Chapter 32

6.2K 116 75
                                    


---

"You're always like this." I said bitterly. You always choose your emotions first, Archer.

He laughed sarcastically.

"Always what? Ikaw rin, you always leave!" Frustrated na sabi nito. "Sabi mo hindi ka na aalis ulit! You promised!"

May luhang tumulo sa pisngi niya kaya 'di ko maiwasang manlambot dahil sa nakikitang sakit sa mata niya. I bit my lips and sighed. Ang sakit makita na nasasaktan siya.

"Babalik naman ako." Sabi ko sa mahinang boses. Napailing iling naman ito.

"No, you said you won't leave me again. Pero ngayon, you're leaving me for who?! For Kendric!" Malamig na sabi, matalim pa ang tingin sa 'kin. "Umuwi lang siya, ganito na naman tayo!"

"I just have to!" My voice broke. "Babali—

Napikit ako ng mariin ng pinutol niya ako. Babalik naman kasi ako, eh! At sasabihin ko naman bakit ako aalis pero bakit hindi siya nakikinig? Lagi na lang mahirap magsabi sa kanya!

I just want him to be understanding and listen. Kahit ngayon lang! Kahit ngayon lang.

Bakit kailangan niya pang maghintay kung kailan siya kalmado na bago making? He's always like that! Makikinig lang siya pag kalmado na, ilang oras, ilang araw, ilang buwan, ilang taon pa ang lilipas non.

"What? You missed him agad Amara? Kaya susundan mo? Amara naman, I'm your boyfriend!" Madiing sabi nito.

"I never said you aren't!" Galit na sabi ko. Hindi na mapigilan ang emosyong naghahalo halo. "I'm gonna as—"

"But you're leaving me for another man!" Sabi niya kaya napailing iling ako.

Napamasahe ako ng noo, hindi siya nakikinig! Laging napuputol ang sasabihin ko! Para bang ang importante lang sa kanya sa mga sinasabi ko ay ang pagpunta ko kay Kendric. Lagi niya akong pinuputol whenever I'm gonna say I'm gonna go there to know things about myself!

Tangina, aalis man ako pero hindi ko naman siya hihiwalayan. Babalik ako!

Babalikan ko siya! Kailangan ko lang naman unahin ngayon ang sarili ko, kahit ngayon lang. Mahirap ba yun maunawaan? Kung sana hindi niya ako pinuputol ay alam niya na ito!

I always put him first, nung mga panahong nagseselos siya, inuna kong suyuin siya kesa matulog, nung mag memeet dapat kami kagabi ni Kendric, hindi ako pumayag kasi inaya niya 'kong pumunta sa hospital. It's always him! He's always my choice!

Kaya ngayon, kahit ngayon lang, ako naman. Para naman sa sarili ko.

Gusto ko lang naman mabuo, bawal ba iyon?

Bakit ang daming hadlang... Maging siya, he's unconsciously being someone who's stopping me. Hindi niya alam kaya hindi ko siya masisi. Hindi naman kasi siya nakikinig!

It's always anger, anger, anger!

"When will you listen to me, Archer? Hanggang kailan mo ba uunahin ang galit mo?" I whispered, tears streaming down from my face.

"I have every right to be mad." Sabi niya sa galit na boses kaya napatitig ako sa kanya. Malalamig ang tingin nito sa 'kin. "You're leaving me for someone!"

I clenched my jaw, starting to be annoyed. Kung nakikinig siya edi sana kanina niya pa alam, diba?!

"I'm not taking it away from you. I just want you to listen..." Mahinahon ang boses ko, ayaw sabayan ang galit niya kahit naiirita na. 

But... he shook his head and even stepped backwards. My lips parted out of shock.

"If you leave, it also means you're leaving me, Amara. It means you're breaking up with me."

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon