24 - Patient

3.7K 107 6
                                    

BECKHAM

"Beckham, she's doing it again." pahayag ni Rosy na kapwa ko nurse.

"Okay, I'll talk to her."

Lumapit ako sa pinto ng cabin na kinalalagyan ni Sofia at kinatok iyon. "Sofia, si Beckham 'to." I called her.

Mayamaya pa ay nakita ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto nito. Namumugto ng mga mata ni Sofia nang sumilip s'ya sa maliit na awang na ginawa n'ya. She's crying again. Sa loob ng halos dalawang buwan kong pananatili sa isla ay kay Sofia ako parating nakabantay. Ako lang kasi ang nurse na pinapakinggan at kinakausap n'ya kaya naman naging malapit na rin s'ya sa akin kahit papaano.

"You need to drink your medicine." malumanay na pahayag ko. Kinuha ko kay Rosy ang hawak n'yang tray na may lamang gamot at isang baso ng tubig.

"Ayoko, it's making me even crazier." giit ni Sofia.

"No. It don't. Makakatulong 'to para gumaling ka na. At isa pa, hindi ka baliw."

"Kahit gumaling ako ay pagtutulungan pa rin nila ako. Sasabihin pa rin nilang sinto-sinto ang utak ko. I hate them." Maluha-luhang pahayag ni Sofia. Bago n'ya pa man muling maisara ang pinto ay iniharang ko na ang sapatos ko para pigilan s'yang ikulong na naman ang sarili n'ya sa loob.

"Do you want to talk about it?" tanong ko sa kanya dahilan para ilang sandali s'yang mapaisip.

"F-Fine."

"Let's take a walk outside."

Tumango s'ya sa akin bago lakihan ang pagkakabukas ng pinto sa kwarto n'ya.

Sofia was diagnosed with BPD or Borderline Personality Disorder. Isa iyong mental health disorder na may labis na emosyonal na ekspresyon at naghahanap parati ng pansin at atensyon. Mababa ang pagtingin nila sa sarili at laging pinagdududahan ang mga taong nakapaligid sa kanila.

"Bakit mo na naman ikinukulong ang sarili mo sa kwarto?" tanong ko sa kanya.

"I feel like all of you hates me."

"Bakit mo naman naisip 'yon?"

"Dahil sa tingin n'yo ay masama ako, na baliw ako at walang kwentang tao."

"Walang nag-iisip ng gan'yan sayo Sofia. It's all on your mind."

Tumahimik si Sofia sa tabi ko habang nakapako ang tingin sa puting buhangin na nilalakaran naming dalawa.

"J-Jonah hates me." halos pabulong ang pagkakasabi n'ya pero malinaw ko 'yong narinig.

Bago pa man ako pumunta rito sa isla ay alam ko nang s'ya ang Sofia na laging nababanggit sa akin ni Jonah. Nakita ko sa kwarto ni Jonah ang picture nilang dalawa na magkasama kaya naman bumalik sa mga alaala ko ang babaing tinulungan ko sa hospital nang maligaw ito. Same school and same name. S'ya nga ang Sofia na kinaiinisan ni Jonah dahil sa mga paninira n'ya sa mga past relationships ng kaibigan ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Sofia o aawayan s'ya dahil sa ibinigay n'yang sama ng loob kay Jonah.

Magpapa-poll ako. Should I thank her or should I pull her hair?

"Bakit mo nga ba ginawa 'yon?"

"Inunahan ko lang s'ya. Alam kong darating ang araw na lalayuan n'ya ako katulad ng ginawa ng mga kaibigan ko noon nang malaman nila ang sakit ko. I did everything I could for her to hate me. Siguro ay paraan ko lang 'yon para maibsan ang sakit na dadalhin ko kapag ako ang unang sumira ng pagkakaibigan naming dalawa." pahayag n'ya.

Bago ko pa man maging kaibigan si Jonah ay sila talagang dalawa ang alam kong hindi mapaghiwalay noon pero dahil sa sakit ni Sofia ay nagawa n'yang saktan si Jonah.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon