A S H E
Hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko ako na ang magwawagi. Kitang-kita na eh! Sayang naman. Nakakapang-hinayang din 'yung title. Hindi naman sa nagyayabang pero makikita mo din sa mga tao na ako yung bet nila at gustong manalo.
Hay. That's life. Umasa lang ako.
"Ok lang yan Asky-sama. Panalo ka naman parin para sa akin." nalungkot ako lalo sa sinabi niya.
"Sorry Yume ah. I tried my best pero wala eh. Buti nalang nandito ka. Oh siya, alis na tayo?" sabi ko.
"Don't be sorry Asky-sama..." mapait akong ngumiti sa kanya. Palabas na sana kami nang biglang nagsalita 'yung host.
"Sandali lang mga kaibigan." napaharap ako pagkasabi niya nun. Nakita ko na kausap niya yung isa sa mga judges at parang pinapagalitan siya.
"I apologize, everyone. Malabo na ata ang mata ko hehe. Nagkamali po ako ng basa. Ang tunay na kampyon po ay ang ating masked school girl na si Asky ang kanyang familiar na si Yume!" pagkasabi niya nun, nanlambot bigla ang mga tuhod ko.
Yes! I knew it!
"May we call on Asky and Yume to come up here on stage." sabi niya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dali-dali akong umakyat sa stage. May lumabas na virtual screen sa harap ko.
[Congratulations! You've won in The Battle of the Cooks event!]
[You have received 'Greatest Chef' title, G1 000 000, and a trophy!]
[Note: Master skill in cooking is unlocked!]
[Note: Golds will be automatically transferred to your Player's Menu. Title can be viewed on the Achievements Menu]
Hindi ako namamalikmata lang diba? Totoo 'to diba? I can't believe that I can see this right before my eyes!
"Congratulations! Pwede niyo ng i-enjoy ng familiar mo ang winning dish na ginawa mo. Happy eating! Congratulations uli!" sabi nung host. Parang del monte lang no? tapos nag-alisan na rin ang mga tao.
Dinala kami ng NPC sa isang special room kung saan namin pwedeng kainin at i-enjoy ang niluto ko.
"Kampai!" sigaw namin habang masayang kumakain.
*****
*burp*
Napatingin ako kay Yume nang bigla siyang dumighay. Ang cute!
"Grabe ang sarap no? Hindi ko makakalimutan ang moment na 'to." sabi ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on.
"Sabi ko sa'yo Asky-sama eh. Walang imposible." sabi niya. Sobrang happy ko talaga.
Hanggang ngayon, sinisipsip ko parin yung buto nung kapirasong meat na pinapapak ko. Grabe ganito para kasarap 'yun.
Nang maubos ko na, ibinato ko sa likod ko 'yung buto.
"Aray!" sigaw ng isang lalake. Bigla akong napatingin sa likod ko at agad kong nilapitan ang lalaking natamaan ko nung buto.
"Sorry po!" sabi ko sa kanya at yumuko.
Inangat ko ang ulo ko at napansin kong nakatingin lang siya sa akin habang hinihimas niya 'yung part ng ulo niya na tinamaan ng buto. Nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/37233091-288-k748571.jpg)
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...