"Welcome back, Beckham." Nakangiting bati sa akin ni Dra. Georgina pagpasok ko sa opisina n'ya.
"Hi doc." balik kong bati sa kanya. Hindi katulad nang dati na malawak lagi ang ngiti ko sa tuwing pumapasok ako ng opisina n'ya, ngayon ay para akong binagsakan ng langit at lupa. Siguradong napansin na ni doktora ang ikinikilos ko na bihira n'ya lang makita sa ilang taon kong pagtatrabaho sa kanya.
"Kamusta?" Tumayo si doktora mula sa swivel chair n'ya at lumapit sa couch na inupuan ko.
"Fine."
"Fine? You don't look like it." saad n'ya. "What happened?"
"I'm not here to talk about what happened doc. Nandito ako para ipaalam sa inyo na gusto kong ipagpatuloy ang 2 years contract ko sa isla. I want to go back there." pahayag ko.
"Okay. Hindi kita pipigilan. Pwede kang sumabay sa akin bukas kung handa ka na dahil bibisita rin ako 'ron."
Tumango lang ako kay doktora bago tipid na ngumiti sa kanya at tumayo para sa pag-alis ko pero kaagad din akong napatigil nang tawagan n'ya ako.
"Beckham, you can talk to me."
Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko nang maramdaman kong may dumaloy na luha roon.
"She didn't wait for me. Mukhang nahuli na ako doc. She already love someone else."
"Have you tried talking to her?""What's the point? Mas lalo lang akong masasaktan sa mga sasabihin n'ya. Ipapamukha n'ya lang sa akin kung gaano n'ya kamahal ang lalaking 'yon."
"So you decided to run?"
"I'm not running, I'm saving myself. I love her at hindi kakayanin ng dibdib ko na makita s'yang masaya sa iba." pag-amin ko habang pinipigilan ang sarili kong umiyak sa harap n'ya.
"Don't assume Beckham."
"I saw them kissing. Hindi pa ba sapat na ibidensya 'yon na nagmamahalan silang dalawa?" Mapait kong pahayag bago tuluyang lumabas ng opisina n'ya.
Nakapagdesisyon na ako, babalik ako sa isla para doon kalimutan ang nararamdaman kong 'to para kay Jonah. Mas lalo lang akong mababaon sa depresyon kung mananatili lang ako rito. Talking to Jonah will just give me misery kaya habang hindi n'ya pa alam na nandidito na ako ay aalis din ako kaagad.
Nakakatawang isipin na doon ko natuklasan na mahal ko s'ya pero sa lugar din 'yon ko napiling kalimutan s'ya.
"Beck! You're back!" tawag sa akin ni Justine. Nang makalapit s'ya sa akin ay binigyan n'ya ako nang mabilis na yakap.
"Hi Jus, how are you?"
"Heto, busy pa rin dito sa hospital. I have a breaking news for you, Beck." Mukhang magandang balita ang maririnig ko. Hindi kasi maipinta ang saya sa mukha n'ya. He seems excited.
"Ano 'yon?""Winslow and I decided to adopt a baby girl." pahayag n'ya bago lumumbay ang mga mata nito. "May isa kasi kaming kaibigan na namatay sa panganganak n'ya. We don't know who her boyfriend was at mukhang binabayaan din s'ya nito kaya naman nag-usap kami ni Winslow na ampunin na lang ang bata. Hirap din sa buhay ang magulang ng kaibigian namin kaya pumayag na rin sila.'
"Congrats. Magiging tatay ka na."
"Hahaha. I'm so excited. Inaayos na lang ang mga papeles na kakailanganin para sa adoption." Walang duda, magiging mabuting magulang silang dalawa ni Winslow para sa batang 'yon. "Teka, kelan ka pa nakabalik?""Kahapon lang pero aalis din ako bukas para bumalik sa isla." sagot ko sa kanya.
"Bakit?" kunot-noong tanong ni Justine.
"Dalawang taong ang kontrata ko 'ron."
"Diba sabi mo ay 1 year lang?"
"N-Nagkamali ako." pagdadahilan ko na lang.
"Nagkita na ba kayo ni Jonah? Alam mo bang miss na miss ka na nun?"
Miss? Siguro noon 'yon. Noong hindi pa n'ya nakikilala ang boyfriend n'ya pero ngayon ay mukhang wala na s'yang oras para isipin ako.
"Hindi pa kami nagkikita."
At wala na akong balak magpakita ngayon sa kanya. Aalis na rin naman ako bukas."Akala ko pa naman ay s'ya ang una mong pupuntahan pagbalik mo rito. Puntahan mo na s'ya ngayon para naman makapag-bonding kayo bago ka man lang umalis." pahayag ni Justine. "And Beck, pakikamusta s'ya para sa akin. She seemed so distance this past few months. Kahit si Winslow ay nag-aalala na rin sa kanya."
Tumango ako bago tuluyang magpaalam.
She has a boyfriend. Sabi nga nila, kapag inlove ka ay makakalimutan mo ang mga taong nakapaaligid sa'yo. For sure ay in love na inlove sa isa't isa ang dalawang 'yon.***
"Hi dad." bati ko kay papa pagpasok ko sa bahay n'ya.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni papa. Sa kanya ko kasi unang sinabi na babalik ako sa isla para ipagpatuloy ang trabaho ko.
"Yup."
"Wala na ba talagang makakapigil sa'yo?"
"Wala na. Don't worry, isang taon na lang naman ang kontrata ko sa isla." paninigurado ko sa kanya.
"Haist. Okay ikaw bahala." saad ni papa. "S'ya nga pala, pwede bang papuntahin mo rito ngayon si Jonah?"
"She's busy pa."
"Wala s'yang pasok tuwing friday 'nak. Lagi n'ya rin akong binibisita noon kaya nakapagtatakang tumigil s'ya bigla."
"May boyfriend kasi."
"May boyfriend si Jonah? The last time she visited here, she told me na wala naman daw dahil may isang tao s'yang hinihintay."
"Baka dumating na ang taong 'yon kaya hindi na sila mapaghiwalay ngayon."
"You sounded so bitter son. Nagbibinata na ba ang anak ko?"
Ngumisi si papa nang nakakaloko kaya naman umakyat na ako papuntang kwarto. Baka asarin n'ya pa ako kay Jonah. Wala ako sa mood para sabayan ang mga biro n'ya lalo na kung idadawit n'ya ang babaing 'yon.
Just to be clear, hindi ako galit kay Jonah pero hindi ko lang mapigilang mainis sa kanya tuwing naririnig ko ang pangalan n'ya. Siguro dahil hindi n'ya natupad napag-usapan naming dalawa na hintayin n'ya ako.
KINABUKASAN ay maaga kaming umalis ni Dra. Georgina papunta sa isla. Bakit ngayon pa ako nagdal'wang isip? Iniisip ko tuloy kung tama ba ang naging desisyon ko na hindi magpakita sa kanya bago man lang ako umalis.
Panindigan mo ang naging desisyon mo Beckham!
"May problema ba?" tanong sa akin ni Dra. Georgina.
"W-Wala naman."
"Beckham? B-Bumalik ka? What the hell! Na-basted ka noh?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Sofia nang magkita kaming dalawa.
"Pwede bang hayaan mo muna akong makapagbihis. Shoo." pagtataboy ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.
"Bilisan mo. Marami kang kailangang i-kwento sa akin ngayon." pahayag n'ya bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto ko.Nang makaalis s'ya ay kaagad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at binuksan ito. Naka-turn off kasi ito simula pa kahapon.
Nakita kong may 20 missed calls ako mula kay Jonah kaninang umaga. Mukhang alam na n'yang bumalik ako.
'Bakit hindi mo sa akin sinabi na nakabalik ka na pala noong isang araw pa?'
'I want to see you.''May problema ba tayong dal'wa?
'I thought you can save me pero naghintay lang pala ako sa wala.'
Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at binasa ulit ang huli n'yang text message sa akin. Save her from what?
Nevermind. I'm here now. Ayokong hadlangan ang pagmamahalan nila ng boyfriend n'ya kaya naman mas makakabuti nang bumalik ako rito.JONAH
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kaya Daisy. Napahawak ako sa pisngi ko habang iniinda ang sakit na ibinigay n'ya sa akin. Akala ko ay nakahanap ako ng kaibigang masasandalan ko pero nagkamali ako. He's a monster. He's a two-faced monster!
"Don't give me that look Jonah." May pagbabanta sa boses n'ya. "Alam mo ang pupweding mangyari sa'yo at sa kaibigan mo kapag hindi mo sinunod ang mga gusto ko." Marahas n'yang hinawakan ang baba ko at iniangat ang mukha ko.
Dahil sa tiwalang ibinigay namin sa kanya ay nabulag kami sa totoong pagkatao ng lalaking 'to. He's not gay. Nagpanggap lang s'yang bakla para magawa ang mga plano n'ya sa mga biktima n'ya at sa kasamaang palad ay nagawa n'ya na iyon kay Nadya. Hindi magtatagal ay maaari rin 'yon sa aking mangyari kapag hindi ko na solusyunan ito kaagad.
Dante Romero o mas kilala rin sa pangalang Dakota o Daisy. Nalaman kong isa si ate Yuna at ate Freida sa mga naging target n'ya noon pero dahil sa palpak n'yang plano ay nagawa s'yang pigilan ng dalawa.
"Kakalat ang s*x video ng kaibigan mo kapag nanlaban ka Jonah. Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon diba?"
Unti-unting lumambot ang tingin ko sa kanya. Ayokong ma-trigger s'ya at ipagkalat ang ipinangba-blackmail n'ya sa amin ni Nadya. Isa pa, ayoko ring ako naman pagsamantalahan n'ya sa mga oras na 'to.
"N-Nasasaktan ako." daing ko nang maramdaman ko ang pagbaon ng kuko n'ya sa pisngi ko.
"Kiss me Jonah. Kiss me."
Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko dahil sa ipinaguutos n'ya pero kapag hindi ko sinunod ang sinabi n'ya ay siguradong pareho kaming malalagot ni Nadya. Ikinuyom ko ang dalawa kong kamao saka ko ipinikit ang mga mata ko. Idinampi ko ang labi ko sa kanya katulad ng gusto n'ya.
Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng labi n'ya sa akin. Pasalamat na lang ako dahil sa ngayon ay hanggang dito pa lang ang ginagawa n'ya pero darating ang araw siguradong ako naman ang gagamitin n'ya kapag tapos na s'ya sa iba n'ya pang mga babae.Kaagad ding humiwalay sa akin si Dante at nginitian ako nang pagkatamis-tamis. Gustuhin ko man na baliin ang ilong n'ya ay hindi ko magawa. Kailangan kong kumalma dahil baka saan pa ako dalhin ng galit na nararamdmaan ko para sa kanya.
T*ngina n'ya!
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...