Chapter 13

6.8K 130 29
                                    


---

When we arrived at the Philippines, we looked for Kendric. Susunduin niya kasi kami.

"My babies!" Sabi nito ng natanaw kami.

Imbis na mainis ay napangiti na lang ako at napatakbo papalapit sa kanya. Ugh, nakakamiss naman! I hugged him tight.

"Unang bata, nakayakap na. Yung isa naman." Sabi nito at inalis pa ang pagkakayakap ko sa kanya bago ibinuka ang kamay para kaya Archer.

Tinignan naman siya nito ng masama at inirapan bago lumapit sa sasakyan ni Kendric at inilagay ang luggage namin.

"You didn't miss me, Archer?" Nakahawak sa dibdib na sabi ni Kendric kaya natawa na lang ako.

Mapang asar as always. Kakarating lang nung tao iinisin niya na agad.

Nang matapos si Archer ay binuksan na nito ang pinto sa backseat at pumasok. Napailing iling ako at natawa.

"Wag mo na, baka pagod." Sabi ko kay Kendric at medyo siniko pa ito.

Pumunta na rin akong kotse at umupo sa shotgun seat.

"Di mo lang ako nakasama ng isang buwan, may favoritism ka na." Sabi ni Kendric ng makapasok sa kotse niya.

Pinanliitan pa ako nito ng mata kaya inirapan ko siya.

"Shut up," sabi ko, ipinikit ang mata at isinandal ang ulo sa bintana.

"Nahawaan ka na rin ng kasungitan?" Nagtataka ngunit mapang asar na sabi nito.

Napamulat tuloy ako at pinalo siya sa braso. Ang mapang asar talaga! Natawa naman ito sa ginawa ko at mukhang hindi man lang nasaktan.

Bumalik ako sa dating pwesto. Natahimik naman na si Kendric, napansin atang antok at pagod kami.

Di naman nagtagal at nakarating na kami sa bahay nila. Tinulungan ni Kendric si Archer sa luggage ko at siya na nagdala papasok sa room niya. Nauna pa nga itong pumasok eh.

"I was expecting you to stay with me." Sabi ni Archer kaya napalingon ako agad sa kanya.

"Huh?" Nagtataka kong tanong. Kasama ko naman siya ah!

"In my room." Maikling sabi nito bago pumasok na rin sa bahay.

Natulala ako, he was expecting me to stay with him in his room? I mean, oo sanay na kami pero, ewan! Baka kung ano ang isipin ni Kendric. Its not that it matters pero sanay na rin kasi kami ni Kendric sa ganong sitwasyon, na kami lagi ang nagsasama sa kwarto simula bata pa. Hindi naman issue yun eh.

Sumunod na rin ako sa loob at dumiretso agad sa kwarto ni Kendric. Si Archer ay mukhang nasa kwarto niya na rin dahil hindi ko na ito nakita.

Naabutan ko si Kendric na nakaupo sa higaan niya at para bang hinihintay ako.

"Ang tagal mo namang sumunod." Sabi nito kaya napanguso ako at inirapan siya.

Kumuha ako ng damit at naligo muna. I changed into a black shirt and pink dolphin shorts.

Nang makalabas ay naghihintay pa rin si Kendric sa kama kaya napakunot noo ako.

"Aren't you busy?" Kuha ko sa attention nito dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

"Oh, right. I have a meeting, shit." Sabi nito bago nagmamadaling lumabas.

Napakunot noo ako lalo, he's not the type to forget his meetings. He's maybe an asshole and playful with the way he talks but he's serious when it comes to his company.

I think he's going through something. I'll ask him about it later.

I dried my hair muna. Ng matapos ay humiga na ko sa kama para matulog. Nagising na lang ako dahil sa katok sa pinto kaya kahit inaantok pa ay pinilit ko ang sarili kong tumayo at buksan ang pinto.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon