---Agad nagpakita ang pagsisisi sa mukha ko ng magising kinabukasan. Naalala agad ang huling salitang binitawan kay Archer.
Napapikit ako ng mariin. Bakit ko sinabi yon?!
"Sorry to burst your bubble my dear, but I followed someone else here." I whispered again, naiinis sa sarili bakit iyon ang sinabi.
Lasing man ay malinaw sa alaala ko ang galit niyang itsura. He looked at me sharply before disappointment filled his face. He turned around and closed the door of his unit.
Napaigtad ako ng konti dahil sa lakas non. Natulala pa ako doon ng ilang minuto bago napakurap kurap at sinarado na rin ang pinto ng unit ko.
Did I get him mad last night? Pero totoo naman ang sinabi ko, iba naman talaga ang sinundan ko, si Aziel at Agezho iyon. Tapos ay yung mga kaibigan kong iba ay susunod rin sa 'min.
They already bought the units and just sent money. Si Ellie lang ang hindi dahil she'll stay with one of us na lang. Ewan kung kanino.
Nang makita ang sikat ng araw sa labas ay nag ayos na 'ko at naligo. I remembered the remaining things that I bought online will be delivered today.
I changed into a black shirt and purple dolphin short.
Di pa ko makapag luto for breakfast dahil wala pa 'kong gamit sa kusina, ngayon pa lang mag dedeliver.
Ng makarinig ng doorbell ay sinilip ko muna if yung mag dedeliver na yun bago sila pinagbuksan ng maconfirm ito.
Napakurat kurap ako ng makitang ang dami nilang may dala. Ang daming lalaki. Medyo nahiya ako dahil panay sulyap ang mga ito sakin, nakangiti pa ang mga ito.
I let them in and told them to just drop it on the place where there's space. May mga tables rin pa lang idedeliver ngayon kaya lumabas muna ako ng pinto para mapadaan sila.
"Oy, ingat. Baka matamaan niyo si Maam!" Sabi nung isang nagbubuhat habang nakatingin sa 'kin.
"Ah, don't worry. Thanks," Sabi ko dito at nginitian siya.
Dahil sa ginawa ko ay mas dumami ang kumausap sa 'kin. Hindi ko alam kung assuming ba ako pero panay lingon ba talaga sila sa 'kin? Hindi ko maintindihan kung bakit eh wala naman sa 'kin ang mga gamit, nasa mga kasama nila!
The door from behind me opened kaya napalingon ako doon dahil sa gulat. Agad tumaas ang kilay ni Archer ng masalubong ang tingin ko.
"Noisy," Sabi nito kaya napakagat labi ako.
I looked at the men in my condo. Ayoko naman silang sawayin, nakakahiya. Pero totoo ngang maingay sila dahil may pinagkakatuwaan silang 'di ko maintindihan.
"Mayaman, tol." Sabi nung isa.
"Halata nga,"
"Kinis eh,"
"Hoy, 'wag nga kayo."
Napakunot noo ako ng marinig ito. Anong pinag uusapan nila?
"Mukhang mabait." Sabi pa nung isa.
"Mahirap pormahan ganyan." Sabi naman nung isa.
Nakatingin lang ako sa kanila. Gusto ko mang ikunot ang noo dahil walang maintindihan pero 'di ko ginawa dahil magmumukha naman akong chismosa nun.
"Why are you wearing shorts?" Napaigtad ako ng may marinig na boses bigla sa likod ko.
Malapit lang ito dahil ramdam ko rin ang presensiya ng katawan niya sa likod ko. Gusto ko man siyang lingunin ay di ko magawa dahil baka galit na mata niya na naman ang makita ko.
BINABASA MO ANG
Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)
RomanceAmara Liliana Callisto, an easy going lucky girl who just goes with the flow. But due to stress in her academics, she went back to the Philippines to have a vacation. Inside a mall, she bumped into the cold and handsome crushable hottie Archer Huxle...