at hinarap niya ako. Hindi siya nagsasalita pero nakatingin lang siya sa'kin.
'Yung mga mata niya, parang gusto nitong lumuha. I open my arms and offer him a hug. Niyakap niya ako kaagad at niyakap ko rin siya pabalik. Maya-maya, naramdaman ko nalang na basa na ang kwelyo ko.
Sabi na ba eh. May problema nga ang lalaking 'to.
"Kiro, you know you can tell me. What's wrong?" tanong ko at kumalas siya sa pagkayakap.
"They are my friends." sabi niya. Kinuwento niya sa akin lahat kaya naintindihan ko na. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya, baka hindi ko din mapatawad ang sarili ko.
Naalala ko tuloy si Wish. Kamusta na kaya siya? Sana okay lang siya. Sana, buhay parin siya hanggang ngayon.
Sana din medyo mabawasan ang lungkot ni Kiro sa pagkwento niya sa akin. Dapat masaya na siya dahil buhay sila. Ang mahalaga nakaligtas sila.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...