12 - Missing

4.7K 111 1
                                    

Mabilis akong napayuko pagpasok ko sa apartment nang makita ang kawaling lumipad papunta sa direksyon ko. Akala ko ay ligtas na ako pero p*tangina dahil may kaldero pa palang kasunod. Tumama 'yon sa tuhod ko kaya namilipit ako sa sakit at nagpagulong-gulong sa sahig.

"Arrgghh! Jonah!" sigaw ko sa pangalan n'ya.

"How dare you accused me! Sa tingin mo ba ay ganun ako kadesperada para maghanap ulit ng lalaking hahawak sa katawan ko! T*ngina mo Apolinario!" Galit na galit n'yang sigaw sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hawak n'ya.

"Hoy! Wala pang one month 'yan!" sita ko sa kanya nang iangat n'ya ang hawak n'yang toaster at ibato 'yon sa akin. Akmang sasaluhin ko na sana ito nang may tumamang mababasaging plato sa binti ko. Nakita ko kung paano nagkalasuglasog ang bawat parte ng toaster ko kaya nanginig sa galit ang buo kong sistema bago paika-ikang sumugod sa kanya.

"How dare you! Nakikitira ka na nga lang ay naninira ka pa ng mga gamit!" sigaw ko sa kanya.

Paatras s'yang lumayo sa akin at kinuha ang wireless vacuum cleaner ko bilang pang-depensa. Ako naman itong napaatras palayo sa kanya nang paghahampasin n'ya ako nito.

"Aray! Sumusobra ka na!" asik ko habang pilit na umiiwas sa mga pagatake n'ya.

Muling nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang vacuum cleaner sa tv ko. Hindi 'yon nabasag pero nakita ko ang unti-unti nitong pagbagsak bago ito tumama sa sahig. It was may 55 inches LG TV. Dalawang taon din ang ginugol ko sa pagbabayad ng installment nun tapos gaganunin n'ya lang.

"I-I-I'm s-sorry," nauutal na saad ni Jonah na ikinatawa ko. Tawa ako nang tawa. Para na akong baliw sa harap n'ya.

My ghad! Paano ba kami naging magkaibigan na dalawa?

"Jonah!" tawag ko sa kanya ng bigla s'yang kumaripas ng takbo papasok sa kwarto ko.

Impit akong napatili dahil sa sobrang panggigigil. Naupo ako sa couch at doon ko pilit na pinakalma ang sarili ko dahil kung hindi ay baka may mapatay ako ngayong gabing 'to. Mas mabuti nang bukas na lang kami magusap. Masyado pang mainit ang dugo namin sa isa't isa at hindi 'yon makakatulong para sa aming dalawa. Baka madagdagan lang ang damage sa apartment ko kaya pagbibigyan ko s'ya ngayon.

The next morning. Maaga akong naghanda para sa trabaho. Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing pa ang tulog ni Jonah sa kama ko. Inirapan ko s'ya bago ipagpatuloy ang pagkuha ng damit ko na dadalhin sa hospital. Naiirita pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa n'yang pagsira sa mga appliances ko pero slight na lang. Himala nga dahil nagawa kong hindi magalit sa kanya ng bonggang-bongga sa panibagong araw na 'to. Kung ibang tao siguro s'ya ay baka kinaladkad ko na ang katawan n'ya palabas sa apartment ko o 'di naman kaya ay hinulog ko na s'ya sa bintana.

"Naku! Pasalamat ka." bulong ko sa sarili ko bago s'ya tuluyang iwanan pero bago ako umalis ay pinalitan ko muna ang passcode ng door lock ko. Makaganti man lang sa kanya.

    "BUONG araw kang nakasimangot. May problema ba?" tanong sa akin ni Justine.

"Nag-away kami ni Jonahnanggal." sagot ko sa kanya habang inaayos ang gamit ko sa locker.

"Grabe ka naman! bakit mo naman inaway."

"Kasalanan ko kaagad?"

Wait. Sino nga ba ang nauna sa aming dalawa?

'Nakahanap ka na ba ng ipangpapalit mo sa akin? Am I not enough to pleasure you?'

Sh*t! I'm so mean to her. Sinaktan ko s'ya gamit ang mga salitang 'yon kaya na trigger nun ang galit n'ya. Kasalanan ko pala talaga.

"Mauna na ako." paalam ko kay Justine saka dali-daling lumabas ng locker room para umuwi.

Dumaan muna ako sa favorite restaurant ni Jonah at binili s'ya ng paborito n'yang pagkain para gamiting pang-peace offering sa kanya. Ayan ah! Effort much na ako. Sasabunutan ko s'ya kapag hindi n'ya 'to tinanggap.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon