Chapter 35

7.2K 145 19
                                    


---

Di ako nakagalaw ng makita ko siya. He's looking at Aziel who talked and called him. Huminga ako ng malalim bago umiwas ng tingin. I don't know if he saw me already or looked at me.

Pero ano naman Amara? If he looked at you, ano naman?

Hays, affected pa rin ako sa presensya niya but I'll really not try to get his attention again. I'm so done with that phase.

My heart is still hurting because it's so easy for him to do that. And to not listen to me.

Yan ang ugali niyang ayaw ko, masyado niyang inuuna ang galit niya. I think it's better that we broke up, because if he continues that, I don't really know. It's gonna be so unhealthy and I don't want to be the only one who'll try to fix things between us.

"Here's Kael." Sabi ng nurse sa likod namin habang tulak tulak si Kael na nasa wheelchair.

Agad naman kaming pumuntang gilid at pinadaan ito.

Si Aziel at Archer ay nag usap pa about sa condition ni Kael samantalang kami ay nakikinig lang.

I tried to glance at him, his serious and sharp eyes were on Aziel. Si Kael ay nakatingala sa kanya. Agad lumambot ang expression sa mata niya nung makita si Kael kaya napaiwas ang tingin ko.

Pag nanlalambot expression niya, naaalala ko ang Archer na nakasama ko, na boyfriend ko.

Di nagtagal ay nagpa alam na si Aziel sa kanya kaya nagpaalam na rin ang iba. Ako ay hindi na nagsalita at hinayaan siya doon. Unprofessional na kung unprofessional. I'll never talk to him first.

Agad akong siniko ni Ellie ng medyo makalayo kami kaya tinignan ko ito ng masama.

Nasa tapat na kami ng elevator at naghihintay ng may marinig kaming boses sa likod. Kami kasi ni Ellie ang nasa likod dahil si Aziel at Drake ay may kalokohang pinag uusapan habang si Kalen ay nakakunot noong nakikinig sa kanila.

Nilingon ko ito at nakita ko si Archer na papalapit. Si Kael ay karga niya na. Napakurap kurap ako dahil he looks so good having a kid on his arms. Agad naman akong napaiwas ng tingin ng mapasulyap ito. I just hope he didn't notice my stares.

Nang bumukas ang elevator ay pumasok na kami. Pati si Archer.

Kinausap naman ito ulit ni Aziel. Since kaming tatlo ang huling pumasok ay kami ang magkakalapit.

Agad akong inabot ni Ellie sa braso. Ng tignan ko ito ay nakataas na ang kilay nito at nakanguso kay Archer. Tinaasan ko rin ito ng kilay at inirapan kaya natawa siya.

Mukhang alam na ng gaga kung paano makakabawi sa 'kin!

Di nagtagal ay bumukas ang elevator sa 8th floor kaya nagsibabaan na kami. Naiwan doon si Archer at Kael. Di ko siya nilingon at direderetsong lumabas habang ang iba ay nagpa alam ulit sa kanya.

Naabutan namin si Audrey dito sa kwarto ni Agezho. Kaya pala!

Nag asaran sila doon. Kakapasok pa lang ng room ni Agezho ay siya na ang target ni Drake. Na napunta kay Aziel.

"I'm not," Sabi ni Aziel and even raised both his hands for them to see that he's telling the truth, na di siya bitter.

"Who are you fooling, Aziel." Singit ko at sinulyapan si Ellie na nakakunot lang ang noo at nakaiwas ng tingin.

"Oh, you talked? I thought you lost your mouth after seeing your ex earlier." Aziel playfully told me kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Damn you, Aziel!" Natawa naman ang mga ito.

Di na nga lang ako magsasalita! Kaya ayaw kong may hawak si Aziel ng something against me eh, ang galing ng clap backs. Nakakainis!

Di na rin kami nagtagal doon at umalis na. It's already lunch so we're gonna eat, si Agezho ay bahala na, nandon naman si Audrey.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon