Chapter 28

7.7K 133 10
                                    


[R-18]
---

Archer opened the door for us. Iyong dalawa ay nanatiling gulat. Natatawa ako but I didn't because Archer is already in front of me.

"Baby," sabi ni Archer at humalik pa sa pisngi ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Audrey. Ilang taon na rin nung huli ko siyang nakita!

She looked more mature now, and also intimidating. Damn, both her's and Archer's eyes are really so damn intimidating and scary. There's really no other words to describe their eyes. It's only that. Intimidating and scary. Sometimes, cold.

Nag ngitian kami bago ako pumunta sa sofa. Mag katabi kami ni Archer. Si Agezho at Aziel naman ay sumunod sa 'min kaya napataas ang kilay ko. Mag stay pala sila? Don't they have a duty?

Nagkatinginan kami ni Aziel. Pinanliitan ko siya ng mata pero he just shrugged at tinuro si Agezho. Sunod ay si Audrey. Napatango ako.

"I'm sorry for bringing other two people. They're makulit kasi. Ba't daw ako papunta rito." Sabi ko kay Archer.

"It's fine, babe." Sagot niya habang nakangiti sa 'kin.

"Sorry about that, we didn't know." Sabi ni Aziel.

"It's fine, Doc." Baling sa kanya ni Archer.

Nilabas na ni Archer ang inumin at chips. Naka in can lang ito kaya inabutan niya lang kami isa isa.

"Anyways, babe, meet Audrey. She's my cousin, sinasabi ko na at baka magselos ka pa kasi akala mo rin couple kami." Mahabang sabi niya.

Natawa si Aziel at Agezho. Ako ay nagkagat labi dahil alam ko naman na. Hindi niya pala alam na kilala ko ang tinutukoy nina Agezho na asawa niya. Dahil ang alam niya lang naman ay akala ko, may asawa na nga siya.

Dahil rin sa sinabing iyon ni Archer ay narealize kong hindi niya alam na magkakakilala na kami. Baka hindi nakwento ni Audrey sa kanya.

Kung sa bagay, if ever someone broke my heart just like how Agezho broke hers, 'di rin ata ako magkekwento. It's like opening an unhealed wound. Sarili ko lang papahirapan ko kung ganon.

Nag usap usap lang sila doon. Ang daldal nga ni Archer, eh. Hawak niya ang kamay ko at panay laro dito kahit hindi siya nakatingin doon.

Someone came here. He looks friendly. Halos silang tatlo lagi ang nag uusap usap.

Siguro dahil awkward pa ang atmosphere dito kasi hindi naman sila close. Feel ko nga kaya nagsasalita ng marami si Archer para mapagaan ang atmosphere.

Nangiti ako ng hanggang dito ay ramdam na ramdam ko ang pag selos ni Agezho. Si Aziel naman ay mukhang nagpipigil ng tawa.

Si Agezho kasi ay parang pinag bagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura niya. Kawawa naman.

Napatingin ako kay Archer ng bigla itong umakbay sa 'kin. He looked back at me and raised a brow before giving a smile. Nilapit niya sa 'kin ang mukha kaya nanlaki ang mata ko at umiwas sa kanya ng konti. We're bring PDA!

Natawa ito ng mahina at mas nilapit pa ako sa kanya bago nilingon sila ulit.

"Alam mo, Chan, sinasabi ko sayo, pormahan mo na ang pinsan ko. Para mabawasan naman ang pagka sungit niyan." Sabi ni Archer na ngayon ay nasa katabi ni Audrey ang tingin. "Wala pa kasing naging jowa kaya ganon."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya nga alam! Napalingon ako kay Agezho at nakita ko itong nakatingin ng seryoso kay Audrey.

Napailing ako at umiwas ng tingin, sakit non, pare. Awwts gege.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon