K I R O
"Aaaaah!" napadilat ako ng makarinig ako ng isang sigaw. Napatingin ako sa kanila at agad silang tinanong.
"Na'san si Zeth?" tanong ko sa kanila. Boses ni Zeth 'yun! Hindi ako pwedeng magkamali.
Agad akong bumangon pero biglang sumakit nanaman ang ulo ko. Nagsimula na ding umikot ang paningin ko. Pinilit kong tumayo pero nagulat ako ng bigla akong pigilan ni Silver.
"Kami na ang bahala." sabi niya at agad na silang umalis ni Clyde. Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito. Tumayo ako at akma sanang tatakbo ng bigla akong mapako sa kinatatayuan ko. Bumalik nanaman sa ala-ala ko 'yung panahong nakapatay ako.
"Wag po!"
Para nanaman akong masisiraan ng ulo.
"Parang awa niyo na! Wag po!"
"Aaargh!" sigaw ko.
Para akong mababaliw. Ayoko na ng ganito! Kailangan kong labanan 'to! Pinikit ko ang mga mata ko at inalog-alog ko ang ulo ko. Pinilit kong tumayo pero nanginginig ang tuhod ko. Nasa kapahamakan ang kaibigan ni Ashe. Kailangan ko siyang tulungan.
Humakbang ako but it's no use! Nanginginig na ang katawan ko! Napa-upo nalang ako at napasapo sa mga mata ko.
I cried. I cried so hard.
Hindi ko naman sinasadya pero bakit ganito nalang ako binabagabag ng konsensya ko? Hindi ko naman ginusto 'yun eh. Hindi ko naman ginustong makapatay. Maya-maya, nagulat nalang ako nang may maramdaman akong yumakap sakin. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Yuri. Agad ko siyang niyakap at umiyak ako sa balikat niya.
"Ssshh..." sabi niya. "It's okay. Don't blame yourself." sabi niya sakin.
"Pero Yuri bakit? Bakit ganito parin ang nararamdaman ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo lang matanggap ang mga nangyari but what you did is really right. You have to stop blaming yourself." sabi niya.
"Hindi ko talaga matanggap Yuri. Hindi ko matanggap sa sarili ko na nakapatay ako." sabi ko sa kanya.
"Please Kiro, tama na... you have to let that go..." sabi niya.
"Pa'no? Kung yung konsensya ko mismo hindi ako tinitigilan?" tanong ko sa kanya.
"Mabuti kang tao Kiro. Sinusubukan ka lang niyan. Pero hindi ka naman magpapatalo diba? Ikaw pa. Kailan ka ba pinanghinaan ng loob?" tanong niya.
"'Yung bata... hindi ko man lang siya nailigtas..." sambit ko.
"Don't worry, I know he's happy where he is right now dahil sa ginawa mo. Sigurado ako doon." sabi niya.
Natigilan ako. Masaya kaya talaga siya? Kahit papa'no ba nabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya?
"I can assure you." sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan niya ang luha ko.
"Stop crying. Crybaby ka pala." sabi niya at napangiti ako. Buti nalang nandito si Yuri. Buti nalang nandito siya parati sa tabi ko.
"Tingnan mo, ilang tao na ang nagsabi sa'yo na hindi naman kasalanan ang ginawa mo. Ginawa mo lang naman ang alam mong tama." sabi niya.
"Eh pa'no kung maalala ko uli?" tanong ko sa kanya.
"Magtiwala ka lang sa sarili mo. I'm sure malalabanan mo na 'yun" sabi niya.
BINABASA MO ANG
FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)
Science FictionGenre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we call a world from another dimension. A dimension which leads you to a different world. Hindi ito pangkaraniwang laro na katulad ng mga laron...