Chapter 21

7.2K 132 20
                                    


---

Aziel and Agezho brought me to my condo. The whole ride, I was only staring outside. Still can't believe that a man tried to harass me. It was something I am not expecting especially that I'm with people I trust tapos the owner pa is a friend.

Hindi ako makapaniwalang may mga ganon talagang tao, why do they force themselves into people up to that point? 

It was such a scary experience. Ugh, bad guys will really always find a way if they want to do something.

I'm really going to file a case towards him. I don't care if he beg. Because if he gets out of this mess, there's a high chance he'll do it again to others especially that hindi siya nakakuha ng punishment sa actions niya. 

"Amara, you okay now?" Tanong ni Aziel kaya napalingon ako dito. 

They're both sitting at the sofa while looking at me. Ako ay nakaupo sa pang isahan lang na sofa, a glass of water is in my right hand dahil inabot ito sa 'kin kanina ni Agezho.

"I'm calmer now." Sagot ko sa kanya kaya napabuntong hininga sila.

"Fuck that asshole." Galit na sabi ni Aziel kaya napaiwas ako ng tingin. "Fuck harassers,"

Nakakatakot pala siya magalit, I'll keep in mind not to anger him.

"I handed him to the cops earlier before leaving." Sabi ni Agezho kaya napatango ako.

"I'm gonna file a case. Assholes like him doesn't deserve freedom." Galit na sabi ko sa kanila.

"Should I find you an attorney?" Agezho asked kaya napailing ako.

"No need, I know someone." Napatango silang dalawa sa 'kin.

Namayani ang katahimikan, mukhang pati sila ay nagpapakalma rin dahil sa galit na nararamdaman. Sino ba naman kasing hindi magagalit?

And... it's not a first we encountered a situation like this. The first one, si Drake yung nakita naming violent. He was so mad. Ngayon ko lang nakita itong dalawang ganito. Because last time, they weren't there.

I sighed.

Naalala ko tuloy yung galit na itsura ni Archer kanina. Totoo ba yun or namalikmata lang ako? Hindi ko naman kasi natitigan ng maayos dahil sa bilis ng lakad ni Aziel tapos nakalabas pa kami agad sa club.

Pero kanina pa kami nandon, hindi ko man lang siya nakita. I would've went near him pero baka may mga kasama ring babae kaya wag na lang pala. Ayoko makita siyang may kasamang ibang babae, masakit sa mata.

"It's already late. We'll go now." Sabi ni Aziel kaya napalingon ako sa kanila. 

Hindi ko na sila hinatid sa pinto dahil kaya naman na nila at malapit lang rin naman. Hahatid ko na lang sila ng tingin. 

Ng makalabas ay napapikit ako ng mariin at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan pero agad ring naistorbo ng may marinig na ring. 

Napakunot ang noo ko bago hinanap ang salarin. Nakita ko naman ang isang cellphone sa sofa. Mukhang naiwan ng isa sa kanila. 

Kinuha ko ito pero sakto ang pagkapatay ng tawag kaya umilaw ito at ipinakita ang lock screen.

Napataas naman ang kilay ko ng makita ang lockscreen nito. Ellie huh. 

Napailing iling ako, alam na agad kung kanino. 

I went to the door so I could bring this back to him pero pagkabukas pa lang ay agad nasalubong ng galit na mga mata ang tingin ko. Medyo nanlaki pa ang akin dahil sa pagkabigla bago siya nginitian. 

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon