K I R O
"Good. Simula ngayon, lagi na tayong magkasama at walang pwedeng humiwalay." pagkasabi ko nun, tumalikod ako sa kanya at naunang naglakad.
Napatigil nalang ako nang marealize ko 'yung mga sinabi ko at ngumingiti-ngiti pa ako dito ng walang dahilan.
Ako ba 'yun? Ano bang nangyayari sa'kin at kung anu-ano nalang ang mga lumalabas sa bibig ko? Pati ako nagugulat sa mga kinikilos ko eh. Bakit ba ako nagkakaganito?
Napatingin ako sa kanya at nakasunod lang siya sa'kin. Kapag mapapatingin siya sa'kin at mahuhuli niyang nakatingin din ako sa kanya, bigla siyang iiwas ng tingin. Sino ba namang hindi maguguluhan sa mga kinikilos ko diba?
Umatras ako ng konti para magkasabay kaming maglakad.
"Uhm..." sabi ko at tiningnan ko siya.
"Tungkol sa sinabi ko kanina."
*clears throat*
"I mean, iisa lang naman ang layunin natin diba? You see, that's only my point. Syempre ikaw lang ang kilala ko dito at ikaw lang din ang nakasama ko sa WOM. Mas mapapabilis kasi ulit kapag may katulong o kasama ka." pagpapaliwanag ko sa kanya. Tama, 'yun nga 'yun. Wala ng ibang dahilan.
Napabuntong hininga ako. Hindi pwede 'to. Isa lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Hindi pwedeng mabaling sa iba. Ayoko.
"O-oo tama ka." sang-ayon niya. Mabuti naman. Wala na tayong problema.
"Cool." sabi ko naman.
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa nakarating kami sa isang shop kung saan nagbebenta sila ng mga pagkain. Para siyang restaurant kung tatawagin natin sa real world.
"Kain tayo?" yaya ko sa kanya at tumango naman siya. Ang tahimik niya nga ngayon eh. Hindi ako sanay.
Ang daming tao at sobrang ingay. 'Yung iba nagawa pa nilang mag-celebrate. May mga nag-iinuman din.
Napatingin ako kay Asky at napansin kong nakangiti siya.
"Mabuti naman at kahit papa'no hindi ko na nakikita ang takot sa mga mata nila. 'Yung iba na kung noon naduduwag at parang di na makayanan ang mga nangyayari, ngayon makikita mo na ang katapangan sa mga mukha nila. Masaya akong nakikita silang ganyan." sabi niya.
Ayaw niya talagang nakakakita ng mga taong nawawalan ng kumpiyansa sa mga sarili nila kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang mapalakas ang loob ng mga ito.
"Masasanay na rin sila." sagot ko naman. Napabuntong hininga nalang siya.
"May pupuntahan tayo pagkatapos natin dito." sabi ko sa kanya.
A S H E
Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang building na may tatlong palapag.
"Apartment?" tanong ko.
"Yup. Kailangan natin ng may pansamantalang matutuluyan pero hindi tayo kukuha ng apartment. Dalawang room lang." sabi niya.
I see. Kumuha kami ng dalawang kwarto sa second floor. Pumasok na ako sa room ko at hindi naman siya ganun kalakihan. Pang isang tao lang talaga.
Napa-upo ako sa kama at napatulala. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-sink in sa akin sa wala na sa tabi ko si Yume.
Napakatahimik. Hindi katulad noon na nagtatawanan, nagbibiruan. Nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Ciencia FicciónGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...