37 - No Regret

3.8K 100 4
                                    

Worst dream ever. Last night was a nightmare. Akala ko ay makakapatay ako ng tao kagabi dahil sa sama ng mga nasaksihan ko pero mabuti na lang at panaginip lang ang lahat ng 'yon.

Napasapo ako sa noo ko dahil sa bigat ng ulo ko. Ako ang hindi uminom pero ako 'tong parang may hangover.

Nasaan na ba si Apolinario? Paggising ko kasi ay wala na s'ya sa tabi ko.

Nag-panic pa ako kanina dahil baka mangyari ang panaginip ko. Aligaga akong tumakbo papunta sa kwarto n'ya at chineck s'ya sa loob pero wala s'ya 'don.

Hindi kaya nakipagkita s'ya kay Sofia?
Sasamain talaga s'ya sa akin!

Mabilis akong tumakbo papunta sa pinto nang marinig kong may mag-doorbell sa labas.

Si Sofia.

"Hi," bati n'ya sa akin. "Can I come in?" tanong n'ya kaya niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok s'ya.

"Nandito ka ba para sa akin o para kay Beckham?" tanong ko habang masama ang tingin sa kanya.

Hindi ko mapigilang alalahanin ang panaginip ko kagabi. The way he kissed her, f*ck! Parang in love na inlove silang dalawa sa isa't isa. Nakakainis.

Pwede ko bang takpan ng paper bag ang mukha ni Sofia para naman hindi mag-flashback sa alaala ko ang bangungot ko kagabi? Will it offend her if I do that?

Of course Jonah!

"Anong kailangan mo?" tanong ko habang seryoso ang tingin sa kanya.

"I'm here to apologize and clear things up." sagot n'ya. "Sorry sa mga ginawa ko sa'yo in the past. Alam kong walang kapatawaran ang mga pang-aahas na ginawa ko para sirain kayo ng mga naging boyfriend mo pero sa tingin ko naman ay may naitulong din ang kasalanan ko sa'yo para mas lalo kayong mapalapit ni Beckham."

"Pinapalabas mo bang dapat pasalamatan pa kita?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Pwede naman. Well, kidding aside, gusto ko lang na i-clarify sa'yo na walang namamagitan sa amin ni Beckham at wala rin akong plano na agawin s'ya sa'yo dahil boto ako sa kanya. Ako pa nga itong nagpa-realize sa kanya ng totoo n'ya feelings para sa'yo kaya kailangan mo talaga akong pasalamatan."

"Mukhang close na close na talaga kayo."

"Magkasama kami ng isang taon sa isla kaya naman parang ganun na nga."

Magkasama sila sa isla?!

"Kung saan-saan na naman tumatakbo 'yang utak mo." Natatawang pahayag ni Sofia.

"Don't laugh at me!" I hissed. "Bakit kayo magkasama sa isla?"

"Pasyente ako sa hospital na pinagtatrabahuhan ni Beckham. I have BPD, Borderline Personality Disorder at sa isang taon kong pamamalagi 'ron ay si Beckham ang naging nurse at kaibigan ko. Katulad ng sinabi ko, wala akong planong agawin s'ya sa'yo." paliwanag n'ya.

Hindi ko alam na may sakit s'ya. Ilang taon n'ya nang pinagdadaanan ang sakit na 'yon.

"Don't look at me like that." suway n'ya sa akin. "Hindi ako mamatay at isa pa, okay na ako." paninigurado n'ya sa akin.

"Kelan pa?"

"I was diagnosed with BPD when my brother died."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Magkaibigan na kami bago pa man mamatay si kuya Sandro at isa ako sa mga karamay n'ya noong nagluluksa s'ya sa pagkawala nito kaya naman hindi ko mapigilang madismaya dahil ngayon n'ya lang sa akin sinabi ang patungkol sa sakit n'ya.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon