02 - Friendship

5.6K 130 3
                                    

"Hi to my gorgeous, favorite, hmmm super sexy beshywap!" masigla kong bati kay Beatrice nang pagbuksan n'ya ako ng pinto sa apartment n'ya.

Mataray ang mga tingin n'ya na bumaba sa hawak kong dalawang suitcase at bag bago iangat ang tingin sa akin. I smile wider. Ngiting pang toothpaste commercial.

"P*kyu." walang emosyon n'yang usal bago n'ya ako bagsakan ng pinto. Mabilis kong kinapa ang tungki ng ilong ko nang maramdaman ang pagdampi ng pinto rito.

Walangyang bakla! Kinabahan ako 'don ah.

Kumatok ulit ako sa pinto ng apartment n'ya. Kalmado at mahinhin na hampas 'yon nung una gamit ang kamao ko hanggang sa hindi nagtagal ay ginamit ko na ang buong lakas ng palad ko para rinig at dama n'ya talaga ang presensya ko. Hindi ko s'ya tatantanan hangga't hindi n'ya ako pinapakinggan. I have my reason why I'm all packed up.

"P*tangina! Tumahimik nga kayo!" sigaw ng lalaki kaya natigil sa ere ang kamay ko bago pa man ito tumamang muli sa pinto. Napalunok ako ng laway dahil sa takot na baka sugurin ako ng kapitbahay ni Bea. Sa laki ng boses ng lalaking sumigaw kanina ay nai-imagine ko na ang katawan nitong magpapatumba sa akin.

"Bea!" tawag ko sa kanya. Parang bata na napapadyak ako ng mga paa ko dahil sa inis.

"What do you want?" tanong n'ya nang pagbuksan n'ya ulit ako ng pinto. Kaagad kong itinulak ang dalawa kong maleta papasok sa loob kaya napaatras si Bea. "Jonah! Ano na naman 'to? Jojombagin na talaga kita!" Nanggigil na pahayag ni bakla.

"Dito muna ako pansamantala. Hehehe."

"Lumayas ka sa harap ko dahil kung hindi sisiguraduhin kong mapupuno ng pasa 'yang peslak mo at ubos 'yang hereret mo." pagbabanta n'ya.

Wala sa sariling napakamot ako sa likod ng ulo nang maalala ang ginawa n'yang pagsabunot sa akin noong nakaraang araw nang malasing ako. Parang bumalik ang sakit na naramdaman ko ng araw na 'yon dahil sa pagbabantang narinig ko ngayon.

Isusumbong ko talaga s'ya kay kuya Jenno kapag inulit n'ya pa 'yon.

"Dito muna ako please. Napalayas kasi ako sa dorm dahil nagsumbong si Gianna na uminom at nagdala ako ng lalaki sa kwarto tapos binubog ko pa s'ya dahil nakipag-sex s'ya sa boyfriend ko na ex ko na ngayon." paliwanag ko kay Bea. "Eto naman, parang wala tayong pinagsamahan ah." hirit ko sa kanya.

Baka sakaling ma-realize n'yang friendship kami.

"May bahay ka naman ah! Doon ka na lang!"

"Ehh. Ayokong maistorbo si kuya Jenno at Ate Freida." sagot ko.

"T*ngina naman Jonah! Ako pa talaga 'tong piniperwisyo mo! Wala ka bang ibang kaibigan?" inis na saad tanong ni Bea na halos hindi na naipinta ang mukha dahil sa pagka-bwisit sa akin.

"Marami ako friends pero ikaw lang 'tong mapagkakatiwalaan ko ng buhay ko." I made a puppy eyes. Imbes na madala s'ya sa ka-cute-an ko ay tumalikod s'ya sa akin at nagsisigaw sa inis. Pagharap n'ya sa akin ay sinipa n'ya ang isa kong maleta na ikinagulat ko.

"Walang siraan ng gamit."

"Jonah, umalis ka na bago pa maging crime scene 'tong apartment ko. Parang awa mo na, habang nasa tamang katinuan pa ako ay lumayas ka na sa harap ko." Madiin at kalmado n'yang pakiusap.

Bakit ba ang sungit-sungit ng bading na 'to?

Dahil pa rin ba 'to sa sinabi ko sa kanya noong isang gabi?

"Baks sorry na. Kung tungkol 'to sa sinabi kong bang-buddy m---"

"Hindi 'yon tungkol 'don, okay?! Just get the hell out of here! Wala ako sa mood para makipag-usap sa'yo ngayon at sabayan 'yang pagiging isip bata mo!" asik n'ya na ikinagitla ko.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon