"Baks, lasing ka na ba kaagad?" kunot noong tanong ko kay Bea. Isang beer in can palang naiinom n'ya pero kung papakingggan s'ya ay parang may tama na kaagad s'ya. "Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog. Baka dala lang 'yan ng alak at pagod mo sa trabaho kaya kung ano-anong kawalanghiyaan na ang naiisip mo." dagdag ko.
Gustuhin ko mang hampasin s'ya ng center table dahil sa mga lumalabas sa bibig n'ya ay hinabaan ko na lang ang pasensya ko. Siguro ganito rin ang naramdaman n'ya ng sabihin kong gusto ko s'yang maging bang buddy. Sadyang hindi n'ya lang napigilan ang sarili n'ya ng mga oras na 'yon kaya sinabunutan n'ya ako.
"Gaga hindi! Alam mo namang mas malakas ang alcohol tolerance ko sa'yo!" sagot n'ya. "I'm serious Jonah. Help me ruin their precious relationship! Ako lang dapat ang bakla para kay Justine!"
"T*ngina naman Beckham! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Gusto mo bang pilipitin ko 'yang talong mo para matauhan ka!"
"Wehh. Kaya mo, kaya mo?" Hamon n'ya kaya napatikhim ako at napaiwas ng tingin sa kanya. "Naku Jonahnanggal! Tigil-tigilan mo ako sa mga gan'yang pagbabanta mo dahil alam ko kung gaano ka katakot sa anaconda." dugtong n'ya na ikinasimangot ko."No. Hindi ako papayag!"
"Ganito na lang, you need to seduce my crush's boyfriend. I'll be your f*ck--I mean, bang-buddy basta magawa mong paghiwalayin ang mag-jowang iyon."
"P-Pumapayag ka nang maging bang-buddy?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo, basta gagawin mo ang kondisyon ko."
No, wait. Kailangan kong pag-isipan ang magiging desisyon ko. Hindi ako pweding magpadalusdalos lalo pa't may sisirain akong relasyon. Oo nga't may makukuha akong kapalit kay Bea pero sa nakikita ko ay maling-mali pa rin ang pinapagawa n'ya sa akin.
"Bakit kasi ako? Hanap ka na lang pokpok d'yan sa tabi-tabi. Kung gusto mo ay ibibigay ko sa'yo ang number ni Sofia para makapag-inquire na sa kanya. Madaming hired wreckers ang lintik na 'yon.""Edi maghanap ka rin ng otoko na magiging buddy mo, ano?"
"I can't do that! K-Katawan ko ang pinag-uusapan dito. Anong klase kang kaibigan!"
Napabuntonghininga si Bea saka humarap sa akin.
"Hindi rin ako pupweding kumuha ng ibang babae dahil baka ilaglag nila ako. Ikaw lang din ang pinagkakatiwalaan ko pussycat sa misyong 'to." pahayag n'ya.
Mag-bestfriend nga kami, pareho kaming desperada. Ako desperada na matugunan ang pangangailang ng future boyfriend ko samantalang desperada naman 'tong si Bea na makuha ang lalaking mahal n'ya pero kung ipagkukumpara ang dahilan naming dalawa ay mas malala naman ata ang sa kanya. Hmm? Hindi pala ako sure.
"I'll think about it." Mahinang usal ko. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa sisig at nilantakan ito.
Iba rin talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Haist. Nagagawa nitong gisingin ang natutulog mong kademonyohan. Kung pwede ko lang hulihin ang demonyo sa balikat ni Bea ay ginawa ko na. Ibi-blender ko s'ya na parang prutas at sisiguraduhin kong ang tiyan ko ang magiging bagong impyerno n'ya.
Hindi naman kasi gan'to ka bad si Beatrice kaya nakakagulat talaga ang gusto n'yang mangyari.
"Aray!" reklamo ko nang bigla n'ya akong batukan. "Problema po?" inis na tanong ko sa kanya.
"Yong sisig inubos mo na!" asik n'ya habang masama ang tingin sa akin at ganun din ako sa kanya pero mayamaya ay parehas kaming humagalpak ng tawa. Mga baliw lang.
"Pwede ka naman magsabi. Binatukan mo pa talaga ako! Kainis ka!" Lumapit ako sa kanya saka s'ya binatukan bilang ganti sa ginawa n'ya sa akin."Ohh! Nakadal'wa ka na! Jumbagan pala ah! Sige tingnan lang natin kung sino ang dehado sa'ting dalawa." Hamon n'ya kaya bigla akong nahintatakutan. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya dahil alam kong sakit ng katawan ang aabutin ko sa sunod n'yang gagawin.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa throw pillow nang bigla s'yang tumayo suot ang ngisi n'ya sa labi. Inihipan n'ya ang magkabila n'yang palad na gagamitin n'yang panghampas o pangsabunot sa akin kaya mas lalo akong natakot sa kanya.
"Sige subukan mo! Marunong ako mag-karate!" pagmamayabang ko pero 'yong karate na pang-kid level lang syempre.
"Pussycat, hindi ka pa rin ba nadadala?" tanong n'ya habang nakangisi.Kung may battered wife ay meron ding battered friend at ako ang nasa sitwasyong iyon sa amin ni Beatrice.
Akmang tatakbo na sana ako papunta sa kusina nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Bea sa bewang ko. Nagsisigaw ako sa takot lalo na nang buhatin n'ya ako hawak lang ang bewang ko.
"Kyaahh! Bea!" tili ko habang hinahampas ang braso n'ya.
Pumasok kami sa kwarto n'ya. Muli akong napatili ng ibagsak n'ya ako sa kama. Mabuti na lang at malambot ang kama n'ya kaya tumalbog lang ang katawan ko.
"Bwisit ka talaga!" asik ko. "Hoy! Anong gagawin mo?" Nanlaki ang mata ko nang hubarin n'ya ang suot n'yang t-shirt sa harap ko kaya lumantad sa akin ang matipuno at maganda n'yang katawan.
"Ano bang iniisip mong gagawin ko?" tanong n'ya. Kanina ko pa gustong burahin ang pilyo n'yang ngisi sa labi pero baka mag backfire 'yon sa akin. "Do you feel arouse? Nagawa ba ng katawan kong buhayin ang sexual desire mo? Hahaha. Wala pa nga akong ginagawa 'e."
"Lintik ka! Hindi pa ako pumapayag sa kondisyon mo!"
"Alam ko kaya nga sisiguraduhin kong hindi ka makaka-hindi sa akin." Bigla akong kinilabutan ng lumapit s'ya sa akin at ibuka ang hita ko. Pumwesto s'ya sa gitna nang hita ko at hinapit ang bewang ko hanggang sa mapaupo ako sa kandungan n'ya.
Hinawakan ko si Bea sa magkabila n'yang balikat para mailayo ang katawan ko sa kanya pero hindi 'yon sapat para mabitawan n'ya ako. Kapag sumuko ako sa pang-aakit n'yang 'to ay siguradong wala na akong kawala, wala na akong ibang choice kundi ang manira ng relasyon sa ayaw at sa gusto ko.
Matagal ko nang kilala si Beatrice pero bakit ngayon pa ako nagduda sa sekswalidad n'ya? Bakla ba talaga s'ya? Bakit lalaking-lalaki s'ya ngayon? Akala ko ba nandidiri s'yang humawak ng merlat?
P*tangina naman Beckham!
"You're going to regret this tomorrow." pahayag ko na nagpataas ng kilay n'ya. "Siguradong hindi ka titigil sa pagkuskos ng katawan mo bukas dahil sa gagawin mo sa akin ngayon. You're not sure about this, tama ba? Naririnig ko ang pagsigaw ng bading mong kaluluwa dahil sa matinding pandidiri sa akin. You can't fool me baks." pahayag ko habang hinahaplos ang leeg n'ya.Itinulak n'ya ako paalis sa kandungan n'ya kaya napahagalpak ako ng tawa. I win! Aaminin kong naloko n'ya ako sa pagiging lalaki n'ya ng ilang minuto pero nagawa ko pa ring i-summon ang binabae n'yang kaluluwa kaya nanalo ako laban sa kanya.
"Punyeta ka! Urghhh! Kadidir ka!" Umarte s'ya na parang nasusuka sa harap ko kaya naman mas lalo akong natawa. Para s'yang tanga.
"Paano pala kapag pumayag akong paghiwalayin sina Justine at ang jowa n'ya? Magagawa mo bang i-pleasure ako?" tanong ko na mas lalong nagpangiwi ng mukha n'ya.
"T*ngina! 'Yon na nga 'e!"
"Pag-isipan muna natin 'to. 'Wag tayong maging impulsive. Kung hindi mo masisikmura ang tahong ko at hindi ko rin masisikmurang manira ng relasyon ng iba ay mas makabubuting 'wag na lang natin gawin. Ayokong masira tayong dalawa." Lumapit ako kay Bea at yumakap sa kanya.
"Bea, be honest. Sino ang mas gugustuhin mong mawala? Ako na halos limang taon mo nang bestfriend o si Justine na mahal mo pero may mahal nang iba?" tanong ko. Curious lang ako kung sino ang pipiliin n'ya. "Hindi ako magagalit sa kung ano man ang magiging sagot mo." Paninigurado ko sa kanya.
"Syempre mas gugustuhin kong mawala ka ke- Aray!" daing n'ya nang malakas kong hampasin ang dibdib n'ya. Napayuko s'ya sa kama habang hawak ang dibdib n'ya at namimilipit sa sakit.
Opps. Nalakasan ko ata.
"A-Akala ko ba hindi ka magagalit? Gaga ka! Bali ata isa kong ribs." Muli n'yang ibinaon ang mukha n'ya sa kama habang napapaungol na lang sa sakit.
"Bwisit ka kasi! Halos limang taon na tayong magkaibigan pero parang wala lang 'yon sa'yo. Hindi na ako natutuwa sa Justine na 'yan."
"Eto naman tampo kaagad! Bangasan kaya kita!" Pagigigil n'ya.
Napahikab ako dahil sa antok. Kailangan ko nang matulog dahil may pasok pa ako bukas. Diba, lakas ng loob uminom kahit may pasok kinabukasan. Ganyan ako ka strong. Tumalon ako pababa sa kama ni Bea para bumalik sa sala pero kaagad din akong napatigil nang tawagin n'ya ako.
"Hoy! Dito ka na lang matulog. Malaki naman 'tong kama ko."
"Talaga?" Abot tengang tanong ko sa kanya.
"Wag mo lang akong rape-in dahil ako mismo papatay sa'yo." Pagbabanta n'ya na nagpaikot ng mga mata ko.
"Whatever." Tumalon ako pabalik sa kama n'ya saka nahiga sa tabi n'ya. Siguro ay gusto n'ya lang bumawi sa sinabi n'ya kanina. Alam kong deep inside ay ako talaga 'tong ayaw n'yang mawala sa tabi n'ya. Nahihiya lang s'yang sabihin 'yon dahil hindi s'ya ganun ka showy sa feeling n'ya.
"Usog 'don." Sinipa n'ya ang tagiliran ko kaya muntik na akong mahulog sa kama, mabuti na lang nakakapit ako sa bed sheet ng kotson n'ya dahil kung hindi ay lumanding na ang mukha ko sa sahig.
"Tss. Bwisit ka talaga!" asik ko bago tumagilid patalikod sa kanya. Naging komportable ako kaya naman kaagad din akong nakatulog
BINABASA MO ANG
My Bang Buddy | Pechay Series #3
Romance/C O M P L E T E D/ |PECHAY SERIES #3| Beckham Apolinario ♥️♥️♥️ Just friends. Period. Iyon lang talaga ang turingan ni Jonah at Beckham a.k.a Beatrice sa isa't isa. Wala nang mas ilalalim at ibabaon pa dahil parehong otoko at daks ang gusto nilang...