20 - Work Contract

5.2K 139 14
                                    

THIS CHAPTER IS RATED SPG ‼️ ⚠️

***
"What's with the face?" tanong sa akin ni Justine nang makasalubong ko s'ya sa may hallway habang tulak-tulak ang isang empty wheelchair.

Bukod sa naudlot ang dapat sanang continuation ng session ni Jonah kahapon sa apartment ay dumagdag pa sa pangba-badtrip sa akin ang balitang natanggap ko ngayong araw na 'to.

"Isa ako sa mga nurse na napili na mag-asisst sa psychological counselling sa isla." Bagsak ang mga balikat kong sagot sa kanya.

"Diba dapat masaya ka? Ilang taon mo nang gustong pumunta 'ron tapos ngayong binigyan ka na nang pagkakataon ay bakit parang ayaw mo nang tumuloy?" tanong ni Justine.

Tama s'ya. Matagal ko nang ipinagdarasal na mapabilang sa mga nurse na ipinapadala ni Dra. Georgina sa isla. Malaking opportunity sa akin iyon dahil additional experience and learning bilang nurse ang makukuha ko roon. Life is a continuous learnings at ayokong mag-stay sa isang lugar na paulit-ulit lang ginagawa ko. Pakiramdam ko noon ay na-stock ako sa isang loop hole dahil walang pagbabago sa mga ginagawa ko sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho ko. Iyon ang nag-trigger sa akin na mag-volunteer. Hindi ko naman alam na kung kelan may exciting nang nangyayari sa buhay ko ay saka naman ako matatanggap dito.

"Who's stopping you?" tanong ni Justine kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"W-Wala."

"Obvious naman na meron. 'Wag mo nang itanggi."

"Don't me. Porket bati na kayo ni Jonah ay gaganyanin mo na ako." pagtataray ko sa kanya. 

Kaya naudlot ang session namin kahapon ni Jonah ay dahil sa pagdating nina Wislow at Justine sa apartment ko nang walang pasabi. Hindi raw s'ya pinapatahimik ng konsensya n'ya kaya napa-aga ang dapat sana ngayong paghingi n'ya ng sorry sa kaibigan ko.

"Anyway, ito lang ang masasabi sa'yo. Hindi mo dapat palampasin ang pagkakataon na to. Tsaka 1 year lang naman diba?"

"2 years."

"2 years na pala?" gulat na tanong ni Justine kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Pagkatapos ng duty ko ay pinuntahan ko si Dra. Georgina para sabihin sa kanyang iaatras ko ang application ko.

"Beckham," tawag sa akin ni Dra. Georgina habang nakaupo sa couch at may binabasang files na nakapatong sa hita n'ya.

"Doktora, I want to withdraw my application. Dito na lang muna ako sa hospital mo magtatrabaho."

"Why? Give me one reasonable explanation. Kailangan mo muna akong makombinsi bago ako pumayag sa gusto mo." Napalunok ako ng laway nang suriin n'yang mabuti ang mukha ko. Para bang binaba n'ya ngayon ang nasa isip ko.

"I-I hmmm."

What should I tell her?

"May isang tao ka bang naiisip na ayaw mong maiwan? Is she your girlfriend?" sunod-sunod na tanong ni doktora.

S'ya ba talaga ang dahilan ko kung bakit ayokong umalis? O natatakot lang ako na maiwan sa ere. Maaaring pagbalik ko after 1 year ay may iba na s'yang kapiling at hindi ako 'yon.

I guess the real reason is that I'm scared to lose myself for losing her.

"I'm gay doc. You know that." mahina kong sagot na ikinatawa n'ya.

"You're not. Katulad ka rin ng mga kaibigan mong sina Amari at Jenno. You're bisexual. Hindi ka ba aware?"

"W-What? N-No way."

Sige bakla! Deny pa!

"Nang tanungin ko kanina kung may girlfriend ka ay bigla na lang kumaway at namula 'yang tenga mo. I know that their's someone on your mind right now. Bakit hindi ka sumama sa isla at mag-reflect?" Nakangiting pahayag ni doktora.

My Bang Buddy | Pechay Series #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon