Chapter 23

7.9K 149 8
                                        


---

It was a silent lunch after that. Maybe we're so hungry that our attention is just on the food.

None of us talked anymore even until reaching the elevator.

"I'll go now." Sabi nito nung bumukas ang elevator sa tapat namin.

Nagtataka man kung saan siya pupunta ay hindi na ako nagtanong at tumango na lang.

"Bye!" I said then waved at him before entering the elevator.

Masyado akong naging busy after lunch dahil may isang patient na nag agaw buhay. He just got operated and is in observation pa pero his body started turning hard and cold while we tried surviving him.

The he had a flat line. Every time we put a medicine on him, there's a heartbeat pero agad rin itong nawawala.

It was so hard especially that his body is the one giving up. We ended up losing him. Ang bigat sa dibdib, all of us went out of the ICU feeling so sorry for the family.

I even saw them crying hard kaya napaiwas ako ng tingin.

Mabuti at hindi ako naunang lumabas, hindi ako ang kumausap sa kanila.

Masyadong mahirap makipag usap pag may nangyayaring ganon. Minsan mapapaisip kayo if may pagkukulang ba kayo bilang doctor?

We only want them to live that's why we're doing our best pero mahirap kasi pag katawan na talaga nila ang sumuko. Wala ng laban ang machines.

I told them my condolences before leaving that floor.

I needed fresh air, masyadong nakakaiyak ang atmosphere at ang nangyari.

Hindi man halatang apektado kami sa panlabas na itsura pero we are, deep inside. Minsan nakaka disappoint rin lalo na if we lose a patient.

Our job is to save them and losing them means we failed.

I bought a coffee on the machine before proceeding to the veranda. Napatitig ako sa labas, I just want to breathe.

Ng medyo kumalma na ay bumalik na ulit ako doon to check on the other patients.

Hindi naman tumagal at tapos na ang duty ko kaya umuwi na ko.

I was about to enter my unit when the door on Archer's opened. Sunod na narinig ko ay yung kay Aziel.

Nakasalubong ko ang tingin ni Archer, malamig lang ito, as always.

He walked towards the elevator at 'di ko maiwasang sundan siya ng tingin. He didn't even say hi to me! Pero okay lang, kasi nandito si Aziel.

"Hey, Amara. I've heard what happened." Sabi nito kaya napanguso ako at lumapit sa kanya.

He put his hand on my head and ginulo ang buhok ko kaya tinignan ko ito ng masama bago tinampal ang kamay niya palayo.

"I'm fine now." Sabi ko dito.

I know he'll try to cheer me up kaya sinabi ko na iyon. Saka antok na rin ako, mamaya ko na siya kakausapin about it if he'll still ask.

"You busy tonight?" I asked him.

It's still early pa kasi ngayon, pwede pa magbar mamaya dahil bukas pa sunod kong duty.

"No, bukas pa duty ko." Sabi nito kaya napatango ako.

"Tara bar!" Sabi ko.

Pinanliitan ako nito ng mata dahil sa sinabi ko.

"Ayaw ko sana pero alam kong matigas ulo mo kaya oo na lang. Baka mangyari ulit yung last time, tsk." Sabi nito at napairap pa kaya natawa ako.

"Yes! Thanks, Aziel!" Sabi ko dito bago nagpaalam na.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon