BECKHAM
1 week have passed pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginagawa kong kabaliwan nang halikan ko si Jonah. Why did I kissed that tahong? Kinikilabutan na ako sa mga ikinikilos ko. Ewww! Dapat ay nadala na ako noong may muntik nang mangyari sa amin pero bakit hinahanap-hanap ng katawan ko ang pussycat na 'yon.
"Anong problema?" tanong ko kay Justine nang mahuli ko s'yang nakatulala yakap ang clipboard n'ya at nakatayo sa harap ng kwarto ng pasyente n'ya.
"W-Wala," sagot n'ya. Akmang aalis na sana s'ya nang hulihin ko ang braso n'ya at iharap s'ya sa akin. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya kapag gan'to s'ya katahimik.
"Nag-away ba kayo ni Winslow?" tanong ko.
"Hindi pero umiiwas s'ya sa akin. I'm worried. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan." Puno ng pag-aalalang pahayag ni Justine. "Gusto ko s'yang puntahan pero wala naman akong oras para gawin 'yon."
Justine was right. Naging abala kami rito sa hospital kaya halos dito na rin kami tumira ng isang linggo. Kapag pagod ka na kasi talaga sa shift ay tatamarin ka nang umuwi. Masaya naman ako dahil nasosolo ko si Justine pero bakit may part sa akin na gusto kong makita si Jonah?
I'm confuse mga mars.
Si Justine ang malapit sa akin pero si Jonah naman ang hinahanap ko. Siguro dahil gusto ko lang i-clear ang conscience ko sa ginawa kong paghalik sa kanya tsaka obvious din kasi na iniiwasan n'yang mapag-usapan namin ang nangyari sa amin ng gabing 'yon kaya naman gumawa ako ng paraan para ungkatin 'yon sa pamamagitan ng paghalik ulit sa kanya.
Diba ang gulo ko?
Ewan ko rin. Kulang lang siguro ako sa tulog.
"Day-off naman na natin bukas. Why don't you talk to him." pahayag ko.
"I will. Thank you Beck." Sinundan ko na lang ng tingin ang pag-alis ni Justine bago ibaling ang tingin sa kabilang direksyon ng hallway.
Do I really love him?
Ano ang isang rason kung bakit ko nasabing mahal ko si Justine? Now that I'm asking it to myself, bakit hindi ko na masagot ang sarili kong tanong?
"Miss? Excuse me." tawag ko sa babae na nakasibilyan. Hindi s'ya nakasuot ng pang nurse o pasyente kaya naman kaagad n'yang naagaw ang atensyon ko. Kung bisita s'ya ng isa sa mga pasyente ay paano s'ya nakapunta rito? Ipinagbabawal ang parteng 'to ng hospital para sa mga bisita dahil dito matatagpuan ang mga biyolenting mga pasyente.
"Uhm. Sorry, I was lost. Hinahanap ko ang opisina ni Dra. Georgina." pahayag ng babae.
Kahit maligaw s'ya ay imposible pa ring makarating s'ya rito, maliban na lang kung isa s'yang pasyente o nurse.
"Can I borrow your ID? Kailangan ko lang ma-check ang identity mo sa record."
"I'm not a patient here. Mukha ba akong pasyente?" inis na tanong n'ya. "Wait, you look familiar." dugtong n'ya.
"Miss paano ka nakapunta rito?" tanong ko nang hindi sinasagot ang tanong n'ya.
"Katulad ng sinabi ko ay naligaw ako habang hinahanap ang opisina ni Dra. Georgina. Can you please help me na lang to find it? Please."
"After I check your ID."
"Tss. Fine. Here."
Inabot n'ya sa akin ang school ID n'ya. Her name is Sofia Vergara. Same school where I graduated. Hill Heights University.
"Okay. This way." saad ko bago magsimulang maglakad.
"Thank you."
"Nasa left wing ang opisina ni Dra. Georgina. 'Yon din ang building na pinasukan mo kanina kaya nakakapagtakang naligaw ko sa pinakadulong 'to ng hospital." pahayag ko.
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...