01 - Her Favor

8K 166 12
                                    

JONAH

"I want to have s*x with you."

Mabilis kong iniwas ang mukha ko kay Dj nang subukan n'ya akong halikan. Aligaga akong napatayo mula sa lapag na kinauupuan namin at dinampot ang isang empty bottle ng beer bilang sandata ko laban sa kanya. Wala pang isang linggo nang sagutin ko s'ya ay iyon na kaagad ang request n'ya. Siraulo ang p*ta!

"Sige! Subukan mo dahil sisiguraduhin kong babaon lahat ang bubog ng boteng 'to sayo." sigaw ko.

"Jonah, baby." masuyong tawag n'ya sa akin. Tumayo s'ya para lapitan ako pero mabilis akong umatras at itinutok sa kanya ang bote na hawak ko. "What's wrong of having s*x with me? Boyfriend mo naman ako ah."

Gasgas na ang mga salitang 'yan sa akin. Kahit asawa ko pa s'ya at ayaw kong gawin ang bagay na 'yon ay hindi pa rin ako papayag. Kaya nga may free will diba?

"Go f*ck yourself!" asik ko. "Lumabas ka na bago pa ako tumawag ng pulis!" pagbabanta ko na ikinatawa n'ya lang.

"You don't have a phone. Diba nga nawala mo 'yon kanina nang pumunta tayo sa mall." mayabang na pahayag n'ya na nagpa-ikot ng mga mata ko.

"Then I don't have a choice. Papatayin na lang kita kesa mahawakan mo ang katawan ko. Self-defense ang magiging excuse ko sa pagpatay ko sa'yo." Inihampas ko ang pwet ng bote sa pader para magamit ang patalim nito bilang proteksyon ko.

"Tss. Ano bang inaarte mo? Alam ko naman na kaya mo ako niyayang uminom dito sa dorm mo ay para may mangyari rin sa atin ngayong gabing 'to."

"Tanga. Alak ang tubig ko kaya 'yan ang naialok ko sa'yo nang humingi ka sa akin ng tubig." depensa ko.

"Wala ka talagang kwenta. Kung hindi mo kayang ibigay ang pangangailangan ko bilang lalaki ay maghiwalay na lang tayo!" bulyaw n'ya bago maglakad papunta sa pinto. "Nga pala. I f*ck you roommate noong 3 days old palang ang relationship natin." nakangising pahabol n'ya bago tuluyang lumabas ng dorm ko.

The dipsh*t! Ibinato ko ang hawak kong bote sa pinto dahil sa matinding galit. I wasted my precious time talking and hanging out with that scumbag! Bakit ko ba kasi pinatulan ang butiking chino na 'yon?

Nanghihinang napasalampak ako sa sahig at napatutulala sa kawalan. Another failed relationship!

Bakit ganun ang mga lalaki? Mga siraulo! Ayoko man lahatin pero dahil sa galit ko kay DJ ay isasama ko na lahat ng mga lalaki sa planet earth.

He's my 19th boyfriend and base sa breakup time record ko s'ya na ang nangunnguna ngayon sa pinakamabilis kong nakarelasyon. 4 days and 3 nights. Ganun lang katagal ang naging relasyon naming dalawa. So far, wala pang nakakatalo sa 2 weeks relationsh*t ko kay Milo. Infairness, kahit blinackmail lang ako ng tarantadong 'yon ay tumugal naman kami ng dalawang linggo.

I want to cry pero dahil pinangunahan ako nang matinding galit ay inabot ko ang isang bote ng beer na nakapatong sa center table at nilagok iyon.

Hindi naman ako playgirl, pokpok o gold digger pero bakit pakiramdam ko ay kinakarma ako sa mga lalaking nagiging boyfriend ko. Gusto ko lang naman nang healthy at masayang relasyon katulad ng meron sina kuya Jenno at ate Freida pero bakit ang malas-malas ko pagdating sa buhay pag-ibig? Kingina 'yan!

Can someone explain it to me?

Ipaliwanag n'yo sa akin kung bakit wala akong makuhang matinong lalaki? Kung sisisihin n'yo ang taste ko, aba wala kayong maipipintas sa physical features ng mga lalaking dumaan na sa akin at kung ugali naman ang pagbabasehan, kasalanan ko bang nadala ako sa galing nila sa pag-arte?

Hindi lang mukhang artista ang mga lintik, ganun din ang acting skills nila.

Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko kaya dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakapatong nito sa center table. Tiningnan ko ang doorknob at sinubukan 'yong buksan gamit ang isip ko. Tinatamad kasi akong tumayo at isa pa, nahihilo na rin ako sa sobrang kalasingan.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon