Chapter 17

7.4K 145 20
                                        


---

Parehas kami ngayong nakatingin sa isa't isa. Ako ay nakaawang ang labi at nanlalaki ang mata dahil sa pagka bigla samantalang siya ay matalim at malamig ang tingin, kagaya ng dati.

I was just staring at him, looking at his features. It didn't change much, his face just got more defined that his eyes looked like he can kill you with just his stare. His nose is still pointy and red lips is still thin, his jaw is still as sharp as a knife. His cheekbones are on the right places. He looked more intimidating!

Unti unting kumunot ang noo nito ng tumagal ang titig ko sa kanya. Dahil doon ay natauhan ako.

Iginalaw niya ang braso niya kaya napatingin ako doon. Nakahawak pa pala ako! Ng matignan iyon ay para bang may naramdaman akong mga eliktrisidad na pumasok sa katawan ko kaya bigla ko itong binitawan.

Umayos na ako ng tayo at tinignan ulit siya. Ngayon ay nakataas na ang kilay at may inis na rin sa mata.

"Uh, hi?" Nag aalinlangan kong sabi. Mas lalo naman napataas ang kilay niya.

This is so unexpected! Hindi ako prepared! I hope I don't look haggard!

"Tsk, why did you bump me?" Malamig nitong sabi kaya di ko maiwasang makaramdam ng pag taasan ng balahibo.

"Uh I didn't. It was unintentional!" I said, defensive.

Nakataas pa rin ang kilay nito sa 'kin at mas lalong nainis.

Tumikhim siya bago umiwas ng tingin. Nawala na ang inis sa mukha.

"Not gonna believe that." Sabi niya bago tumalikod at naglakad na papunta sa exit.

Napa awang ang labi ko at natulala na lang sa likod niya, hindi siya naniniwala? Did I break his trust that much before? Damn. I guess I have to fix it first.

Ng matauhan ay sumunod na 'ko sa labas. Agad akong napangiti ng makitang nandito si Aziel. Sinundo ako!

"Aziel!" Di ko mapigilang mapatili though mahina lang naman, enough for him and some people near us to hear.

"Amara!" Salubong nito at natawa pa.

He opened his arms kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nakakamiss siya, sila ni Agezho!

Lagi kaming magkakasama eh so nakakapanibago talagang nagkahiwahiwalay kami ngayon.

"Where's Agezho?" I asked and looked around.

Napadaan ang tingin ko sa McLaren F1 na nasa likod ng sa tingin ko ay sasakyan ni Aziel. It looks familiar kaya medyo napaisip ako at napatingin doon.

Nang maalalang ganoon ang sasakyan ni Archer ay biglang kumabog ng malakas ang puso ko, di na maiwasan ang kabang nararamdaman habang nakatitig doon. Hindi ko alam kung bakit.

"Hoy Amara, nakikinig ka ba?" Tanong ni Aziel kaya nabalik sa kanya ang tingin ko sa kanya.

"Uh sorry, can you repeat thag?" Nahihiyang sabi ko at napakamot pa sa ulo.

Pinitik naman nito ang noo ko kaya tinignan ko siya ng masama at tinampal ang kamay niya kaya natawa ito.

"Sabi ko, Agezho's on duty." Napairap pa ito kaya ako naman ang natawa.

"Okay, so ikaw na lang maglagay nito sa sasakyan mo. Go!" Pang aasar ko dito kaya sinamaan ako ulit nito ng tingin bago kinuha ang luggage ko at dinala sa likod ng kotse.

I leaned on the car and looked at him. Hindi ko rin maiwasang mapasulyap sa likod niya. Nandoon pa rin yung sasakyan, baka hindi naman sa kanya iyon at kapareho lang? Or kung sa kanya nga ay baka wala siya sa loob.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon