Chapter 18

6.6K 152 19
                                    


---

Napalingon ako sa tumawag at napakurap mata. It's Archer. What is he doing here?

Kasama siya ng bata? Who is he though? The kid looks like he's four or five. Dito naman ako napatingin at natulala ng makita ang mata nitong kapareho kay Archer. Matalim rin kung tumingin. But this kid's eyes were full of innocence.

"Kael!" Tawag ulit nito kaya napalingon yung bata sa kanya.

Is he his son? I mean, they look alike, eyes and eyebrows. Does he have a family already?

It's been years na rin so baka nga meron na. He can settle already even before. Kahit nung nasa Bali pa kami. Dahil may trabaho na siya, may ipang bubuhay.

I licked my lips before looking away. Kinuha ko ang biniling ice cream bago lumingon ulit sa bata nung humawak ito sa pants ko.

"Kael, don't touch other people." Malamig na sabi nito bago lumuhod at hinawakan ang kamay ni Kael na nakahawak sa pants ko.

Medyo kumirot ang puso ko ng sabihin niya iyon. Tama naman but the way he pertained to me kind of hurts. Other people, huh? But he knows my name. And, we know each other.

Grabe naman siya manakit!

Pero sabagay, alangan naman sabihin niya sa bata ang pangalan ko. Baka mag tanong pa ito, like why do we know each other. Bata pa man din, maraming tanong.

The fact that I'm making myself believe on things just to justify his rudeness. Kainis.

"Ice cream," nakangusong sabi ni Kael habang nakatingin kay Archer.

Di ko naman napigilan ang mapangiti lalo na ng makita ang malambot nitong expression habang nakatingin sa bata. He looks so cute. They look like a father and son.

"Uh, here." Sabi ko kay Kael kaya parehas sila napatingin sakin.

Inilapit ko ito sa kanya pero nakanguso lang ang tingin niya doon bago tumingin kay Archer na para bang nag papaalam kung pwede.

Si Archer ay tinignan ako ng masama kaya medyo napaawang ang labi ko. Hindi ba siya pwede? Mali ba ang ginawa ko?

Nangangapa ako sa kanya.

"I'll buy you one, Kael." Sabi nito at nilingon na ulit ang bata.

Napakagat lagi ako bago dahan dahan binawi ang kamay. Mabuti at naka cup ang binili ko, hindi natulo dahil nag sstart na ito matunaw.

I was about to step back when my phone rang. I answered it agad when I saw it's Aziel.

"Where are you?" Tanong nito kaya napatingin ako sa paligid dahil for sure nandito na sila.

"Ice cream stall." Sabi ko.

"2nd floor?" He asked kaya I nodded pero naalala kong hindi niya pala ako nakikita.

Ugh dagdag kahihiyan! Si Archer kasi, bigla lumingon! Nawala tuloy ako sa focus. Napaiwas ako ng tingin at medyo naglakad palayo ng masalubong ang tingin niya.

"Yes," I answered.

"Okay, we can see you already." Sabi ni Aziel kaya napalingon ulit ako sa paligid.

Agad akong nangiti ng makita sila. Ugh, nakakamiss talaga sila. Si Agezho ay ngayon ko lang nakita kasi si Aziel lang sumundo sa 'kin kahapon.

Malawak ang ngiti ko na medyo napatakbo sa kanila. Agad kong niyakap si Agezho dahil ito ang hindi ko nayakap kahapon. Natawa ito agad.

"Ugh, I missed you!" Sabi ko dito at niyakap siya. He also hugged me back.

Nang bumitaw ay inakbayan ko nalang ito, nakatingkayad pa ako dahil sa tangkad. Six footer ba naman!

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon