13 - Locked up

4.7K 107 25
                                    

JONAH

Matapos ang nangyaring away sa pagitan namin ni Beatrice kagabi ay ramdam ko pa rin ang matinding pagkainis sa kanya tuwing naaalala ko ang mga sinabi n'ya sa akin. Nakokonsensya rin naman ako dahil sa mga ginawa ko sa gamit n'ya kaya nga heto ako ngayon sa isang bakery at bumibili ng peace offering sa kanya. Naghintay pa ako ng halos kalahating oras dahil nakasalang pa ang cheese cake sa oven.

Ang totoo n'yan ay nagsinungaling ako kay Bea. Hindi ko na talaga kasama si Nadya kahapon. Nang magising ako kinaumagahan ay kaagad akong umalis ng apartment n'ya dahil sa sobrang kahihiyan. Malinaw sa alaala ko na may muntik ng mangyari sa amin ni Bea ng gabing 'yon kaya tumakas ako dahil hiyang-hiya akong harapin s'ya.

Aksidenting nagkita kami ni Winslow sa cafe na pinagtatambayan ko. Opo, close na kami ng bago kong bestfriend. Nag-usap kami nang matagal at nagbigay s'ya ng payo sa akin. Syempre hindi ko binanggit ang detalyadong nangyari sa amin ni Bea at ang pangalan n'ya. Naka-filter 'yon.

And the most shocking part is when he told me that I'm inlove. Oh diba? Mas marunong pa si Winslow sa nararamdaman ko. Bakit hindi ko alam 'yon? Bakit ako pa itong nagulat sa feelings ko?

Haist! It can't be! Hindi ako naniniwalang in love ako. Huh! At sa kaibigan ko pang bakla? No! I don't love him! Magkaibigan lang kami. Just friends. Period!

"Miss Salazar," tawag sa akin ng babae na may hawak ng order ko.

"Thank you."

Habang naglalakad papunta sa unit ay hindi mapakali ang isip ko kung paano s'ya mababayaran kaagad. Hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho pero alam ko ng sa kanya ko ihuhulog ang una at mga susunod ko pang sahod.

Kaagad kong inenter ang passcode sa smart lock ng pinto pero bigla 'yong nag-error. Inulit ko ulit pero ganun pa rin ang kinalabasan. Error. Sa sobrang pagkairita ko ay sinipa ko ang pinto ng apartment ni Bea.

Sigurado akong sinadyang paalitan ni Bea ang passcode para hindi ako makapasok. Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko dahil sa kanya. Tatawagan ko na sana si Bea nang may biglang magsalita sa tabi ko.

"Jonah," tawag ng lalaki sa akin kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Hi,"

"H-Hi."

"May problema ba?" tanong sa akin ng lalaki. Nakalimutan ko ang pangalan n'ya. Magagalit ba s'ya kapag sinabi ko 'yon?

"Hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Tatawagin ko lang ang kaibigan ko."

"Kaibigan mo lang ang kasama mo sa apartment na 'yan?"

"Oo."

"Oww. Akala ko magkarelasyon kayo."

"Hahaha. Hindi. Bading 'yon kaya paanong magiging kami?"

"Pumasok ka na lang muna rito sa apartment ko habang naghihintay ka."

"Naku, 'wag na. Ayos lang ako."

"Baka matagalan pa ang kaibigan mo. Come on, I'm harmless." paninigurado n'ya sa akin.

"Ayos lang talaga ako. Salamat na lang." Muling tanggi ko sa kanya.

"Okay. If you say so." aniya nito. Nang buksan n'ya ang pinto ng apartment n'ya ay isang cute na tuta ang biglang sumilip doon.

"Ang cute. What's his name?" tanong ko.

"Jam. She's a girl." sagot nito saka n'ya binuhat papasok si Jam. "You can play with her inside." dugtong n'ya kaya naman kaagad akong napapayag. Matagal ko nang gustong magkaroon ng aso pero dahil busy ako sa school at walang mag-aalaga ay hindi ko magawang makaampon o makabili.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon