---We're now on our way to the airport. I'm at the shotgun seat while Archer is at the back seat. Si Kendric ang nagdadrive para sa 'min.
Mabilis lang ang naging byahe kahit traffic pero minsan ay nakakasanay na lang.
"Bye, baby." Sabi ni Kendric at hinalikan pa sako sa noo bago niyakap ng mahigpit.
Nang bumitaw siya ay agad kaming napatingin kay Archer ng mapaubo ito. I raised him a brow.
"Gusto mo rin?" Nang aasar na tanong ni Ken kaya tinignan naman siya nito ng masama.
"We'll get late." Sabi nito.
"C'mon, you still have an hour." Kendric rolled his eyes at him kaya medyo natawa ako.
"Still. Umalis ka na nga." malamig na sabi nito.
"Fine," sumusukong sabi ni Kendric. "The both of you should take care, lagot talaga ako."
Napamasahe pa ito ng ulo na para bang sobrang nakakastress ang pag alis naming dalawa.
Niyakap ako nito ulit bago tinapik si Archer.
"Alis na," sabi nito at tinulak pa kami kaya pareho namin tinignan ito ng masama.
Napahalakhak ito samin bago napailing at tumalikod na papasok sa kotse niya.
I was about to pull my luggage when Archer pulled it from me, making me look at him.
"Ako na," sabi nito at pumasok na.
Napabuntong hininga na lang ako at umalis na para makapasok sa loob ng airport.
"You want coffee?" He asked kaya napalingon ako sa kanya bago umiling.
Tumango ito at di naman tumayo. Hindi ba siya bibili ng para sakanya? Baka gusto niya.
Naiisip ko pa lang na makakasama ko si Archer ng isang buwan, kinakabahan na agad ako. Baka kung ano ang mangyari sa puso ko, wag naman sana.
When our flight was called, nag ayos na kami para makapunta dito.
My seat is beside the window while he is beside me.
I only slept the whole ride. I don't know what Archer is doing though kasi tulog ako.
Nang maalimpungatan ay nakaramdam ako ng ngalay sa paa at leeg. Dahan dahan akong nagmulat ng maramdaman kong nakapatong na ang ulo ko sa isang balikat.
Napakagat labi ako para maiwasang kiligin. Nasa balikat niya ang ulo ko! Nakakakilig! Tapos ang ulo niya ay nakasandal sakin, mukha rin siyang tulog.
Nangangalay man ay hindi na lang ako gumalaw para hindi maistorbo ang tulog niya.
Mukhang nagising siya sa announcement na maglaland na kaya umayos na ito ng upo. Umayos na rin ako at nag unat ng paa, kamay, at leeg.
"Nangalay ka?" He whispered on my ear kaya napatigil ang kamay ko sa taas.
Nang natauhan ay agad ko itong binaba. Narinig ko pa ang tawa niya. Kainis naman kasi ih, nakaka gulat! Ba't may pa bulong! Nakaka... pang blush!
"Kind of," I answered.
"Let's go to the spa later if we have time." I nodded to his suggestion.
Maganda yun, nakaka relax ng katawan. Kailangan pa naman namin dahil nakakapagod ang flight. Nang makalabas sa airport ay nag taxi kami at nagpa hatid sa hotel na pag stayan.
Kumuha kami ng bundle or offers from travel companies kaya di na kami mahihirapan sa pag travel dito. The only disadvantage is that, marami kaming kasama if aalis. Especially sa bus.

BINABASA MO ANG
Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)
RomanceAmara Liliana Callisto, an easy going lucky girl who just goes with the flow. But due to stress in her academics, she went back to the Philippines to have a vacation. Inside a mall, she bumped into the cold and handsome crushable hottie Archer Huxle...