Chapter 36

8.3K 140 58
                                        


---

Nanlaki ang mata ko at agad napatingin sa likod dahil sa sinabi ni Ellie. Binaba ko rin bigla ang tawag ng mga kaibigan ko dahil sa gulat.

Nakita ko itong may dalang duffle bag. Sinulyapan ko yung bag bago yung mata niya na seryoso lang ang tingin at malamig. Alam kong narinig niya iyon!

Kinabahan ako pero... totoo naman iyon! Ex ko naman na siya, diba?

He's not looking at me kaya binalik ko na lang ang attention ko sa phone ko. Di pa rin tapos ang tawag kaya bumalik ako.

"San tayo iinom?" Agad na bungad ko kaya napataas ang kilay ni Kalen sa 'kin.

"Amara, puro inom nalabas sa bibig mo." Sabi ni Drake kaya natawa ako.

"Sa condo mo ba? Wala akong alak dito, eh." I shrugged then stood up.

Nakita ko pa si Archer na palabas pa lang ng pinto. Hinintay ko muna ito makalabas bago sumunod. I saw him at his door, scanning his finger prints when I went out.

I looked away and closed the doors behind me when his head tilted to my side.

"Oo na. Oo na. Punta na dito mga palainom." Sabi ni Drake kaya natawa ako.

"Ang hirap matulog after what happened earlier, eh." Sabi ko then shrugged before leaving the call.

Naalala kong marami pa 'kong chips sa condo kaya naisipan kong magdadala ako.

Umikot ako ulit pero agad napatigil ng makita si Archer na nakatingin sa 'kin, ang pinto ay nakabukas lang at hindi pa siya napasok. Napakunot ang noo ko sa kanya pero 'di ko siya pinansin.

Duh, hindi ako marupok!

Kahit miss ko na kapogian mo, hindi ako marupok!

Kaya lang... kaya ko nga ba talagang pakawalan si Archer?

I sighed and looked away.

I went inside my condo and brought some chips with me. Paglabas ko ay nandon pa rin siya kaya di ko na talaga naiwasang magtaka. Gusto ko man magtanong ay naalala kong ayaw kong ako ang mauunang kumausap sa kanya.

I looked away and walked passed by him.

Napaigtad ako ng makarinig ng malakas na pagsarado ng pinto. I looked back at his door, pero galit niyang mata ang nasalubong ko. He's not holding his duffle bag anymore. Hindi ko maiwasang mapasinghap dahil sa galit at matalim na mata niyang nakatingin sa 'kin.

"Amara, you're getting into my nerves." Sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.

"Huh?"

Mas nakitaan ko naman siya ng galit sa mata kaya di ko maiwasang kabahan.

"Why are you not talking to me?" He gritted his teeth as anger show on his face. He went near me kaya nanlaki ang mata ko.

My heart beats doubled out of nervousness dahil bigla niya 'kong hinila papasok sa condo niya at sinandal sa pinto. His arms on both my sides, locking me. The chips I'm holding fell on the floor kanina nung bigla niya akong hinila.

My eyes widened with out distance. And with what happened! Nanatili ang gulat kong eskpresyon habang siya ay nakatingin sa 'kin, umiigting pa ang panga.

"Why?" He asked, his voice full of anger as his eyes stares at me sharply.

Huminga ako ng malalim at sinubukang hindi ipakita sa kanya ang epekto niya sa 'kin at na kabado ako.

"Why would I talk to my ex." Malamig na sabi ko dito habang nakatitig sa mata niya.

Napaawang ang labi nito. Ng matauhan ay his jaw clenched because of anger. Mas lumapit ang mukha niya sa 'kin kaya di ko maiwasan iatras ang mukha.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon