Chapter 33

6.3K 126 18
                                    


---

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay umalis na kami papuntang bahay nila. Dala rin ang mga gamit ko.

I don't really know what I'm feeling right now. I'm happy that I got to know who my mother is, and that I've been with her since I was a child. And, that I also have a brother who's so close to me pala.

But I still have a lot of questions, as to why they had an affair? Why she didn't introduce herself to me as my Mom? Bakit hindi siya naging ina sa 'kin?

Nalulungkot ako at nasasaktan, di lang para sa sarili, kundi para kay Tito.

We both deserve better.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila. Kinakabahan ako kaya 'di ko maiwasang mapakapit sa laylayan ng damit ni Ken habang papasok. He's pulling my luggage on his other hand.

"Don't be nervous, Amara." Binigyan ako nito ng ngiti, napanguso ako, hindi kaya magbigay rin ng ngiti.

Mahirap hindi kabahan pero lalakasan ko ang loob ko. Para sa sarili ko, para sa ikatatahimik ng utak ko.

"Ken! You're ho- Amara?!" Gulat na sabi ni Tita nung lumabas ito galing kusina.

Napatitig ito sa 'kin, may kaba, takot, at lungkot sa mata niya kaya 'di ko maiwasang maging emosyonal na napatitig sa kanya.

Si Tito ay lumabas na rin galing kitchen at agad napalingon sa 'kin.

"Amara?" Nagtatakang tanong nito.

"Good Evening, po." Sabi ko sa mga ito. Medyo napayuko pa. Napakurap kurap sila.

"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ni Tito sa 'kin bago lumapit.

Si Tita ay napabuntong hininga bago lumapit rin sa 'min.

"I just want to talk to someone." I gave him a smile.

"Oh, you want me to bring you to that person?" Napatitig ako sa kanya ng matagal bago umiling.

Damn, he's too kind. My heart is hurting so much for him.

"No need, Tito, I can manage."

Tinignan ko si Tita na ngayon ay nakatitig sa 'kin at kabado ang expression na pinapakita. Kanina pa. She's escaping me but now, she can't because I followed her.

"Let's eat first. I'm hungry." Singit ni Kendric na kanina pa tahimik.

"Let's go everyone. Amara, let's go?" Pilit na pinanormal ni Tita ang boses at binigyan ako ng ngiti.

Agad rin namang umiwas ang tingin niya at tumalikod.

Napahinga ako ng malalim bago sumunod na rin. Si Kendric ay dinala na muna ang luggage ko sa taas bago bumaba ulit.

"We didn't know you're going here, too. Sumabay ka na lang sana samin Amara." Abala si Tito sa pag kuha ng pagkain nung sinabi niya iyon.

Umiling naman ako dito.

"Biglaan lang, po."

Kumain na ako dahil nagsimula na sila. Si Tita at Ken ay tahimik lang. Parehas silang nasulyap sulyap sa 'kin pero 'di ko magawang salubungin ang tingin nila.

Kinakabahan ako at natatakot. Ano ba ang kalalabasan ng pagpunta ko dito?

Nanlalamig na ang kamay ko sa takot.

Ng matapos kumain ay agad niligpit ni Tita ang pinagkainan. Umalis naman si Tito agad at pumunta sa living room. Si Ken ay tinanguan muna ako bago nilingon si Tita at iniwan kami.

"T-Tita," Kabado kong tawag. Nakita ko itong natigilan.

"Yes, Amara?" Malambing na sabi niya pero di mawala ang kaba sa boses nito.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon