34 - Win

3.8K 100 13
                                    

"I knew it!" asik ni Dante nang makapasok s'ya sa kinaroroonan namin. Inayos ko muna ang pagkakasuot ng t-shirt ko sa katawan ni Jonah bago harapin ang siraulo. "Kaya pala pamilyar ang mukha mo nang makita kita sa restaurant dahil ikaw ang baklang ikinukwento noon sa akin ni Jonah." dagdag pa nito.

"Hindi ko na pala kailangan magpakilala sa'yo. Good, ayoko rin naman magsayang pa ng laway sa isang tulad mo." pahayag ko na nagpatalim ng tingin n'ya sa akin.

"Jonah! You betrayed me! Sa tingin mo ba ay papalampasin ko 'to!" Baling n'ya kay Jonah. Iniangat n'ya ang hawak n'yang cellphone. Para bang nagbabanta ito na may hawak s'yang importanting bagay para kay Jonah. "Isang pindot ko lang ay siguradong magba-viral ang kaibigan mo." Nakangising saad ng siraulo.

"W-Wag!"

Iniharang ko ang braso ko sa harap ni Jonah nang akmang lalapitan n'ya na sana si Dante.

"S-Si Nadya, kailangan kong protektahan ang kaibigan ko."

"And I need to protect you." saad ko. "Let me handle this. Hindi ako susugod rito nang walang plano Jonah. Just let me take care of this." bulong ko habang pinupunasan ang basa n'yang pisngi bago halikan ang noo n'ya. Dahan-dahan s'yang tumango sa akin kaya naman tipid ko s'yang nginitian.

"Kapag hindi ka bumalik sa akin Jonah ay masisira ang reputasyon ng kaibigan mo."

"At ako naman ang sisira sa mukha mo kapag hindi mo tinigilan si Jonah. Go ahead. Click it bastard!" pang-uuyam ko kay Dante.

"Is that your final answer?"

"Do you want me to repeat it again? Pindutin mo na tanga!"

"G*go ka! Ang lakas ng loob mo na hamunin ako!" nanggagalaiting sigaw ni Dante. Katulad kanina sa restaurant ay mukha na naman s'yang toro na handa nang manuwag.

"Bakit hindi mo pindutin Dante? Naiinip na ako."

"Ito ba talaga ang gusto mo Jonah!" Bakas na sa mukha n'ya ang pagkairita.

"Natatakot ka ba na mahuli ng mga pulis at bumalik sa dating silda mo? Hindi na katulad ng dati ang magiging kaso mo. Mas mabigat na ito ngayon at sisiguraduhin kong doon na kukulubot 'yang alaga mo."

Bukod sa sextortion, rape at extortion ay maaring madagdagan pa ang kasong ipapataw sa kanya. Wala akong gaanong alam sa batas pero may posibilidad na uugod-ugod na s'ya paglabas n'ya sa prisinto or worst, doon na s'ya manatili habang-buhay. Either of the two, deserve n'yang maparusan dahil sa kawalanghiyaan n'yang ginawa. Nakita ko ang panginginig ng mga kamao ni Dante dahil sa matinding galit. Sana ay nag-isip muna s'ya bago gawin ang mga bagay na labag sa batas ng bansang 'to.

"F*ck you!" asik n'ya. May pinindot s'ya sa hawak n'yang cellphone bago humalakhak na para bang sigurado na s'yang nanalo s'ya. "Sisikat nang boldstar ang kaibigan mo Jonah." Nakangising pahayag nito.

Dinampot ko ang phone ko na nakapatong sa gilid ng pool at sinagot ang tawag mula kay papa.

"Pa,"

"Everything is under control son. The cybercrime unit trace all of his illegal activities. Na-raid na rin ang apartment n'ya. Wala na s'yang kawala dahil nandoon halos lahat ng mga ibidensyang magdidiin sa kanya. Nand'yan na rin ang mga pulis para hulihin ang lalaking 'yan. "

"Thanks pa." pahayag ko bago ibaba ang tawag. "I guess your going to jail." baling ko kay Dante na nagpasalubong ng mga kilay n'ya. "Yes, you heard it. You are officially going to jail motherf*cker. Happy birthday!"

Mayamaya pa ay dumating din ang mga nakaunipormeng pulis. Mukhang hindi inaasahan ni Dante na mapapabilis ang paghuli sa kanya. That's the fun part, it's a suprise. Tamang-tama, bago matapos ang birthday n'ya ay may unexpected surprise s'yang hindi makakalimutan. Habangbuhay n'ya dadalhin ang alaalang 'to sa buhay n'ya.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon